- P L A G A R I S M is a C R I M E
All rights reserved 2018.
©Copyright - JheraldRealyn
Published in Wattpad October 2018
Chapter 1: I am a Baby Goblin?!!
Taong 20XX, nang maimbento ang VR Helmet na tila naging isang daan upang maisakatuparan at maisabuhay ng mga tao ang kanilang imahinasyon. Madaming mga VRMMORPG ang naglabasan sa publiko subalit iisa lang ang tumatak sa mga tao at ito ay ang 'New Saga' na sa loob lamang ng apat na buwan ay umakyat kaagad ang bilang ng mga player nito sa ¾ ng bilang ng populasyon sa buong mundo. Naging sikat at naging laman ng mga balita, social media at usapan ang New Saga. Na nagtulak kay Ivan upang mag-ipon ng pera upang mabili ang New Saga Helmet.
Mahirap lamang ang pamilya ni Ivan at nasa High School palamang siya kaya wala siyang nagawa kundi ang magpart-time upang makaipon. Dahil sa inggit at udyok ng mga kaklase at kaibigan ay wala ng nagawa pa si Ivan kundi ang bumili ng New Saga Helmet. Pero ang humila at nang-akit talaga kay Ivan ay, maaaring kumita ng pera sa New Saga. Madaming tao ang nagsasabi na ang mapa ng New Saga ay kasing lawak ng mundo at ang iba naman ang sinasabi ay mas malawak pa. kaya naman ang mga mahahalaga at mga bagong impormasyon ay nagiging mabenta sa mga taong mayayaman na adik sa New Saga.
Hindi lang mga bagong mapa, impormasyon sa mga hidden quest kundi pati mga bagong Rare Item ay mabenta, "isa itong magandang oportunidad" ang unang bagay na maiisip ng mga negosyante.
"Seryoso ka *Van? Ang pagkakaalam ko ang mga trip mong games ay tulad ng mga board games at yung mga bakbakan tulad ng Tekken at Street Fighter?!" gulat na wika ni Clovis ng marinig niya mula kay Ivan na bibili ito ng New Saga Helmet.
*A/N: I-Van, Van and nickname ni Ivan.
"Anong problema kung maglalaro ako ng New Saga? Tsaka natalo mo na ba ako sa Tekken at Street Fighter?" Wika ni Ivan na bakas sa mukha nito ang pagiging kampanti.
Natawa nalang si Clovis sa sinabi ni Ivan. "pero Van, iba ang Tekken at Street Fighter sa New Saga.." wika ni Clovis sabay tapik sa balikat ni Roland. "ikaw bahala.. basta i-sync mo kaagad ang account mo sa Fb account mo para ma-pm mo kaagad ako ng *mabuhat kita at maisali sa guild namin.." dugtong pa ni Clovis.
*A/N: Mabuhat/Pabuhat - term na gamit ng mga player, na ang ibigsabihin ay tulungan na magpataas ng level o magpalakas.
"sige pare salamat, oh paano kailangan ko na umalis.." wika ni Ivan at nagpaalam na kay Clovis.
Pagkagaling sa eskwelahan ay agad na tumungo si Ivan sa Shop upang bilhin ang New Saga Helmet. Nag-aalangan pa si Ivan na pakawalan ang kanyang pera lalo na nung naalala ni Ivan kung anong hirap niya maipon lang ang P100,000.
Si Ivan ay nag-aaral sa Maynila at ang kanyang pamilya ay naiwan sa probinsya ng palawan, bukod sa natatanggap niyang Monthly allowance ay nagpart-time pa siya maipon lang ang P100,000. May mga pagkakataon pa na hindi siya kumakain at nalilipasan ng gutom, may mga araw din na hanggang dalawang oras lang ang tulog niya.
Matapos na mabili ang New Saga Helmet ay agad na tumungo si Ivan sa kaniyang inuupahan na Boarding House. Pagbukas na pagbukas ni Ivan ng kahon ay nakita niya ang Manual ng New Saga. Nag-aatubili pa si Ivan na basahin ang Manual lalo na sa kapal nito, nang bigla niyang naalala ang Official Website ng New Saga. Agad na tumungo si Ivan sa kanyang Computer na mas matanda pa sa kanya. Halos kalahating oras na pinainit at pinagsasampal ni Ivan ang CPU ng Computer bago ito bumukas.
Agad na dumiretso si Ivan sa Forum at hindi na siya nagsayang pa ng oras. Puro mga impormasyon tungkol sa bagong mapa, item, quest at skill lang ang karamihan ng mga nakita ni Ivan kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang magscroll down trip. Hanggang sa makita ni Ivan ang isang post.

BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
AzioneNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...