Chapter 7

784 57 5
                                    


A/N: Late update, but I already told na medyo late talaga ako magupdate specially ngayon, bagamat long holiday ngayon busy parin ako dahil madaming assignments and project at naging busy din nung undas. salamat sa pag-intindi. Hayaan nyo nalang na bumawi ako sa chapter na to 😋 sana magustuhan nyo..

Comment and Vote, pampasipag magsulat.. hehe

Chapter 7: We meet again..

Dahil ilang oras na tuloy tuloy naglaro si Ivan at walang pahinga, pagkalog out ni Ivan ay bumawi sya ng tulog na halos apat na oras lang pagkagising saka sya bumawi ng kain.

Pagkakain ni Ivan ay agad syang tumungo sa kanyang Computer upang alamin kung may bumili na sa mga item na pinost nya sa Auction sa official website ng New Saga.  Iilan lamang ang nabenta ni Ivan na naglalaro lang sa halagang 100-150 pesos, plus may reduction pa na 15% per Item tax na mapupunta sa company mismo ng New Saga.

Pagkatapos sa computer ay lumabas na ng bahay si Ivan at nagsimulang magjogging. Ilang oras din sya nagjogging bago tumigil sa park malapit sa kanilang bahay at dito na nya simulan mag-stretching para pang warm up bago magsanay ng Taekwondo.

Pinaghahandaan na ni Ivan ang papalit na martial arts tournament lalo na't zero balance na ang kanyang bank account. Pagkatapos magsanay ay dumiretso si Ivan sa mall upang mag-withdraw ng pera mula sa mga item na nabenta nya. Namili na din si Ivan ng mga groceries pang kain nya at karamihan sa mga binili nya ay puro mya cup noodles.

Pagkauwi ni Ivan ay naligo muna sya bago kumain at muling bumalik sa New Saga.



Paglog in ni Ivan ay nasa loob na sya ng kweba at nakapila sa harap nya ang mga goblin. Inutusan ni Ivan ang mga goblin na maghunt at magpataas ng level.

Dahil nasa beginner area ang kweba ay puro mabababang level na monster lang ang mga monster kaya naman na hinto na ang level ni Ivan sa level 30 at kahit pa gaano karami ang kanyang pataying monster ay tila ba hindi nadaragdagan ang kanyang exp.

Kaya naman walang nagawa si Ivan kundi hayaan ang mga alagang goblin nya na magpataas ng level.

Pinagiisipan ni Ivan kung dapat ba syang lumayo sa kweba upang mang hunt ng monster at pataasin ang kanyang level dahil kapag ginawa nya ito siguradong hindi malayo na may makakalaban syang mga player na naman at maaaring maging dahilan upang mamatay syang muli, nang biglang may naalala si Ivan.

“baket ba kailangan kong lumipat nang lugar? Ou beginner area ito at mabababang level na monster lang andito.. pero isa din ako sa mga monster na yun, at marami ding mga beginner na player dito na mataas magbigay ng exp..”. wika ni Ivan at di na nya mapigilan pa ang kanyang emosyon.

Magisang lumabas ng kweba si Ivan at magisa din syang umalis upang mang hunting ng player, dahil kapag mas marami sila ay mas madali silang mapapansin ng mga player na syang iniiwasan ni Ivan.

Hindi pa nakakalayo si Ivan sa kweba ay nakita na nya agad ang unang grupo ng mga player na kanyang bibiktimahin.

“[Fade]..”  mahinang wika ni Ivan at mula sa madilim na kanyang pinagtataguan ay unti unting naglaho si Ivan.

[Fade] Beginner Lvl. 1
- (Active) hide in shadow or dark places, you will become invisible and immune to any Physical Attack.  your next attack will deal ×1.5 Physical Damage as a critical strike. Note if you move the skill will be cancel. (Dark Arts + Mana Perception)

Matyagang inantay ni Ivan ang paglapit ng mga baguhang player sa kanyang posisyon, ang grupo ng mga baguhang player na ito ay binubuo ng apat na player at ant kanilang level ay naglalaro sa level 13-16. Priest, Mage, Swordsman at Knight.

Nauuna ang Knight, kasunod ang mage, Swordsman at ang nahuhuli ay ang priest.

Nang makalampas ang knight, at nang sa tingin ni Ivan ay sapat na ang kanyang distansya sa Priest ay agad na tumalon si Ivan patungo sa direksyon ng priest.

Biglang nagkagulo ang mga player na tila hindi alam kung ano ang gagawin at kung anong klaseng formation ang kanilang bubuuin.  Ikaw ba naman ay biglang may sumulpot na nakakakilabot na nilalang sa iyong harapan.

[Devlin Level 30]

Ang mukha nito ay hindi nalalayo sa mukha ng isang goblin, may butlig ang buong katawan, malalaking ilong at tainga, at may nanlilisik na mga mata.  Ang tanging pinagkaiba nga lang, ang goblin ay kulay berde at ito'y kulay itim ay may maliliit pang apat na sungay sa ulo.

Pagkalaag ni Ivan sa harap ng priest ay agad syang yumuko upang bumwelo at umikot, “[Dark Kick]!” wika ni Ivan at sabay sipa ng buong lakas, nabalot ang binti ni Ivan sa itim na apoy.

Tumalsik ang priest at nabalot ang dibdib nito ng itim na apoy kung saan tumama ang [Dark Kick].  Hindi naman nagsayang si Ivan ng oras, habang nasa ere ang priest ay bumwelo si Ivan ng isang suntok.

“[Shadow Punch]!”. Nabalot ng itim na apoy ang kamao ni Ivan at sabay suntok sa hangin, ang itim na apoy na bumabalot sa kanyang kamao ay mabilis na tumalsik patungo sa direksyon ng priest na tumama pa sa dibdib ng priest ang itim na apoy na hugis kamao.

Nang bumagsak ang priest ay wala na itong buhay, “a-anong nangyari?!” sigaw na pagtataka naman ng Swordsman.

Biglang sumugod ang knight kay Ivan, “delikado!! Ito ata yung sinasabi ng RobBrothers nakaraan na bug!” wika ng knight.

“[Killing Intent]..” bulong ni Ivan, nanlaki ang mata ng knight na tila may nakakatakot at nakakalibot na halimaw sa kanyang harapan.  Napaatras pa nang isang hakbang ang knight bago ito mapaluhod ganun din ang Swordsman at mage.

[Killing Intent] Beginner Lvl. 1
- (Active) All enemies that look into your eyes will receive a debuff status [Terrified] for 1.5 seconds.
- [Terrified] unable to move, silence, and reduce stat by 10%. (Intimidation + Dark Arts)

“[Devil's Grip]” unti unting naipon sa braso ni Ivan ang Itim na apoy habang mag-anyong higanteng kamay ng demonyo ito.  Humaba ang braso ni Ivan na nababalot ng itim na apoy patungo sa mage at dinakma ang mage at hinila papalapit sa kanya.

[Devil's Grip] Beginner Lvl. 1
- (Active) Summon the hands of demon  to grab your enemy and pull him/her to you.  Enemy that grab by Devil’s Grip will suffer 100+(INT)+(EVIL) Magic Damage. (Brute Fore + Dark Arts)

Nagpupumiglas ang babaeng mage habang hinihila ng [Devil’s Grip], at gumamit pa ito ng skill na [Lightning Smite] na tamama sa mukha ni Ivan subalit malayang sinalo lang ito ni Ivan at di man lang nakatanggap ng malakinh damage.

“h-hindi!” sigaw ng Swordsman, at mabilis na sumugod kay Ivan. Nang makalapit ito kay Ivan ay panandalian syang huminto't gumamit ng skill. “[Sonic Blade]!” sigaw ng Swordsman at nabalot sa berdeng liwanag ang kanyang espada at nang kamya ito winasiwas ang berdeng liwanag ay tumalsik at mabilis na tumungo kay Ivan.

“[Titanium Arm]!” naging kulay silver ang kulay ng buong braso ni Ivan at gamit ang kanyang braso ay hinarang ni Ivan ang [Sonic Blade] ng Swordsman.

[Titanium Arm]
- (Active) for 1.5 seconds increase you Endurance by 100% and Receive 25% Physical and Magic Resistance.

Tumawa pa ang Swordsman nang makita nya na tumama ang knyang skill na [Sonic Blade] sa braso ni Ivan at lumikha pa ng mahinang pagsabog.  Subalit agad ding nagbago ang pinta ng kanyang mukha nang makita nyang buhay na buhay pa si Ivan.

“[Dark Magic: Black Flame]!” sa palad ni Ivan ay lumitaw ang itim na apoy at inihagis ito sa Swordsman na naging dahilan upang tumalsik ito ng ilang metro.

Habang sakal sakal ang babaeng mage ay pinagsusuntok ni Ivan ang sikmura nito at nang magsawa sa pagsuntok sa sikmura ay inumpog ni Ivan ang mukha nito sa lupa't inihagis ito.

Dahil sa takot ay mabilis na tumakas at tumakbo ang knight papalayo subalit bago pa man siya makalayo ay may matulis na buto ang natapakan ng knight na tumagos sa kanyang paa patungo sa kanyang balikat, marami pang mga matutulis na buto ang tumudok sa kanyang katawan.

“[Dark Magic: Bone Trap].. tae wala na kaagad akong mana, dumami ang mga skill ko at karamihan may matataas na damage at may magagandang effect ang problema malakas kumain sa mana lahat ng skill ko..” wika ni Ivan.

Dahan dahan na lumapit si Ivan sa Swordsman at pinagsusuntok ang mukha nito hanggang sa mamatay, ganun din sa Knight.

Mababa lang ang nakuhang exp ni Ivan, pero mas mataas na ito kumpara sa mga nakukuha nyang exp sa mga monster.

Muling naghanap si Ivan ng mga baguhang player at isa isang pinagpapatay ito, ilang oras din si Ivan naghunt ng mga baguhang player na naging dahilan upang maglevel up sya, lahat ng kanyang stat points ay inilagay nya sa Intelligence.

Walang ginawa si Ivan kundi maghunt ng maghunt ng player, bunod sa mas mataas na exp ang kanyang nakukuha.  Tumataas din ang knyang Evil stat na kailangan sa madami nyang skill. At npapataas din nya ang mga level ng kanyang skill.

Makalipas ng ilang oras na paghahunt ay nakadalawang beses lamang na naglevel up si Ivan.  Dahil sa kasawaan ay muling bumalik si Ivan sa kweba at pinabalik na din nya ang mga alagang goblin. Pagbalik ng mga goblin ay nagulat pa si Ivan dahil tumaas ang kanilang level ng lima.

“buti pa sila..” buntong hininga ni Ivan. “skills!” naisipang tignan ni Ivan ang kanyang mga skills.

Skills:

[Synthesis]
[Martial Arts: Kick Boxing] Beginner Lvl. 3
[Dark Magic] Beginner Lvl. 1
[Dark Kick] Beginner Lvl. 2
[Shadow Punch] Beginner Lvl. 2
[Fade] Beginner Lvl. 2
[Dark Aura] Beginner Lvl. 1
[Killing Intent] Beginner Lvl. 1
[Devil's Grip] Beginner Lvl. 1
[Titanium Arm] Beginner Lvl. 2
[Demonic Gate]. Beginner Lvl. 1
[Mana Perception] Beginner Lvl. 5
[Dark Arts] Beginner Lvl. 7
[Metallic Skin] Beginner Lvl. 6
[Brute Force] Beginner Lvl. 7

Nagulat naman si Ivan sa dami ng kanyang skills. “di ko inakala na ganito na pala karami ang skill ko..” wika ni Ivan. “pero napansin ko lang na mas matagal na maglevel up ang mga skill na resulta ng Synthesis kumpara sa mga normal na skill.” Dugtong pa ni Ivan.

Naisip ni Ivan na sa pagkakataong ito ay isasama na nya ang mga goblin bahala na kung kuyugin siya ng mga player at malaman ang kweba.  Bago umalis si Ivanay tumungo muna sya sa storage room at kumuha ng Mana Potion dahil lahat ng dala nya ay ubos na, sa katunayan ay hindi talaga sila magic potion.

[Shitty Food]

- A food that made by goblins, who knows what they put in this food but it stinks like a shit and it tastes like a garbage.  Legend says it’s made from the shit of [Mana Vampire], a [Mana Vampire] is a low class type monster who loves to suck mana from mana stone, cooking their shit that consist of mana will boost its magic properties and by adding some healing herbs will increase its effect.

“puta talaga.. description palang ng pagkain na to paniguradong mawawalan ka ng ganang kumain ng isang buong linggo..” wika ni Ivan, miski sa sarili ni Ivan ay hindi sya makapaniwala na nagagawa nyang kainin ang pagkain na gawa ng mga goblin.

Matapos kuhain ang lahat ng kailangan ni Ivan ay muli nyang sinimulan ang paghunt ng mga player.

Sa tulong ng mga goblin ay naging madali ang paghuhunt ni Ivan at naging mabilis pa ito kumpara ng sya lang ang mag-isa naghuhunt.  Dahil sa bilis ay wala pang isang oras at naglevel up na si Ivan.

Masayang nagpaoataas ng level si Ivan hanggang sa may napansin syang kakaiba.

Bukod sa paunti ng paunti ang mga player sa paligid ay sa iisang direksyon lang nya nakikita ang mga player sa kanyang mapa.

Nung una inisip ni Ivan na umiiwas lamang sa kanya ang mga baguhang player dahil sa takot na mapatay muli, pero nang mapansin nya ang kakaiba ay dito na nagduda si Ivan.

Ang mga baguhang player ay kalat kalat sa mapa dahil sa kanya kanya silang hunt ng monster, pero nang tignan ni Ivan ang mapa, naka straight line ang mga player at hindi umaalis sa kanilang posisyon na tila inaantay na lumapit si Ivan sa kanila at iniikayat na tumungo si Ivan sa ninanais nilang lugar.

Nagdalawamg isip pa si Ivan kung dapat ba syang lumapit o bumalik.

“tutal andito na ako.. wala nang atrasan pa..” wika ni Ivan at nagpatuloy lang sa pagpatay ng mga player hanggang sa marating nya ang dulo na isang dead end na napapaligiran ng matataas na bato.

“sinasabi ko na nga ba..” mahinang buntong hininga ni Ivan.

Mula sa mataas na bato ay naglabasan ang madaming player, ganun din sa mga halaman na nakapalibot.  Napansin ni Ivan karamihan sa mga player na ito ay mga baguhang player na ang mga level ay naglalaro sa level 15-20.

Sinubukang tansahin ni Ivan ang bilang ng mga player na umabot sa bilang na dalawampu.

Sa gitna ng mga player ay lumabas ang isang player na tila pamilyar kay Ivan.

“naalala mo ba ako? Goblin..” wika ng pamilyar na player.

“bxysuwggsjzkwihNa” sagot ni Ivan. (sino ka?)

“malamang ay hindi mo na ako naaalala pa.. kaya hayaan mong ipaalala ko sa iyo kung sino ako!!” wika ng pamilyar na player at tumingin ito sa player na kanyang katabi at sabay tango.

Kinuha ng player ang isang pirasong tela sa kanyang bag at ibinato ito kay Ivan na sinalo naman ni Ivan.

“ngayon naalala mo na ba kung sino ako?! Humanda ka at ipapalasa ko sayo kung paano magalit ang RobBrothers!!!” sigaw ni Rob.

Rob Level 31 (Swordsman)

Tinignan ni Ivan kung ano ang tela na ibinato sa kanya at dito nya naaalala ang pinaka nakakahiyang araw para kay Ivan, ang araw kung saan nakita ng mga goblin ang kanyang pinakatatagong yaman.  Hinding hindi iyon malilimutan ni Ivan, masaya pa syang naglalakad at pinagtatawanan at pinagtitinginan ng mga goblin at dito nya napagtanto na wala na pala ang kanyang saplot at malayang tinatanglaw ng kanyang Junior ang kapaligiran.

“hagvabaja!! Jshbwbwjskskqn!! Jshshank!!”  sigaw ni Ivan (Putang ina mo!!  Ikaw pala nagnakaw ng Underwear ko!!  Gago ka!!)

Tumawa pa si Rob, “kahit na magmakaawa ka pa huli na ang lahat dahil sayo nadungisan ang aking pangalan!!  Mga bata sugod!!”  sigaw ni Rob.

“hsgaghwja!! Ishshwnwjqkkd? Iahsnbwbmakzhzbenabahu!” sigaw ni Ivan at mabilis na sumugod sa direksyon ni Rob. (Tang ina!! Tatawa ka pa? sisiguraduhin ko na hindi ka na makikilala ng magulang mo!)

“[Dark Aura]!” Nabalot ng itim na aura ang buong katawan ni Ivan.

Sabay sabay na gumamit ng magic ang mga mage, at dahil napapaligiran si Ivan ang mga nagliliparang magic na tila fireworks ay nagmula sa iba't ibang direksyon.

Wlaa nang nagawa pa si Ivan kundi ang itigil ang pagsugod kay Rob, nag-antay si Ivan ng tamang tyempo. “[Titanium Arm]!” naging kulay silver ang dalawang braso ni Ivan at sabay harang sa mga magic napapalapit sa kanya na halos ilang dangkal nalang ang layo.

Sumabog ang magic na lumikha ng makapal na usok, bagamat gumamit na si Ivan ng [Titanium Arm] ay hindi parin ito sapat upang pigilan ang ginawang pag-ataki ng mga mage, kaya ginamit na pagkakataon ni Ivan ang usok upang makalapit kay Rob, nang sapat na ang distansya ay agad na ginamit ni Ivan ang [Devil’s Grip].

Kampanti si Ivan na madadakma nya si Rob gamit ang [Devil’s Grip] at mahahatak nya papalapit sa kanya.  Subalit, biglang nakaramdam ng kaba si Ivan nanng makita nya ang mga ngiti sa labi ni Rob na hindi parin kumikilos upang ilagan ang [Devil’s Grip].

“[Time Magic: Time Freeze]…” mahinang bulong ni Rob.  bigalng huminto ang daloy ng oras at ang buong paligid ni Ivan ay huminto din miski ang pagtibok ng kanyang puso ay damangdama nya ang paghinto na tila ba'y kakapusin sya ng hangin kahit na ano mang sandali.

Muling bumalik ang daloy ng oras subalit wala na si Rob sa dati nyang posisyon at nagsimula nang sumugod kay Ivan.

“a-anong nangyari?  h-hindi ko maintindihan.. parang huminto ang oras na parang naglag..”  wika ni Ivan sa kanyang isipan.

“[Time Magic: Time Freeze]..” muling bulong ni Rob.

Sa muling pagkakataon ay muling huminto ang oras at ang paligid ni Ivan.  At nang bumalik ang daloy ng oras ay nasa harapan na nya si Rob.

“[Double Slash]!” wika ni Rob.

“shit! Ano bang nangyayari?! [Fade]!” wika ni Ivan at unti unting naglaho ang kanyang katawang at tumagos lamang ang espada ni Rob sa kanyang katawan.  Umikot si Ivan at sinipa si Rob. “[Dark Kick]!” tinamaan ni Ivan si Rob sa tagiliran.

“[Time Magic: Reverse]!” sigaw ni Rob. At biglang nagbago ang kanilang posisyon, si Rob ang sumipa at si Ivan ang tinamaan sa tagiliran.

“Guaaaah!” naduwal pa si Ivan sa lakas ng pagkakasipa ni Rob at tumalsik si Ivan ng ilang metro.

“Fuaahahahaha!” bulalas ni Rob. “ano goblin? Asan na ang galing at lakas mo ngayon huh?! Balita ko muntik mo matalo ang PaCanton party, tapos hanggang dito lang pala ang lakas mo!! O sadyang. Mahina na talaga ang PaCanton!!” dugtong pa ni Rob habang tumatawa.

Nagngitngit ang ngipin ni Ivan dahil sa galit bumangon si Ivan, “[Shadow Punch]!” sigaw ni Ivan at agad na gumamit ng skill pagkabangon na pagkabangon palang.

“[Time Magic: Time Freeze]!” wika ni Rob at muling tumigil ang oras at paligid ni Ivan.

Inasahan na ni Ivan na muling susulpot si Rob sa kanyang harapan. “siguradong may CD ang Reverse di tulad ng Time Freeze.. kailangan kong sumugal” wika ni Ivan sa kanyang isipan.

Tulad ng inaasahan ay sumulpot nga si Rob sa kanyang harapan. “[Dark Magic: Black Flame]!” naipon ang itim na apoy sa palad ni Ivan, bakas sa mukha ni Rob ang gulat nang makita nya ang itim na apoy sa palad ni Ivan na papalapit na sa kanyang mukha.

Tumama ang palad ni Ivan sa mukha ni Rob na naging dahilan upang tumalsik si Rob. “[Time Magic: Time Lapse]!” sigaw ni Rob.

Muling sumulpot si Rob sa harap ni Ivan, sa pagkakataong ito puno na ang buhay ni Rob na tila walng natamong galos ganun din ang mana nito.

“[Dance of Thousand Blade]!” mabibilis at sunod-sunod na pinaghihiwa ni Rob ang katawan ni Ivan.

[Itutuloy..]

New Saga (VRMMORPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon