Kabanata 12

63 3 0
                                    

Lumabas na si mommy sa kwarto ko.

Nabasa ko kanina nilalaman ng isip niya at halatang prenoprotektahan lamang niya si Diane. Nabasa ko mula sa isip niya.

"Naway darating ang araw anak na maunawaan mo rin ang lahat ng ito kung bakit nagawa ng kuya mo iyon. Hindi mo siya dapat magawang biguin dahil hawak mo ang kanyang kapalaran sa hinaharap." Mommy's thinking.

Ibig sabihin baka mayroong alam si mommy sa misyon kung ito. Iisipin ko muna kung paano ko maalala ang lahat, kung paano ko maibabalik ang mga alaala ni Diane at Dapat kung alamin kung sino ba talaga si Micaella. Dapat ko eh confirm kung si mykco at Mr. Time Traveler ay iisa. 

Pupuntahan ko bukas na bukas ang puntod pagkatapos ng klase magpapasama ako kay Marissa.

Humiga na ulit ako sa kama.

Dapat tomorrow I don't lose any chances hindi ako magpapalagpas ng panahon. Dapat I have a plan A oplan kilalanin kung sino talaga si mykco.

At bumangon ulit ako para mag mark sa calendar na nakasabit malapit sa family picture naming. Kumuha ako ng ball pen at magsimula nang sumulat doon. 

April 7 First plan to know about him.

Pinatay ko muna yung ilaw bago ako humiga at nakapikit na ang mata ko dahil nadin siguro sa pagod dahil marami akong ginawa kanina. 

6:00 AM na at narinig kung nag-alarm yung alarm clock na nasa reading table ko. 

Bumangon na ako at binuksan ko yung bintana mukhang ang ganda at maaliwalas ang kalangitan.

Maganda siguro ang gising ng mga anghel sa langit kaya parang Masayang-masaya ang kulay nito walang masyadong cloud at makikita mo yung sky na faded yung light blue color. Ang ganda talaga pagmasdan ang langit parang kalooban ng mga taong mababait. 

Napasigaw ako mula sa bintana. 

"Today is the beginning" at napa taas ako nang kamay parang feeling ko nasa summit ako nang mountain na feel feel na yung success sa pag hiking napatawa nalang ako sa sarili ko. 

Naligo na ako.

Pagkalabas ko sa C.R

Nakita ko na nilagay ni mommy yung uniform na susuotin ko ngayon. Napakamaalaga niya talaga. Para rin siyang si mommy namimiss ko na tuloy ang kinalakihan kung pamilya sa hinaharap. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano sa panahong ito nandito siya para damayan ako kahit na malungkot ako. 

"Anak napalantsa kuna yung uniforme na susuotin mo. Lalabas na ako para makapagbihis ka at tsaka nga pala anak daddy mo raw ang maghahatid sayo ngayon." Nakangiting tugon ni mommy.

Lumabas na siya at isinara na niya yung pinto. Nakangiti niyang tugon. 

Binilisan kung bumihis dahil baka malate ako sa klase ni Mr. Leo strict pa naman siya at grabe kung magalit. Pagkatapos kung bumihis kinuha ko na yung bag at libro ko na nakapatong sa reading table.

Lumabas na ako sa kwarto ko at lumabas din si Miko sa kwarto niya. Sa tuwing makikita ko siya maalala ko talaga si Mr. Time Traveler sa kanya Maging si Mykco. 

"Oh! Diane aalis kana?" Tanong niya sakin. 

"Oo." Sabi ko sa kanya. 

"Sumabay ka nalang sakin." Pag-anyaya niya. 

"Ah! Sorry kuya sabi ni mommy si daddy daw maghahatid sakin sa school." Sabi ko sa kanya. 

"Ah ganun ba." Agad siyang tumalikod sa akin.

"Kuya." Tawag ko sa kanya. 

Napatigil naman siya sa paglalakad at lumingon sa akin. 

"Sana matutunan mong patawarin si dad kung ano man ang nagawa niyang kasalanan sayo. Dahil kuya baka darating ang araw na hindi kana makabibigay sa kanya ng patawad dahil huli na ang lahat sana wag mong sayangin ang panahon na makasama siya. Alam kung bihira lang sa tao ang makakapagpatawad dahil hindi sila kagaya ng diyos na mahabagin ngunit alam kung makapagpatawad ka kuya." Tugon ko sa kanya. 

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon