Kabanata 22

33 3 0
                                    


"Michelle labanan mo ang selos at puot sa iyong puso. Palayain mo na ang taong hindi kayang umibig sayo alam mo bang may taong nakatadhana talaga sayo hindi man si kuya Miko. Maaaring nakatadhana ka talaga sa iba sana matuto kang magpalaya." Umiiyak kung tugon sa kaniya.

"Tama si Diane Michelle ang taong hindi marunong magpalaya talagang magsisisi sa huli."

"Hindi maaari plinano naming mangyari lahat nang iyon simula pa nung una kaya gusto ko kasama naming tatapusin ito."tugon pa niya.

"Kaya miko mamamatay ka kasama ako." Tugon pa niya.

At itinutok na niya ang baril kay Mr. time traveler.

"Wag!" tugon ko kay Michelle.

"Mr.Time-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na siyang bumagsak sa lupa.

"Bakit mo inasintado?!" pasigaw na tugon ni Michelle.

"Eh! Ma'am baka mo madumihan pa po yung kamay niyo kaya ako nalang po ang tumira." Tugon nung lalaki na kanina pa niya tinatawag na sergeant.

"Miko," tugon niya kay Mr. Time Traveler na nakahandusay ngayon sa sahig.

"Mr. Time Traveler bakit hindi mo nagawang pigilan na naman ang possibleng mangyari?" tugon ko sa kaniya habang umiiyak.

"Ang nakatadhana ay nakatadhana maaari ito na ang katapusan nang misyon mo Masaya ako sa iyo Lian at makakauwi ka na" tugon pa niya.

"Alam ko na ang lahat alam ko na si Miko ay may dahilan at Micaella na ang totoo palang pangalan ay Michelle alam ko na kung bakit nangyari lahat nang ito at hindi na natin mababago ang nakaraan kundi ang kasalukuyan lamang." Paliwanag niya.

"Mahal na Mahal kita kung kaya pinalalaya na kita." Tugon pa niya.

"Paalam sana maging Masaya ka salamat sa pagmamahal na naidulot mo sakin. Baka hindi nga talaga para satin ang pag-ibig dahil immortal tayo." Tugon niya ulit.

"Di ba sabi ko ikaw parin ang laman nito." Tugon ko sa kaniya at sabay turo nang kaliwang dibdib ko.

"Oo at sabi ko din ikaw parin ang laman nito." Tugon din niya.

"Wag kang mamamatay ipangako mo!" tugon ko sa kaniya.

~~~~

Biglang nagpabago-bago ang takbo ng oras umikot ang kuwentas na orasan na ibinigay niya sakin.

~~~~

"Anak wish kana!" tugon ni daddy na nasa harapan ko ngayon nakabalik ako sa araw nang kaarawan ko.

Hanggang ngayon ang hapdi at paghihinagpis ramdam ko parin hanggang ngayon pati ang luha na patuloy lang ang pag daloy na parang isang kandila.

"Anak bakit ka umiiyak okay ka lang ba?" tugon ni daddy.

"Ah! Wala po dad tears of joy lang po." Kahit nasasaktan ang puso ko ang bilis parin magresponse nang utok ko para pagtakpan ang nararamdaman ko.

Alam ko na ang hihilingin alam kung impossible pero mahabagin ang diyos hahayaan niyang magiging Masaya ang kaniyang mga anak kung kaya naniniwala ako na hawak ko ang oras at ang sandata nito kailangan lang maniwala sa impossibleng dahil walang impossible sa diyos.

Naalala ko ang sinabi niya. Ang oras ay kayamanan na dapat pahalagahan dahil sa bawat ikot nang kaniyang sandata ito'y walang katapusan.

Ibigsabihin niya sa dati niyang sinabi. Kapag ang oras ay lumipas hindi na ito mababalikan kaya naniniwala ako sa tinatawag na another chance.

Wish ko sana lord tulungan mo ako pabalikin mo sana ulit ako sa past kahit sandali lang po makapagpaalam lang po sana ako sa kaniya nang maayos. Yan ang tanging hiling ko.

Idinilat ko na ang mga mata ko at agad hinihipan ang kandila.

~~~~

Tumigil ang pagikot nang orasan napatigil ulit ang mga tao sa buong paligid pati na ang inggay.

~~~~

Biglang may lalaking nakasuot nang itim na damit na kagaya ni Mr. Time Traveler at akala ko siya ang lalaking iyon.

"Lian." Tugon nung lalaki.

"Mang Indoy!" nagulat kung tugon.

"Bakit po kayo andito?" nagtataka kung tanong sa kaniya.

"Para sunduin ka dahil ang mundong ito ay hindi na nababagay sa iyo." Tugon niya ulit.

"Bakit naman po?" nagtataka kung tanong sa kaniya.

"Huli na ang lahat lian, naisilang na ang batang papalit sa iyo kung kaya ipinakita nalang sa iyo ang nakasanayan mong pamilya kung saan ka dati namamalagi at naisilang." Tugon ni mang –indoy.

"Ah so ibig sabihin 2 linggo na ang nakalipas simula nang bumalik na ako rito at bakit dito mga 3 minuto palang ang lumipas." Tugon ko sa kaniya.

" Kasi rito iba na ang takbo nang oras medyo mabagal kung nasa past ka madali lang kasi preview nalang iyon nang kasalukuyan." Tugon ni mang-indoy.

"EH! Ano po ang mangyayari sakin ngayon?" nagtataka kung tugon kay Ms. Time Traveler.

"Malalaman mo din halika sumama kana sakin."tugon niya at may biglang lumabas na lagusan.

"teka! Lang mang-indoy pwede ko ba muna mayakap sina mommy at daddy, lola tina at ate mian." Tugon ko sa kaniya at pumayag naman siya.

"Mom, dad you already have a baby and I'm very happy to the both of you na naisilang na ang totoong anak niyo. Masaya ako sa mga nangyari ngayon at hindi ko pinagsisihan ang naging misyon ko. Okay lang na puso ko ang nasaktan kaya kung e give up yung pagmamahal ko para lang sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo hinding-hindi kayo mawawala sa puso ko." Tugon ko sa kanila habang umiiyak kahit hindi man nila ako naririnig sa ngayon alam naman nilang mahal na mahal ko sila.

"Ate mian and lola tina still be happy and long live. Ate wag na wag mong aawayin magiging kapatid mo wag mo siyang aasarin. Sana maging mabait ka sa kaniya. For you lola tina be happy and now I realize that love is not for only person you love first it also for a person you trust and relie on. Yan ang natutunan ko sa pagmamahalan niyo ni Mang Indoy nagawa niyong palayain ang isa't-isa. Kahit na pinagtagpo kayo, subalit hindi nakatadhana." Tugon ko sa kanila sabay yakap.

"Mahal ko kayo paalam." Tugon ko sa kanilang lahat.

Dito na siguro magatatapos ang lahat.

"Lian halikana oras na para umalis?" tugon ni Mang-indoy.

Nauna siyang pumasok sa lagusan na nasa harapan na namin ngayon.

Sumunod na din ako.

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon