"Kahit papaano ay nabuhay ka naman sa panahong ito at ipagpatuloy mo ang takbo ng buhay mo bilang si lian hanggang sa maunang mamatay ang iyong pamilya. Ika'y hindi tatanda at ilalagay ka muli sa katawan na gagawing instrumento sa susunod ng iyong magiging misyon Subalit iba narin ang kilalanin mong pamilya. Pero kapag hindi mo matagumpayan ang misyon na ito mabuhay ka pero tatanda kagaya ng mga mortal at hindi kana magiging anghel kahit kailan sabay ng pagkawala ng iyong memorya." Tugon niya sakin.
"Eh! Ikaw ano ang mangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Magkadugtong ang misyon natin at hindi ka dapat mabigo kailangan mong pagtagumpayan ito pero sa ngayon hindi ko pa alam ang parusang mangyayari sakin kung hindi ka magtagumpay sa misyon mo." Tugon niya pa.
Pero parang walang takot at pangamba ang nakikita ko sa kanyang mukha.
"kung sakaling magtagumpay ako sa misyon ko ano ang mangyayari sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Malalaman lang natin kung sa oras na mapagtagumpayan mo ang misyon mo." Tugon niya sakin na parang nagsasabi naman ng totoo.
"Gagawin ko ang lahat upang makapiling kung muli ang pamilya ko at matulungan din kita." Tugon ko sa kaniya na parang fC lang ako sa stranger na ito.
"Sa oras na matapos mo na ang misyon mo kusang ibabalik ka nang kuwintas na iyan sa panahong nakilala ka bilang lian." Tugon niya sakin ulit. Sabay turo nya sa kuwentas na ibinigay niya sakin kanina.
"Isuot mo na ang kuwentas nayan at dadalhin ka niya sa panahon kung saan mo kailangan umpisahan ang misyon mo." tugon niya pa at naisuot ko na ang kuwentas binigay niya sakin.
"Tatandaan mo kailangan mo isapuso ang lahat at kailangan mo ring gamitin mo ang iyong isip wag puro puso lang ang pakinggan dahil baka malinlang ka ng tadhana." Sabi niya pa at agad na siyang umalis. Agad umikot ang kamay ng orasan.
Nagbago bago ang oras at panahon sa paligid dumidilim at lumiliwanag pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa takot. May naririnig akong ingay sa buong paligid dahan-dahang kung binuksan ang mga mata ko. Nakita ko na nakatayo na pala ako sa Quezon National Highschool. Agad kung tiningnan ang orasan na binigay sakin ni Mr. Time Traveler. Nakita ko sa orasan 7:30 AM. Biglang may babaeng lumapit sa akin at parang kamukha niya si Ms. Cruz yung teacher din dito.
"Diane." tawag niya sakin at mukhang kasama niya ang kaitsura ni Mr. Time traveler.
Teka! Sino nga yung pangalan niya si milo kaya shunga inomin yun mag isip ka pa isip isip.... at pinapalo ko yung ulo ko para maalala ko yung pangalan ng magiging kuya ko sa panahong to or si... miko oo tama miko nga.
"Diane." bakit hindi kapapumasok malelate kana sa 1st subject mo. Sabi ni miko sakin.
Tinignan ko ang sarili ko na nakadamit pang highschool student ngayon hindi ko maimagine ang itsura ko ngayon sa uniform nakatayo kami ngayon dito sa labas ng QNHS. At may dala-dala akong bag at may hawak na ngayon ang kamay ko ng libro na hindi ko man lang namalayan.
"Ah eh! Nilalanghap ko pa ang simoy ng hangin dito sa labas pang pa good vibes." Palusot ko sa kanila.
"Bakit ka naman lalanghap ng hangin dito sa labas na grabe ang usok ng mga sasakyan na dumadaan." natatawang sabi ni miko sakin.
Hindi ko nalang pinansin ang pang-asar niya na mukhang totoo naman.
"Ah! Pasok na tayo kuya." sabi ko nalang sa kanya.
Grabe hanggang ngayon laganap narin ang polusyon sa pilipinas paano pagdating nga taong 30th century siguro likas na ang init ng panahon at siguro mataas na ang mga bilihin pati siguro ang oxygen kailangan na ding bilhin grabe talaga ang pagbago-bago ng takbo ng mundo na hindi ko lang namalayan dahil din sa pagbago-bago ko nang katauhan dahil hindi ako nabubuhay sa mundong ito.
Hindi pa ako pamilyar sa loob ng paaralan dahil pang 2nd time ko palang makapunta rito dahil yung first time ko is noong nag orientation kami dito sa mga students ng QNHS. Namiss ko tuloy ang pagiging college student ko at ang bonding namin nila marissa.
"Mauna na ako sa inyo." paalam ni miko.
"Sige." sabi ni Ms. Cruz.
Habang naglalakad kami ni Ms. Cruz ay naloloka na ako Teka! Pano ko pala malalaman room ko at hindi ko din alam kung what year ako kaso nakalimutan ko ang bobo ko talaga. Ang bilis makalimot.
Dahil hindi pa naipapatupad sa panahong ito ang k-12 program ni former Pres. Benigno Aquino III. Bigla akong napaisip kong paano ko lulusutan ang problema na ito. Kailangan kung makaisip ng first topic na mailusot ko ang topic kung anong year na ako ngayon at anong number ang room ko.
"Uhmmm... Ms. Cruz ay M-micaella pala alam mo ba kung anong araw na ngayon hindi ko kasi na kita kanina sa kalendaryo dahil nagmamadali akong umalis galing sa bahay namin." Palusot ko sa kanya sana gumana ang sinungaling moves ko.
"Ah! yun ba April 5 na ngayon at ilang linggo nalang gagraduate na kami nang kuya mo sa 4th year grade. Ikaw ba na kakapag aral ka bang mabuti ilang lingo nadin recognition niyo na." Tugon pa niya.
Recognition na namin so ibig sabihin It's either 1st,2nd, or 3rd year palang ako ngayon dahil mas nakakatanda si miko at ms. Cruz kay Diane dahil kapatid siya ni miko.
"Alam niyo po ba kung anong classroom ang klase ko ngayon at sino ang teacher ko?" Tanong ko sa kanya at parang nagtataka siya sa tinanong ko dahil napakunot bigla ang noo niya.
"Ah! Yun ba sa pagkakaalam ko nabanggit ng kuya mo sakin kanina na maaga ka daw umalis dahil si Mr. Leo ang first subject teacher mo dahil daw strikto si Mr. Leo sayo dahil palagi kalang late sa klase niya sabi ng kuya mo kanina kaya nga ng maabutan ka namin sa labas kanina akala namin hindi ka naman papasok sa loob ng classroom ni Mr. leo dahil sa pinagalitan ka nanaman niya dahil kasi parang may malalim kang iniisip kanina." Tugon pa niya.
"Ah sige!" Sabi ko nalang sa kanya.
"Teka! Ano nga palang room ni Sir. Leo Ms. ay micaella pala?" Tanong ko sa kaniya.
"Room 25 sa second floor." natatawang sabi niya. Tumawa nalang din ako para may karamay siya kahit wala namang nakakatawa.Nakakapagod naman gumamit ng hagdan kung sa school ko lang to kanina pa ako nasa itaas dahil mayroong elevator ang school namin at hindi ako sanay umakyat. Nang nakarating na ako sa second floor agad kung hinanap ang room 25 na nadoon pasa pinakadulo binilisan ko ang paglalakad kasi baka late na ako hindi pa naman akong sanay pagalitan ng mga teacher maging ang prof. namin sa Ateneo hindi ako pinapagalitan dahil palagi akong maaga pumasok sa school. Habang papalapit na ako sa pintuan ng classroom. Nag check attendance na yung teacher ni Diane na ako pala yun. Agad kung narinig ang pangalan ni marissa.
"Marissa," tawag ni sr. Leo sa kaniya.
"Sr. Present." Tugon ni Marissa.
Akala ko ba biglang natigil ang ikot nang mundo ko at parang hindi ko alam kung masasayahan ako o matatakot bigla kung naisip yung sinabi ni mr. time traveler lahat ng tao sa paligid mo ay pansamantalang magiging ganito pagkatapos mong mapagtagumpayan ang iyong misyon. Kung ang lahat nang tao sa paligid ko ay napatigil bakit nakakagalaw sa paanhong ito si marissa. Dahil ang magiging misyon ko lang ay si Miko at Ms. Cruz possible kayang bahagi rin siya nang misyong ito. Agad ko ulit naisip yung sinabi ni Mr. time traveler tatandaan mo kailangan mo isapuso ang lahat at kailangan mo ring gamitin mo ang iyong isip wag puro puso lang ang pakinggan dahil baka malinlang ka ng tadhana. Bakit nabuhay muli sa panahong ito si marissa paano siya nakakagalaw naitigil naman ni time traveler ang oras sa taong 2018 at naiiwan silang lahat doon na bahagi nang taong iyon. Paano hindi ko na alam ang gagawin ko hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
Fantasíakung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...