"Nandiyan po ba si Diane?" Tugon nung lalaki.
Narinig kung may kausap si mommy.
"Oo Jerome naglilinis siya nang kwarto nang kuya niya puntahan mo siya doon." Tugon ni mommy.
"Sige po saan po ba yung daan?" Tanong ni Mr. Time Traveler.
"Doon sa dulo at lumiko ka sa ikatatlong pinto kwarto na ni mykco yun." Tugon ni mommy sa kanya.
My gosh papasok siya dito hindi niya pwedeng Makita to. Tinago ko na yung singsing binalik ko sa lalagyan nito.
"Diane!". Tawag niya sakin.
Binilisan ko na at lumabas nakita ko siyang nakatayo sa labas ng kwarto ni mommy sa ikalawang pinto. Mabuti nalang at sinaraduhan ko na yung pinto ng kwarto ni Mykco.
"Diane bakit parang natataranta ka?" Tanong niya sakin.
"Ah! wala magbibihis na ako sa taas dahil aalis tayo di ba. hintayin mo nalang muna ako sa salas." Tugon ko sa kanya.
"Ok! Sige." Tugon niya na mukhang may naaamoy na mabahong isda Oo ako na yun kasi wala pa akong ligo.
Umalis na ako sa harap niya at dali-daling pumasok sa kwarto gosh muntikan na OmG!! YUNG letter asan. Gosh naiwan sa labas ng pinto. Bumalik ako sa kwarto ni mykco at nakita kung hawak-hawak na ngayon ito ni Mr. Time traveler. Binabasa na niya ito ngayon akward naman di ba kung kunin ko ulit. Pinabayaan ko nalang basahin niya yung sulat.
"Ummm... Mr. Time Traveler." Tawag ko sa kanya.
Humarap siya sakin at namumula ang kanyang mga mata.
"Sabihin mo sakin Lian ako ba si Mykco?" Tanong niya sakin.
"Lian! magsalita ka ako ba si Mykco?" Pasigaw na tanong niya sakin.
"Oo!" Tugon ko sa kanya.
"Pasensya kung hindi ko sinabi agad sayo lahat ng nalalaman ko." Umiiyak kung tugon.
"Bakit mo hindi sinabi agad akala ko lahat ng nakikita ko sa mga panaginip ko ay kathang isip lamang at walang kabuluhan, ngunit alaala ko na pala yun. Akala ko tuwing nakikita kita sa panaginip ko normal lang yun dahil palagi kitang kasama. Subalit alaala na pala natin yun. Napakatanga ko para hindi paniwalaan ang panaginip. Akala ko ito'y walang kabuluhan. Kaya nga nang tanungin mo ako kung minsan nagkakatotoo ang panaginip hindi ako naniniwala sa panaginip na nagkakatotoo dahil wala itong kabuluhan para sakin." Tugon niya habang mayroong pumapatak na mga luha sa kanyang mga mata sabay palo niya sa kanyang sarili habang kinakausap ako.
"At ngayon alam ko na kung anong ibig sabihin ng singsing na ito". at pinakita niya iyon sakin.
" Paano nangyari nanasa- ".hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Palagi ko na itong suot simula nang naging time Traveler ako ngunit hindi ko alam na may nakaukit palang pangalan ko rito. Nalaman ko lang na may nakaukit dito simula nang napanaginipan ko itong singsing. Ngayon alam kuna kung sino talaga ako at ang totoong pagkatao ko. Ako si Mykco Santos na nagmahal sayo Lian Sandoval." Nakangiti na niyang tugon sa ngayon habang pinupunasan niya ang kanyang luha.
"Hindi talaga matuturuan ang puso kung kanino siya titibok kusa lang itong titibok kung nakita niya ang taong nagpapatibok sa kanya." Tugon pa niya.
At itinuro niya ang kanyang kaliwang dibdib.
"Lian alam kung nakita mo na rin ang singsing. Ibigay mo sakin at isusuot ko sa iyo bilang tanda ng pagmamahalan natin." tugon niya.
Pumasok ako sa kwarto ni mykco para kunin yung singsing na ibinalik ko sa drawer.
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
Fantasykung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...