Chapter 2: Goblin Champion
Nagulat si Ivan sa laki ng pagbabago ng kanyang katawan.
'Ding!'
'Your [Evolution] is successful! +3 to all stat and +1 Random Skill'
'You Learn a New Skill [Mana Control]'
[Mana Control] Beginner – Lvl.1
- (Passive) An Ability to Manipulate Freely the Mana in your body or surrounding.
Increase Intelligent by 6%.Name: HellCry Level 1
Class: None
Race: Goblin
Title: Talented GoblinVitality: 28 - 31
Strength:. 36 - 39
Agility: 40 - 43+(3.01)
Intelligent: 16 - 19+(0.95)
Reflex: 18 - 21“a-ano to?! Ganito ba ako kamalas?” wika ni Ivan na halos maiyak pa.
Walang problema si Ivan sa bago niyang Skill kung tutuusin pa nga ay maganda ito, subalit simula ng nakuha ni Ivan ang skill na Tae Kwon Do ay sinugurado na niya na magwawarrior class siya. Kaya naman bilang Warrior class walang kwenta ang Skill na Mana Control na naka-focus sa Int.
“pero di na rin masama dahil nagawan ko parin ng paraan na mapataas ang mga stat ko at napataas ko din Level ng Tae Kwon do sa Beginner Level 5.. di na rin masama..” wika ni Ivan.
“Shit! Buti naalala ko 12 hours na pala akong online may pa pala ako sa school!” wika ni Ivan, agad na naglog out si Ivan at inalis ang kanyang New Saga Helmet at nagsimula nang matulog.
...
Kinabukasan ay agad na tumungo si Ivan sa kanyang eskwelahan.
“Van anong nangyari sayo baket ganyan itsura mo?!” gulat na wika ni Clovis nang makita nito ang itsura ni Ivan. Dahil 12 hours na tuloy-tuloy naglaro si Ivan ay dalawang oras lang ang tulog niya, bukod pa dito ay anong oras na siya nagising at upang hindi mahuli sa eskwela ay hindi na niya nagawa pang maligo at mag-ayos.
“5 na ako ng umaga nakatulog.. 12 hours akong online kagabi..” wika ni Ivan at bakas sa kanyang mata ang matinding puyat at pagod.
“woah! Pre kinaya mo yun? Matindi ka, hanggang 6 hours lang nga kaya ko eh! Bilib na talaga ako sayo!” wika ni Clovis, nakayuko lang si Ivan at hiyang-hiya na hindi alam kung ano ang isasagot niya. “Anong Level mo na pala?” dugtong pa ni Clovis.
Walang nagawa si Roland kundi mapangiwi nalang at mapakamot sa ulo habang sinasabi kay Clovis kung anong Level niya. “L-l-level 1..” mahinang bigkas ni Ivan.
“a-ano uli yun?!” wika ni Clovis na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Ivan.
“Level 1!!” sigaw ni Ivan.
“Fffftt~!” sinusubukan ni Clovis pigilan ang kanyang tawa. “seryoso? Pano nangyari yun? Eh 12 hours ka online?” pagtataka ni Clovis.
“G-goblin ang napili kong Race..” mahinang wika ni Ivan na halatang-halata na nahihiya ito.
“paano yan? Kung bibili ka ng bago sayang lang ang pera mo at panigurado mag-aantay ka na naman ng apat na buwan..” wika ni Clovis, napinipigilan ang kanyang tawa dahil sa kanyang awa kay Ivan. “pero bat ka pala nagsayang ng 12 hours sa New Saga? Dapat nag-Offline ka nalang..” dugtong pa ni Clovis na naging dahilan upang ika bigla ni Ivan.

BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
AcciónNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...