Kabanata 24

40 3 0
                                    


Nakita ko ulit na may nakatayo sa information desk habang nakatalikod. Pinuntahan ko ito at tinawag.

"Marissa." tugon ko sa kaniya.

Humarap siya sakin.

"Ma'am bakit po? May kailangan po ba kayo?" tugon nung babae.

"Ah sorry miss! Nagmamadali ka?" tugon ko sa kaniya.

"Pasensya po ma'am may pasyente po kasi kaming bagong dating kaya po nagmamadali ako." Tugon pa niya.

" Teka! Lang Miss May kakilala ka bang Marissa?" tugon ko sa babae.

"Marissa ah! Magkaano- ano po ba kayo nung pasyente?" tanong niya.

"Kaibigan ko siya." Tugon ko sa babae.

"Siya nga po yung pasyenteng sinasabi ko po sa inyo na-" hindi na natapos nung babae ang sasabihin niya dahil nagsalita ako.

"Hindi maaari kanina nakausap ko pa siya. Dito mismo sa hospital" Tugon ko sa babae habang umiiyak.

"Impossible po ma'am na aksidente po siya kaninang umaga kung gusto niyo po siyang makita andoon parin po siya sa labasan nang hospital dala nang mga paramedic halika sumunod ka po sakin." Tugon pa niya.

Tumukbo na kami papalabas. Sabay recall lahat nang sinabi ko kay Marissa. Promise mo sabay tayong babalik sa future.

"Oo naman." Tugon niya sakin.

At nag jinx kaming dalawa.

"Promise is promise ah until our enternal life." Tugon ko sa kaniya.

Habang tumatakbo kami nang nurse papalabas nang hospital. Biglang parang humihina ang ikot nang oras nag slow motion lahat nang tao sa paligid sa paningin ko. At nakita ko si Marissa na binuhat nang paramedic na nakalagay siya sa isang stretcher at itinakpan na ito nang puting kumot pati sa kaniyang mukha.

Dahang-dahan akong lumapit kay Marissa at ibinuksan ang kumot.

"Marissa!" umiiyak kung tugon.

"Ma'am magkaano-ano po kayo nang pasyente?" tanong nung isang lalaki na nurse din.

"Kaibigan ko siya." Tugon ko habang umiiyak.

"Ah! Ma'am kayo po ba si Lian?" tanong niyang muli.

Napatango nalang ako.

"Ma'am may ipinabibigay pala siyang sulat sa iyo." Tugon nung lalaki sabay abot sakin nang sulat.

"At ito din pong isa para sa lalaking nagngangalang Paul daw po pakibigay nalang." Tugon nung lalaki sakin.

"Pwede bang makayak ko kaibigan ko?" tugon ko sa nurse.

Napatango nalang siya.

"Marissa bakit tayo ginaganito nang tadhana saan ba tayo nagkamali para tayo ay parusahan." Tugon ko kay Marissa na walang buhay na sa ngayon.

"Ma'am dadalhin na po siya naming sa morgue pakitawagan nalang po ang kaniyang mga kamag-anak." Tugon nung lalaking nurse.

At agad na nilang ipinasok si Marissa sa hospital.

Pumunta ako sa isang public telephone para tawagan si Paul.

"Paul, si lian to wag kang mabibigla." Tugon ko kay Paul.

"Bakit ano yun Lian?" tugon ni Paul.

"Si Marissa wala na iniwan na niya tayo kanina lang siya namayapa." Tugon ko kay Paul.

"Ah! Bakit anong nangyari kanina ko lang din siya nakausap diyan sa hospital nakita pa nga din kita na maykausap na parang wala namang tao subalit patuloy ka parin sa pagsasalita na parang ewan at papaanong nangyari namatay siya magkausap pa naman kami kanina." Tugon ni Paul.

"Ibig sabihin nangyari palang lahat nang iyon at hindi iyon halusinasyon." Tugon ko sa kaniya.

"Anong halusinasyon baka ikaw naghahalusinasyon dahil may kausap ka na hindi ko nakikita." Tugon pa niya.

"Paul ganito nalang pumunta ka rito sa hospital hihintayin kita mag-uusap tayo." Tugon ko sa kaniya.

"Ok hintayin mo ako diyan." Tugon niya.

Na hang up ko na yung telepono.

Pumasok na ako sa loob nang hospital at umupo sa waiting area.

1 oras ang nakalipas...

"Lian." tugon ni paul.

"Pasensya kung natagalan ako kasi ang traffic pa."ako tugon niya.

"Paul may itatanong ako sayo kahit weird man ito wag mo nang e question pa!" tugon ko sa kaniya.

"Kanina nang tumatayo ako diyan sabi mo may kausap ako tama?"tugon ko sa kaniya.

"Oo nasabi ko naman sayo yan di ba kanina pa." tugon pa niya.

"Para ka ngang ewan eh at pinatigil ako ni Marissa nung tawagin kita. Ngiti ka nga ng ngiti parang nasisiraan kana nang bait maski nga ang nurse kanina na nasa front desk nagtataka din sayo." Tugon pa niya.

"Sinong nurse?" tugon ko sa kaniya.

"Yung babaeng nakatayo kanina diyan. Na itinanong mo bago ka nagtungo doon" Tugon pa niya sabay turo nang kinaroroonan ko kanina.

"Si marissa yung tinanong ko at nakasuot siya pang nurse kanina." Tugon ko sa kaniya.

"Papaanong si Marissa eh naka puti siya na tshirt at black pants." Tugon ni Paul.

"Hindi mo ba nakita ang suot niya kanina?" tanong ni paul.

"Sabay pa nga kaming pumunta rito para bumisita sa anak na babae ni sr. leo at mrs. Principal." Tugon niya.

Naloloka na talaga ako.

"Kumusta pala ang anak ni sr. leo lian ba ang ipinangalan sa kaniya?" tanong ko kay paul.

"Lian edi magkapangalan kayo kung magkaganon. Hindi lian ang ipinangalan sa kanya kundi." Tugon niya.

"Kundi ano?" tanong ko.

"Kundi chealsy kasi hindi gusto nang ate mian niya na lian ang ipapangalan sa kaniya kasi magkatunog daw ito nang pangalan niya at ayaw niyang magkaroon nang kapatid na kahawig niya nang pangalan kaya pinalitan nila itong Chealsy." Paliwanag pa ni Paul.

"Bakit nagkaganon si Mian mabait naman siya bakit parang ayaw niya magkaroon nang kapatid?" nagtataka kung tanong kay Paul.

"Dahil pangit naman talaga ang tunay na ugali ni Mian eh hindi marunong mag pakumbaba sa kapatid at sakim sa pagmamahal." Tugon pa ni Paul.

"Ano nangyari kina Jerome, Micaella, Miko, Diane at Mommy, daddy nang mawala ako?" tanong ko sa kaniya.

"Sino sila wala akong may nakikilala na ganong mga pangalan." Tugon pa niya.

"Sa pagkakaalam ko lang ang daddy at mommy mo nasa state babalik din naman sila rito after mong makagraduate sa college at makakakuha nang board exam sa pagiging guro." Tugon pa niya.

~~~~

Biglang bumago ang panahon dumidilim at lumiliwanag.

~~~~

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon