Si Mr. Time Traveler na taga tahak ng panahon. Pasalin-salin narin ng katauhan ngayon.
WhY Oh why?
Hindi ako makapaniwalang andito siya ngayon.
"Diane magkakakilala na kayo di ba?" Tanong ni kuya miko sakin.
"Opo kuya kilalang kilala." Sabi ko kay kuya miko.
"Siya si Jerome yung lalaking nasa resto kahapon. Matagal na siyang may gusto sayo at matagal din niyang sinabi sakin kung pwede ka raw niyang samahan kahit saan ka pupunta." Tugon ni kuya Miko.
Napaka thy hearted pala ng lalaking sinapian ni Mr. Time Traveler.
"Ah! Kuya pwede ko ba siyang kausapin na kami lang dalawa."
"Ayiee Diane gusto mo lang masulo siya." Pang-asar sakin ni marissa. "Sige na aalis na kami the chair is yours yung upuan lang ah." Pang-asar pa niyang tugon ulit.
Nilapitan niya ako at may binulong siya sa tenga ko.
"Tandaan mo isara ang bibig bawal umibig." Pang-asar pa niya ulit sakin.
Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. At kinausap ko siya gamit ang isip.
Eh!! Paano ako makapagsalita kung isasara ko yung bibig ko. At Teka!!! Ano ka I love You Hater lang yung peg.2003 tayo ngayon besh.
Kaya nga. Sabi niya sakin.
"Sige na." pinaalis ko na sila.
Umupo na ulit ako sa kinauupuan ni marissa kanina at nakaupo naman si Mr. time Traveler sa upuan na inuupuan ko kanina. Nararamdaman ko na parang may kuryenteng dumadaloy sa veins ko papuntang heart ko na nagdudulot ng spark tuwing nakikita ko siya. Marahil hindi ko nakikita ang panlabas na kaanyuan niya ngunit sapat na sakin Makita ang totoong katauhan niya.
"Lian ok ka lang ba." Tanong niya sakin.
"Ah oo naman." Tugon ko sa kanya.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Pinapunta kasi ako ng kuya mo rito para makisabay sa inyo kumain dahil wala naman akong pasok kanina kaya hiniram ko muna yung katawan ni Jerome dahil kanina natutulog pa naman siya. Kaya hiniram ko muna para makapag pamasyal naman siya." Paliwanag niya sakin.
"Kaya kanina nang maaga habang naglalakad ako nakita ako nang kuya mo at ni Ms.Cruz. Hindi ko naman alam na ang tao palang ito ay matagal nang friend nang kuya mo. Kaya nga nung nakita niya ako sa resto dahil nauna ko silang hinatid sa table sinabihan niya ako kung interesado pa raw ako sayo hanggang ngayon." Tugon pa ni Mr. Time Traveler.
"Eh! Ano naman yung sinabi mo." Tanong ko sa kanya na nageexpect ng good answer.
Napangiti naman siya sa tanong ko.
"Ano ang nakakatawa sa tinatanong ko." Tugon ko sa kaniya.
"Sa pagmumukha mo kasi parang nacucurious ka talaga. Wag kang mag-alala hindi ikaw ang babaeng type ko. Dagdag pa niya. Pero wag kang mag-alala sinabi ko ang totoong nararamdaman ni Jerome sinabi kong oo interesado parin ako sayo hanggang ngayon." Tugon pa niya.
OMG! Totoo ba to.tanong ko sa sarili ko habang napapatulala.
"Hoy! Wag kang mag-assume na gusto kita." Tumawa naman siya yung mga tawa niyang pafall.
"Bakit ba kasi ganyang katauhan pa yung nagawa mong sapian?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba gusto kung hindi dahil sakin hindi sila magkakalapit ni Diane malay mo magkakatuluyan sila sa future." Dagdag pa niya.
"Eh! Ako naman ang mag suffer." Naiinis na tugon ko sa kaniya.
"Kaya nga magpasalamat ka sakin dahil noong araw na nagkita kami nang kuya mo ay ako na ang gumagamit nang katawan ni Jerome kada umaga. Dahil isa siyang call center agent kung gabi. Kaya wala ka dapat ipag-alala ako lang ang makakasama mo araw araw at kukulitin nang kuya mo sayo. Hindi hindi malalaman ni Jerome ito ang tungkol sa kanila ni Diane. Ako rin ang taong makakasama mo sa camp. Kung alam ko lang sana na may gusto pala kay diane ang lalaking ito edi sana hindi ko nalang siya sinapian. Naiinis tuloy ako dahil magiging yaya pa ako nang walang kamuhang- muhang na bata. Babantayan pa kita." Pang-asar pang tugon niya sakin.
"Call me when you need me." May pinatong siyang papel na may nakasulat nang pangalan niya at number.
Jerome
09102653748
"Sige na aalis na ako enjoy the food" at nagpaalam na siya sakin.
Bungga siya mabuti pasiya may cellphone ako wala pa. Ano kaya kung hihingi ako nang pera kay mom pangbili nang phone para kapag kailangan ko nalang siya tatawagan ko nalang siya hindi na ako magmememorize nang pinagsasabi niya para lang magpakita siya sakin. Dahil naka katawang tao na siya ngayon ako nalang ang mag-aadjust.
"Lian kamusta pinag-usapan niyo ni Mr. Time Traveler?" Tanong ni marissa sa akin.
" Nothing important." Reply ko sa kanya.
"Owss baka naman ayaw mo lang ipakitang kinikilig ka." Pang-asar ni marissa sakin.
"Halata ba!?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman girl sa lagay nang pisngi mo parang kumain ng sili dahil sa subrang pula hindi ka pa kinikilig sa lagay mong yan." Pang-asar niya sakin.
"Nasaan na sila miko at Ms. Cruz." Tanong ko sa kanya.
"Nauna na sila nainip maghintay dahil ang tagal niyo daw mag-usap ng future boyfie mo. Este! Ni Diane pala." Pang-asar niya pa ulit sakin.
"Alam mo mean to be talaga kayo. Dahil magkasoul mate kayo . Isipin mo nasa katawan ka ngayon ni Diane at siya ay nasa katawan ni Jerome na may gusto din kay diane. Ang taong nakikita ni Mr. time Traveler sa loob ni Diane ay si Lian at ang taong nakikita naman ng mga mata mo sa katawan ni Jerome ay walang iba kundi si Mr. Time Traveler ng buhay mo. Para lang akong nanonood nang KDRAMA kanina na 49 days." Tugon pa ni marissa.
"Di ba yung babae sa 49 days namatay. Matapos siya bigyan ng isang pagkakataon para muling mabuhay?" Tanong ko Kay marissa.
"Oo kasama niya ang boyfriend nang ate niya na naging angel of death taga sundo ng mga patay." Tugon ni Marissa sakin.
"Ngunit yung grim reaper di ba nawala din yung alaala niya at bigla niya na alala muli ang mga alaala niya sa pamamagitan ng taong mahal niya?" Tanong ko ulit kay marissa.
"Oo possibleng maalala muli ng taong nawalan nang memorya kung ipapaalala mo sa kanya lahat ng masasayang alaala na ginawa ninyo. Kagaya ng taong na amnesia ang taong namatay na." tugon pa ni marissa.
"Marissa napaka unfair naman di ba kung hindi ko ipapaalam sa kanya ang lahat ng nalaman ko?" Tanong ko kay marissa.
Napaisip naman si marissa sa tinanong ko sa kanya.
"Oo ang unfair pero dapat mong protektahan ang sarili mo. Kasi baka nagawa na niyang kalimutan ang tungkol sa nakaraan niyo dahil ayaw na niyang mahalin mo pa siyang muli." Seryosong tugon ni marissa.
Napaspeechless naman ako kasi baka tama nga siya. Kaya nagawa ni Mykco kalimutan ang lahat para hindi ko narin maalala na minsan ko narin siyang minahal.
"Wag kang maalala pagkatapos ng misyon mong ito mabubuhay kana nang payapa kagaya ng isang normal na tao." Sabi pa ni marissa sakin.
Kahit na iba ang pinaniwala sakin ni Mr. Time traveler na si Miko daw ang misyon ko at mabubuhay na muli daw ako bilang si lian at hindi tatanda. Napakasinungaling niya talaga ngunit hindi dapat ako magalit sa kanya siguro nagawa lang niyang magsinungaling upang hindi ko malaman ang katotohanan
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
Fantasykung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...