Chapter 16: Tournament II
"Sisimulan na po natin ang paligsahan! Lahat ng kalahok sa paligsahan ay tinatawag upang bumunot ng kanilang numero!" Sigaw ng host.
Lahat ng mga kalahok ay tumungo sa lugar kung saan nakaupo ang mga judge at isa isang bumunot ng kanilang numero.
'D4'
Yan ang numero na nabunot ni Ivan.
"Lahat ng mga kalahok na nakabunot ng may letrang 'A' tumungo na po kayo sa Arena A! ganun din iba na nakabunot ng may Letrang B, C at D pumunta na kayo sa Arena B, C at D!" Sigaw ng host.
Tumungo si Ivan sa Arena D, at di kalayuan ay natanaw nya si Mark ang Vale Tudo user na nakita nya sa parke na kalaban ng Muay Thai. Kasama nito ang ilang manlalahok na Vale Tudo user din, marahil mga kasamahan sa gym.
Bakas pa kay Mark ang mga pasa na dulot ng kanyang sparring laban kay Troy.
A1(Troy) vs. A2
B1 vs. B2
C1 vs. C2
D1 vs. D2 (Mark)Nang umakyat si Troy sa Arena A ay nakita sya ni Ivan, di tuloy napigilan ni Ivan ang kanyang pananabik.
Nagkatinginan pa si Troy at Mark, hindi magkakalayo ang mga Arena sa bawat isa at wala din harang.
Nagumpisa ang unang laban ng paligsahan at walang hirap na tinalo ni Mark at Troy ang kanilang mga kalaban.
Pagkatapos ng unang batch ng mga kalahok ay sunod na tinawag ang pangalawang set. (A3, A4, B3, B4, C3, C4, D3 at D4)
Umakyat si Ivan sa entablado, ganun ang kanyang kalaban na isa sa mga kasama ni Mark.
Pinagmasdan ni Ivan ang paligid, bukod kay Clarisse at Clovis, wala ng ibang estudyante o nanunuod ang sumusuporta sa kanya. Ang iba pa nga hindi na nagsayang pa ng Oras o nagabala man lang gumawi ng tingin sa kanyang direksyon.
Hindi na ito nakakapagtaka, bagamat isang martial artist ay isang malaking sikreto ito ni Ivan. Lumalaban sya sa mga paligsahan nuon pero tinatago nya ang kanyang pagkatao at madalas ang sinasalihan nya ay mga Underground Tournament.
"Fight!" sigaw ng referee.
"Ang tagal na.. halos di ko na maalala ang sensasyon sa ibabaw ng ring.." wika ni Ivan sa kanyang isipan.
Nakatayo lang si Ivan at pinikit ang kanyang mga mata na tila pinapakiramdaman at nilalasap ang sensasyon na kanyang nararamdaman sa ibabang ng entablado.
Nang sumigaw ang referee ay sumugod na din ang kalaban ni Ivan.
Nakatayo parin si Ivan at nakapikit na tila hindi alam ang paparating na kalaban.
Nakangiti ang kalaban ni Ivan na tila iniisip ang isang walang hirap at napakadaling panalo, hinakbang nito ang kaliwang binti, kasama ang bigat ng buong katawan ay buong pwersa't lakas nitong sinuntok ang kanang braso.
Biglang idinilat ni Ivan ang kanyang mata na naging dahilan upang ikagulat ng kanyang kalaban, nanlaki ang mga mata nito. Sinubukan din nito na pigilan ang kanyang suntok subalit, dahil sa lakas at momentum nito ay di na nya magawang pigilan ang kanyang suntok.
Biglang yumuko si Ivan, sinara ang kanang kamao, hinakbang ang kaliwang binti pagilid. Walang hirap na iniwasan ni Ivan ang suntok ng kanyang kalaban.
Mula sa pagkakayuko ay biglang tumayo si Ivan at kasabay ng kanyang pagtayo ay kasunod ang nakahanda ng kanang kamao at pinatama sa baba ng kanyang kalaban.
BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
ActionNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...