Kabanata 25

47 3 0
                                    


Bakit ako ulit nandito.Nasa labas ulit ako nang hospital kung saan ako kanina inihatid ni Mang indoy.

"Lian ang oras ay mahalaga kaya pasensya kana dahil hindi mo napagtagumpayan ang iyong misyon at sa kasalukuyan ay nabago ang tadhana." Tugon pa niya.

"Mang indoy ano po ang nangyari sa mga taong nakilala ko po sa nakaraan?" tanong ko sa kaniya.

"Ang lahat nang tao na iyong nakikilala sa nakaraan ay iyo nang makakalimutan sa kasalukuyan.Dahil naisilang kanang muli" Tugon pa niya.

"Ibig sabihin patay na din po ako ngayon." Tugon ko sa kaniya.

Napatango nalang siya.

"Paano nangyari iyon na patay na din ako ngayon. Nakita pa nga ako ni Paul kanina." Tugon ko sa kaniya.

"Si Paul mabubura nadin siya sa kasalukuyan mo bahagi na siya nang nakaraan. Wala na din si paul namatay siya simula nang araw na nalaman niyang na kidnap kayo ni marissa." Paliwanag niya.

"Paano nangyari lahat nang ito paano sila namatay lahat?" nangingiyak kung tugon.

"Dahil sa pagmamahal lahat ay nagawang magsakripisyo." Tugon pa niya.

"Pero parang tunay na kausap ko pa sila kanina." Tugon ko sa kaniya.

"Dahil lahat sila ay ipinakita ko sayo, utak mo lang ang gumagalaw subalit ang katawan mo ay kanina pang nanataling nakatayo dito sa labas kasama ko habang pinapatigil at pinapatakbo ko ang oras." Tugon pa niya.

"Pero tutuong nakasama mo sila, dahil ang sulat hanggang ngayon na naibigay ko ay nasasa iyo parin" Tugon pa niya ulit.

"ibig sabihin pati yung lalaking nurse kayo rin poi yon?" nangingiyak kung tugon sa kaniya.

"Oo subalit ang oras na magkasama kayo ni Mykco o tinatawag mong Mr. time traveler ay totoo yun. Ang bawat Segundo na magkasama kayo kinausap niya ako na kahit ilang saglit lang makapagpaalam din siya sa iyo nang maayos." Paliwanag niya.

"Sana kung hindi mo lang binago ang nakaraan magiging masaya pa sana kayo ngayon kahit nasa katawan na siya ni Miko." Tugon pa niya.

"Bakit naman po?" nagtataka kung tanong sa kaniya.

"Dahil ang taong namatay ay hindi naman si Mr. Time Traveler kundi si Miko." Tugon pa niya.

"Paano nangyari po iyon?" tugon ko sa kaniya habang hindi ako makatigil sa pag-iyak.

"Napagtagumpayan mo n asana ang misyon mo kaso ngalang nadamay siya sa nakaraan at may nabago ka dito dahil sa pagmamahal niya ulit sa iyo nagawa niyang isakripisyo ang buhay nang isang taong. Dapat walang may nabago sa nakaraan dahil kapag mabago na ito apekto ang kasalukuyan." Paliwanag niya.

"lahat po gagawin ko para mapagbayadan ang ginawa kung kasalanan." Tugon ko.

"Huli na ang lahat lian, wala na tayong magagawa kundi ang maghintay nang oras para bumukas ulit ang lagusan sa ngayon dito na magtatapos ang lahat. Tanggapin nalang natin na ang mundo ay hindi nababagay sa mga immortal dahil ang lugar na nababagay satin ay ang isang paraiso na naghihintay satin at doon tayo makakahanap nang tunay na kaligayahan at walang hanggang buhay." Tugon pa niya.

"Subalit ipapakita ko sa iyo lahat nang nangyari sa nakaraan maging sa kasalukuyan." Tugon pa niya.

Biglang may salamin na lumitaw sa harapan namin kagaya nang salamin nung ipinakita din sakin ni Mr. time traveler sina Ms. Cruz at miko, at nalaman ko na sila pala ang dahilan kung bakit siya namatay.

"Pagmasdan mo ang lahat nang nangyari." Tugon ni mang indoy sakin.

Flashback~~~

Nakita ko na nakatayo si Mr. Time Traveler sa isang sulok kung saan siya naiwan nang lumabas na kami ni Marissa mula sa loob nang room ni miko nung araw na nahospital siya. Umamin si miko sa lahat nang kasalanan na kanilang nagawa ni Ms. Cruz na ang totoong pangalan ay Michelle nakita ko na umiiyak si Mr. Time Traveler. Inamin din ni miko na plinano nilang lahat iyon subalit hindi nila plinano na madamay si Diane at Micaella, kung kaya sinundan nila ni Ms. Cruz sakay siya nang motor ni miko at mabilis ang takbo nito. Kung kaya naabutan nila sina Mykco at Micaella. Galit na galit si miko nang araw na iyon dahil nakita niyang magkasama sina Micaella at Mykco dahil nililigawan ni miko si micaella. Sa sobrang galit nito at paninibugho nagawa niyang gawan nang masama ang kaniyang kapatid kinunan niya nang preno ang sasakyan ni mykco para mabangga ito. At nang-araw na makita niya sina micaella at mykco. Nagpasensya siya na parang walang masamang mangyayari kinuha niya si diane nung mga araw na iyon. Ginawa ni miko iyon dahil alam niya baka madamay ang kapatid niyang babae sa kagagawan niya. Dahil sa subrang galit at paninibugho niya at alam din niyang nagkasagutan si mykco at ang dad nila nagkataon na nung araw na iyon. Kaya nang pinatawad na niya ito, para bang pakitang tao lang ang lahat.

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon