kabanata 6

85 4 0
                                    

Paano nangyari na mamamatay si Ms. Cruz sa taong 2004 sa edad na 18 years old.

Eh! Nasa future pa naman siya hanggang ngayon at nasa edad na 29 years old na siya. Akala ko ba pupunta pa siya sa Canada at magpapakasal kay Miko at ngayon mukhang naging komplekado na ang misyon ko.Paano sila naging kagaya ng love birds na kung mamatay ang isa ilang araw lang mamamatay din yung isa. Baka nagpakamatay din si miko sa oras ng nalaman niya na namatay si Ms. Cruz pero paano sabi sakin ni Mr. time traveler alamin ko daw kung bakit nawala si miko nung araw na pupunta na sana sila sa Canada para doon magpakasal. Pero bakit dalawa na sila ngayon ang magiging misyon ko.

"ma'am.. Ma'am. OK lang po ba kayo?" Tanong ni Manong taxi driver.

"AY! Manong." Tugon ko sa kaniya.

"hindi pa po ba kayo bababa?" Tanong nang mamang taxi driver na sinakyan namin.

Pagbaba ko nakita ko yung mommy ni marissa na minsan ko nang nakita nang pag-attend nila sa graduation namin nila marissa nong gagraduate na kami bilang grade 12 student ng ADM. Medyo bumata si mommy niya ng ilang taon.

"Diane halikana." narinig kung sabi ni Miko sa akin.

Lumapit na ako sa kanila na nakatayo ngayon sa labas nang bahay nila marissa. Pinasok na ni paul sa loob ng bahay si Marissa at dito nalang kami sa labas naghihintay habang kausap ni Miko at Ms. Cruz si mommy ni marissa. Pagkalabas ni Paul galing sa loob ng bahay nila. Agad naman kami nagpaalam dahil hapon na at malapit din namang gumabi. Sumunod ako pauwi kila Miko, Paul at Ms. Cruz dahil hindi ko alam kung paano makakauwi sa bahay nila Miko.

Pagkarating namin sa kabilang kanto agad naman nag-iba ng daanan si Paul at nagpaalam nadin siya samin. Medyo malapit lang pala ang bahay nila paul kay marissa. Sa ikalimang kanto agad namang lumiko kami dahil hinatid ni miko si Ms. Cruz ang sweet nilang tignan kahit pa sa past nila. Hindi ko lubos maisip papaano kung buhay parin siya hanggang sa panahong 2018 edi sana nagkaroon pa sila nang time ni Ms. Cruz na magkasama. Agad ko namang muli naalala yung naging panaginip ko na parang magkatotoo.

"Diane halikana uwi na tayo." pag-anyaya ni Miko sakin.

Nagmadali akong lumapit sa kanya.

"Kung inaalala mo pa yung nangyari kanina kay marissa dala lang nang pagod niya yun sabi naman ni mommy niya normal lang daw yun sa kanya kapag napapagod siya." Tugon niya pa.

tinititigan ko siya habang nagsasalita siya bakit parang magkamukha talaga sila ni Mr. time traveler parang pinagbiyak na bunga.

"Kuya naniniwala ka ba sa time travel na ikaw mismo ang hahawak ng tadhana mo, oras at panahon?" Tanong ko sa kanya. Agad naman napakunot ang noo niya.

"Bakit mo naman natanong yan may sakit kaba?" Natatawa niyang tugon at hinawakan niya yung noo ko.

Tinapik ko naman ang kamay niya upang alisin niya sa pagkakahawak dito.

"Aray! Bakit mo naman-" hindi na niya na tapos ang sasabihin niya dahil may babaeng biglang nasalita sa harapan namin.

"Mga anak nandiyan na pala kayo." Nakangiti niya tugon saming dalawa ni Miko.

Hindi naming namalayang dalawa na nakatapat na pala kami sa bahay nila ah! Bahay pala namin.

Pumasok naman ka agad si Miko sa loob ng bahay nila at naiwan ako sa labas.

"Anak ano pa ang tinatayo mo diyan pumasok kana." Tugon nang mommy ni miko.

Napatitig ako sa labas ng bahay nila at maging si mommy nila tinitigan ko na ngayon hindi talaga makakaila na mag nanay sila dahil ang ganda din ng mom nila ni Diane na magiging mommy ko na din sa ngayon.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ang ganda ng atmosphere na sumalubong sakin ang liwalas ng buong bahay dahil sa dilaw na pintang palibot sa buong dingding pati na ang light green na kurtina sa bawat sulok nga bintana. Umupo muna ako sa sofa nila na parang bisita lang dahil wala pa naman akong alam sa pasikot sikot ng bahay nila. Nag oobserve nalang ako sa mga ginagawa nila patingin tingin sa bawat sulok nang bahay.

"Anak! Hindi ka pa ba bibihis?" Tanong ng mommy ni Miko.

"Ah! Saan po ba yung kwarto ko?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa pagkakataka.

"AH! pasensya na po ang dami ko na po kasing inaasikaso sa school kung kaya nawawala na din sa isip ko ang mga bagay bagay kagaya ng nakalimutan ko yung kwarto ko pasensya na po dala lang po ng stress ang pagiging makalimutin ko." Palusot ko pa. Napangiti naman siya bigla sa mga sinabi ko.

"Wag kang mag-alala anak naiintindihan ko ganyan din ako kapag na-iistress nakakalimutan ang mga bagay bagay kaya naiintindihan kita. Ang kwarto mo nasa itaas katapat ng kwarto nung kuya mo." Nakangiti niyang tugon at agad kung kinuha yung bag ko at mga libro na nakalapag sa sofa ng bahay nila.

Nang paakyat na ako sa hagdan nakita kung pababa na si Miko dala-dala niya yung kanyang damit na nakapatong sa kanyang balikat at hindi pa niya ito sinusuot.

My ghad*** ang ganda ng hubog ng katawan niya may pa abs pa siya. Nanglalaway na ako sa ganda ng katawan niya.

Ano ba ang iniisip ko kapatid ko siya at dapat hindi ko siya pinag-iisipan ng ganito Erase..erase.. Nagulat ako nang bigla niyang pinalo ang ulo ko.

"Oy! Gising ano na naman iniisip mo. Naghihintay ka ba nang pasko habang nakanganga yang bibig mo. Pang-asar niya sakin, Baka pumasok ang langaw at mamatay sige ka magiging murderer ka niyan. April 5, 2003 palang ngayon tandaan mo wala tayong panghanda kaya wag mong madaliin ang pasko." Pang-asar pa niyang tugon.

Umalis na siya sa harapan ko habang tumatawa. Pang-asar to mabango naman hininga ko ah nag exhale ako nang nag exhale para maamoy ko yung hininga ko mabango naman ah ang mapang-asar na to akala mo kong sinong gwapo at walang bad breathe

"Oy! Lahat tayo may bad breathe tandaan mo yan." Naiinis na sabi ko kaso ngalang hindi masyado malakas kasi baka marinig niya.

Naglakad na ako papuntang way nang mga rooms kung saan galing kanina si Miko mabuti nalang nakita ko siya kung saan siya dumaan papalabas kanina. Mayroong 2 Rooms dito mukhang sa amin lang dalawa. Hinawakan ko yung door knob nang pinto at naka lock ito. Kay miko siguro ang kwartong ito. Binitiwan ko na ito sa pagkahawak at agad akong pumunta sa katapat niyang pinto. Hinawakan ko ito at agad bumukas. Napanganga ako sa ganda nang kwarto ni Diane. Ang napakaaliwalas parang nasa condo lang ako at nag-che-check-in.

Inilapag ko yung gamit ko sa reading table nya na sa gilid medyo ng pinto umupo ako sa kama at dinama ang napaka lambot nito. Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang mga pictures nilang magkakapamilya ang ganda talaga ng mommy nila at ang gwapo din ng daddy nila. Pero bakit si mommy lang nila ang nandito sa bahay maybe sa work pa siguro daddy nila. Tinitigan ko yung picture ni Miko at para talaga siyang si Mr. time traveler kung magsusuot lang siya ng suit na kagaya ng mga grim reaper.

Ah! Pwede ko pala mapapunta si Mr. time traveler dito kung alalahanin ko lang lahat ng sinabi niya kanina makakabalik siya ulit rito sa pamamagitan ng pag-iisip ay matatawag ko siya. Iniisip ko muna ang mga huling sinabi niya sa labas ng paaralan ng quezon.

Teka! ang dami ng sinabi niya maererecall ko bang lahat nang yun habang iniisip ko yung mga sinabi niya ang pinakahuli nalang ang pumasok sa isipan ko. Habang nakapikit ako.
~~~~
Possibleng mamatay tayo kagaya ng mga mortal at mawawala ang memorya natin at hindi-hindi mo na maala-ala muli ang mga taong malapit sayo.Subalit mabubuhay na tayo ng naayon sa panahon tatanda, mamatay kagaya ng mga mortal. Kaya dapat mapagtagumpayan mo ang iyong misyon para mapanatili ako bilang time traveler at ikaw ay magiging Lian padin sa taong 2018.
~~~~

Sana gumana marami kasi akong tanong sa kanya.

Biglang bumagal ang takbo ng oras ang pag-ihip ng hangin sa bintana. Ang pagsira ng pinto. Dinahan dahan ko yung pagdilat ng mga mata ko at nakita ko siyang nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ya lang ako habang nakapikit ang mga mata ko kanina.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin at hinawakan niya yung...

Oh my ghad... Oh My ghad... Oh my... Lord what's the meaning of this justice pls....

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon