Akala ko kami lang dalawa ni marissa ang anghel na naririto sa panahong to. Pero bakit may isa pang anghel.
"Nagtataka ka kung bakit ako nandito?" Sabi niya.
Napatango nalang ako sa kanya.
Oo nga pala nababasa din niya nilalaman ng isip ko special ability pala naming mga anghel yun. Ngumiti naman siya habang tinitigan ako.
"Jerome na hatid mo na ba sila?"tanong nung manager nila.
"Opo ma'am." sabi ni Mr. time traveler na nasa likuran ko na pala ngayon.
"Mabuti." Sabi nung babaeng manager.
Aalis na sana si Mr. Time traveler, subalit biglang nagsalita yung babaeng nasa counter na isa ring anghel.
"Jerome." Tawag nung manager kay mr. time traveler.
Napalingon naman ito.
"Di ba magkakilala na kayo na kayo ni lian?" tanong nung manager niya sa kaniya.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nung babaeng manager nila.
"Mr. time traveler alam mo rin na magkatulad kami?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napatango naman siya ulit bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat.
"Oo dahil kagaya mo makikita din niya ang totoong pagkatao ko. Kahit pa gumamit ako ng ibang mukha o maging impostor hindi ko magawang malinlang ang mga mata ng isang anghel. Dahil nakikita nila ang panloob na kaanyuan ng tao kahit pa ito'y nagbabalat-kayo." Tugon pa niya.
OMG! I can't believe this I have another special ability.
Natawa naman bigla yung babaeng nasa counter sa mga pinangsasabi ko sa utak ko. Tumawa na rin ako para may kasabay siya mukha kami lang dalawa nagkakaintindihan rito dahil mukhang pareho kaming mental explorers. Nagtataka naman yung itsura ni Mr. time traveler dahil napakunot bigla yung noo niya ngayon na mukhang hindi relate sa mga pinag-iisip ko.Dahil hindi niya mababasa tumatakbo sa utak ko. Ang kaya lang niyang gawin kasi ang pabalikin ang mga tao sa past upang itama ang pagkakamali at alamin ang mga katotohanan sa nakaraan.
Diba dapat past is past na.
Bakit pa kaylangan balikan kung tapos na at nagyari na ang dapat magyari. Sorry nalang siya wala siyang special powers kagaya ko. I mean kagaya pala namin. Tumawa nalang ng tumawa yung babae pati narin ako.
Tinitingnan kami ng lahat ng tao sa resto para na kaming ewan sa mga pinanggagawa namin.
~~~~
Napatigil ang takbo ng oras napatigil ang mga tao sa pagkain maging ang mga waitress at waiter dito sa resto napatigil din lahat ng ginagawa nila ay tumigil. Napatigil kami sa pagkakatawa dahil sa mga nakita naming.
~~~~
"Bakit mo pinatigil sila?" Tanong ko kay Mr. time traveler.
"Ang ingay mo kasi." Tugon niya.
"Sorry ka nalang hindi ka nakakarelate sa sinasabi ko dahil you can't read my mind." Pang-asar na tugon ko sa kanya.
Ngumiti naman yung manager nila tatlo lang kami ngayon ang hindi napa mannequin challenge kasi mukhang tatlo lang kami rito ang immortal.
"Lian samahan mo kami ni Mr. Time traveler sa loob sabi pa niya." tugon nung manager.
Pumasok na kami sa employees room nila na may nakasulat sa pinto authorized person only.
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
Fantasikung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...