Kabanata 10

52 3 4
                                    


"Diane anak ok ka lang ba?" Tanong ni daddy sakin. 

"Opo." Nalang yung nasagot ko dahil parang hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa hindi pagtigil na pagpatak ng mga luha ko sa aking mga mata para bang alam na alam ng puso ko kung sino silang dalawa. 

Ang taong ito ay hindi maaaring si Mr. Time traveler kasi kung magiging siya ito possibleng guguho ang mundo ko. Sana mali yung hinala ko. 

Hinawakan ako sa ulo ni daddy. 

"Anak wag kang mag-alala nakaraan na iyon at possibleng mababalik pa natin lahat ng nagyari. Wag kang mag-alala hinintay ko ang araw na ito upang maibigay sa iyo ang sulat ng kuya mo sana kung ano man ang mga nakasulat diyan sana mapatawad mo kuya mo kung bakit niya nagawa ang lahat ng iyan sa araw na magpapakamatay siya at nagkataon lang din na nasama ka niya. Alam mo ba kung ano ang huling salitang lumabas sa kaniyang bibig bago siya naputulan ng hininga." Nangingiyak na sabi sakin ni daddy. 

Napatango nalang ako habang umiiyak ng umiiyak. 

"Ang salitang huling lumabas mula sa bibig niya ay Mahal ko si Lian. Nagtataka rin ako nung araw na iyon kung sino si lian sa pagkakataong iyon dahil ang alam ko si Micaella ang taong mahal niya at ang taong kasama niya nung panahon na namatay silang magkasama." tugon ni daddy.

Napatakip ako sa bibig ko at umiyak ng umiyak. 

Bakit niya alam ang pangalan ko ano ba talaga ang kinalaman ko dito. Kailangan kung malaman ang buong detalye ng pagkatao ko oo anghel ako pero hindi ko maalala nakaraan ko. Possibleng umibig ako sa kanya o possible ding pumasok ako sa katauhan ng isang micaella kagaya ng nagawa ko sa katawan ni Diane. Pero impossible sa pagkakaalam ko ang misyon na ito ay hindi tungkol sa akin tungkol ito kay micaella at nalaman ko na may isa pa palang micaella. Pati narin mayroon ding pala kakambal si miko na nagngangalang mykco. Nung araw bago ako mapunta rito narinig kung malinaw sa dalawang tenga ko ang palang miko hindi mykco paano hindi ako nagkakamali sa narinig ko mula sa kanyang mga bibig. 

"Daddy may roon pa po ba kayong larawan din nang babaeng sinabi niyong kung sino po siya?' Tanong ko sa kay daddy. 

"Sino ba anak si micaella ba?" tanong ni daddy sakin. 

"Opo dad gusto ko po malaman kung sino siya." tugon ko kay daddy.

"Simula nang mamatay si mykco naging tambakan na ng lumang gamit ang kwarto niya sa ibaba tingnan mo doon baka may natitira pa siyang gamit doon." tugon ni daddy sakin. 

"Sige po salamat dad." Tumayo na ako at dali-daling bumaba hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa bahay dahil ika dalawang araw ko palamang ito. 

Nagtungo ako sa isang paliko na daan nakita ko mayroong 3 kwarto sa kaliwa at dalawang kwarto naman sa kanan. Isa-isa ko itong binuksan. Yung unang pinto nabuksan ko ay ang kwarto ni mommy. Yung pangalawa naman ay mukhang guest room. 

At sa pangatlo dahan-dahan kung binuksan at bumungad sa harapan ko ang napakaraming lumang gamit. 

Naroon din sa dingding ang puting tela na nakabalot sa isang litrato sa kilid ng dingding. Hinila ko yung puting tela nakita ko ang napakalaking litrato ni mykco na nakasuot siya ng black tuxedo at black long sleeve. Na kagaya din nang palaging sinusuot ni Mr. Time traveler para siyang siya nga si Mr. Time traveler. 

Nakita kung may nakasulat sa gilid nang picture yung picture niya kasi parang isang caricature na pwede masulatan gamit ang ballpen. 

Nakita kung may nakasulat Lian Sandoval Born April 25,2000. Paano niya nalaman ang kapanganakan ko. Bigla kung naalala ang sinabi ni Ms. Mikasa kanina. Maaari muling mabubuhay ang tao sa isang katahuan kung magkapareho sila nang kapanganakan. Ako at si Micaella na namatay ay magkaparehas ng kapanganakan. Hindi maaari, Possibleng ako at siya ay iisa. 

Lumabas na ako mula sa kwarto ni mykco at isinara ko yung pinto. Impossibleng may alam si Mykco rito bago siya nawala. Pero paano niya nalaman na mabubuhay ulit ako at mabibigyan ng pangalawang pagkakataon kagaya ng nangyari kay Ms. Mikasa subalit kapag maibabalik muli ang pag-ibig ko sa kanya ang parusang iyon ay kamatayan, kung kaya pinili niyang isakripisyo ang sarili niyang buhay para mabuhay muli ako at mapatawad ng panginoong diyos. 

Dahil ang mga taong makasalanan ay binibigyan ng pangalawang pagkakataon upang maitama ang pagkakamali. Ang pag-ibig ko sa kanya ang naglagay samin sa kapahamakan dahil isa akong anghel. 

Umiiyak ako at sumandal sa pintuhan nang kwarto na isinara ko.Kailangan kung maliwanagan sa lahat ng nangyari sa nakaraan. Kailangan kung makapunta muli sa puntod nina Mykco at Micaella baka may maalala ako mula doon. Pinunasan kuna ang luha ko para hindi nila mahalatang umiyak ako. 

Nagtungo na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko, subalit may babaeng tumawag sa akin. 

"Diane." Tawag niya sakin. 

Ang kanyang bosses ay pamilyar sa akin. 

Lumingon ako sa likuran ko at ang babaeng iyon ay si...

Marissa.

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon