Habang inihintay namin si Paul dito sa basketball court ng paaralan. Hindi na ako makapaghihintay pa nang bukas upang tanungin si Marissa kung bakit sila nandito kasi sa panahon palang na ito ay 3 years old palang kami pati si Paul dahil halos magkasing edad rin naman kami.
"Marissa!" Tawag ko sa kanya at agad naman siyang napalingon.
"Bakit?" Tanong niya sakin wag kang mag-alala sabi ni Paul sandali nalang daw siya at matatapos na sila Maglaro agad kung tinignan ang mga estudyanteng kalaro ni Paul kung sina luis, kim at Gino ba ang mga ito dahil mag same school din naman sila noong secondary students pa sila kaya nga until college sama sama sila. Nung tiningnan ko na ang mga ito hindi ko naman nakita sina luis, kim at Gino mukhang si Paul lang naman ang magkakalaro at si kuya Miko pati na ang isang matabang lalaki na mukhang bago ko lang nakita.
"O bakit may problema ka ba?" Tanong ni marissa sakin.
"Marissa makinig ka may seryoso akong sasabihin sa iyo." Tugon ko sa kaniya.
"Ano yun kailangan ko ang tulong mo upang magtagumpay ako sa mga assignments ko." Palusot ko nalang kasi baka gamitin ko ang salitang misyon hindi na naman niya ako tutulungan at mukhang pagtatawanan niya lang ako.
"Wag kang mag-alala sabi ko naman sayo tutulungan kita sa mga assignments mo." nakangiting sabi niya sakin.
"Lian..." Tawag niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko mula sa kanya bibig ang pangalan na dinadala ko sa panahong 2018 kung saan ako namamalagi ngayon bilang katulad ng isang normal na tao.
"Wag kang mag-alala sabi ko naman sayo tutulungan kita." bigla niyang inulit yung sinabi niya at parang may nais siyang iparating sa akin.
Bigla siyang may inilabas sa bag niya at parang pamilyar yung bagay na iniabot niya sakin.
"Teka! Parang-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
"Oo katulad ang kuwentas na yan sa isinisuot mo ngayon." Tugon niya.
"Teka! Bakit ka nagkaroon nang ganito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Isa din akong time traveler at layunin naming pangalagaan ang buhay nga isang tao kung kayat idinala ako rito at nabiyayaan ng misyon na bantayan si Paul katulad din nang tao kaya namin magkatawang tao at kumilos nang naayon. Katulad mo na anghel hindi din kami dapat umibig sa mga mortal." Tugon niya.
"Paano ka diba mahal mo si Paul?" Tanong ko sa kanya.
"Oo mahal ko si Paul kung kaya ipinaubaya ko siya sayo nang malaman ko na mahal ka niya subalit hindi mo siya mahal. Dahil isa Karin palang anghel." Paliwanag niya.
"Pero paano mo nalaman ang pagkatao ko sinabi ba sayo ni Mr. Time traveler?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi niya alam na alam ko at wala rin siya kinalaman kung bakit ako nandito." Tugon niya.
"Pero paano-" agad niya inawakan ang ulo ko at pinakita niya sakin ang hinaharap na mga nangyari sa birthday party ko kanina.
Nakita ko siyang nakatayo sa labas nang pintuan namin sa bahay kasama niya si Paul. At nasaksihan nila ang pagbabago nang oras at panahon kung kaya nandito sila ngayon. Nakita ko din na hinawakan niya ang ulo ni Paul upang burahin ang memorya niya at sa mga nakita ni Paul kung kaya ibinalik niya ang ugali ni paul sa panahon din na naging 2nd year highschool ito madali niya ibalik si Paul sa panahong iyon dahil simula pagkabata ay magkasama na sila at agad niyang alam ang lahat nang hilig at gusto nito. Binitiwan na niya ang ulo ko sa pagkahawak. At agad siyang lumayo at nanghina.
"Marissa okay ka lang?" Narinig kung tanong ni Miko na nasalikuran na pala namin kasama si Paul.
Agad binuhat ni Paul si marissa at dadalhin niya sana si Marissa sa clinic pero sinabihan ko na okay nalang siya kasi baka e test nila si marissa at Makita ito na hindi normal. Lumapit din samin Si Ms. Cruz na bago lang kakatapos manggaling sa klase. Hinawakan ni Ms. Cruz sa ulo si Marissa at tinignan kung may lagnat ito. Mukhang wala naman siyang lagnat dala lang siguro nang pagod niya ito.
"Ihatid na muna siya natin sa bahay nila." Nag-aalalang sabi ni ms. Cruz at agad siyang binuhat ni Paul at nag para si Ms. Cruz sa labas ng taxi para maikarga at maihatid si marissa.
Tinitigan ko ang mga mata niya habang hawak-hawak siya ni paul. Narinig ko ang sinabi niya sakin sa pamamagitan ng pangungusap niya na pinapasok niya sa aking isipan "Tandaan mo walang ibang makakaalam nito kundi tayo lang."
Paano ko pa bang magagawa ng maayos ang misyon na ito kung lahat ng tao ay bulag sa pag-ibig maging si marissa ay nanghihina na nang dahil sa pag-ibig niya kay Paul na hindi naman dapat.
~~~~~
Biglang pumasok na naman sa isipan ko ang sinabi ni Mr. Time traveler. tatandaan mo kailangan mo isapuso ang lahat at kailangan mo ring gamitin mo ang iyong isip wag puro puso lang ang pakinggan dahil baka malinlang ka ng tadhana.Agad na naman napatigil ang takbo ng oras sa buong paligid at parang bumagal ang takbo ng sasakyan sa buong paligid bumagal din ang pagdapo ng mga patay na dahon sa daan. Maging ang mga luha ko ay tumigil din sa pagpatak.
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
خيال (فانتازيا)kung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...