Tumayo na ako at lumabas kasama si Mr. Time traveler.
"Tandaan mo lahat nang sinabi ni Ms. Mikasa sana natulungan ka niyang makumbensi ang iyong isipan at puso na wag magmahal nang isang mortal dahil hindi maaaring magtuluyan ang mga mortal at immortal dahil hindi normal ang buhay na kinalakihan ng mga immortal sa iba't-ibang panahon. Sana matoto kang gamitin ang utak mo hindi lang ang iyong puso upang mapagtagumpayan mo ang iyong misyon. Ikaw ang may hawak sa misyong ito, Ikaw ang may hawak ng magiging buhay nila miko at Ms. Cruz. Maaaring hindi mo na mababalik si Miko sa buhay niya ngunit malalaman mo kung bakit siya nawala. At yan ang dapat mong alamin kung bakit siya biglang nawala ng parang bula." Tugon pa niya.
Umikot ang pag-ikot ng oras bumalik na sa normal ang lahat ng tao sa paligid.
"Tandaan mo tawagin mo lang ang pangalan ko kapag kailangan mo ang tulong ko darating ako." Tugon niya sakin.
At umalis na siya bumalik na sa trabaho. Umakyat na ako sa 2nd floor at hinanap sina miko nakita ko sila kaagad dahil mukhang sila lang dalawa yung nakasuot ng black. Nilapitan ko sila pero tumigil muna ako saglit dahil mukhang ang ganda ng kanilang pagkwekwentohan dahil tawang-tawa silang dalawa napakaliwalas ng mukha ngayon ni Miko mukhang hindi lang sila nag-away ni mommy kagabi. Ang saya nilang tingnan ni Ms. Cruz na magkasama lalanggamin na sila dahil sa sobrang ka sweetan.
"Diane nandiyan kana pala umupo kana rito." Pang-anyaya ni Ms. Cruz sakin. Umupo na ako sa tabi nila at sumabay sa pagkain.
"Saan ka ba nagpunta Diane bakit ang tagal mo?" Tanong ni Miko sa akin.
"Ah! Yun ba nag punta muna ako sa comfort room." Palusot ko sa kanila.
Napatango naman silang dalawa sakin. Mukhang nakumbinse ko naman silang dalawa.Natapos na kaming kumain. Tinawag ni Miko yung waiter para magbayad ng bill. Pagkatapos niyang magbayad lumabas na kami sa lobby nang resto kung saan naka park ang motor ni miko. Umangkas na kaming dalawa ni Ms. Cruz sa motor. Napadaan muna kami sa danghwa para bumili nang bulaklak at bumili rin ng kandila si Miko. Mukhang white roses at sampaguita yung binili niya. Ibig sabihin kasi ng white roses kalinisan ng kalooban at pagpapalaya sa taong mahal mo at ang sampaguita naman ay I promise you.Maganda ang pinili niyang bilhin na mga bulaklak. Papalapit na kami sa isang sementeryo na mukhang pamilyar sa akin parang nakita ko na ito. Inisip ko nang inisip kung saan ko ito nakita at naalala ko na ito yung sementeryo sa panaginip ko na nakita ko yung pangalan ni Ms. Cruz sa isang lapida at tumatayo siya sa likuran ko doon sa panaginip ko. Bakit kami nandito at sino yung namatay nagtataka ako kung bakit kami pumunta rito. Wala talaga akong idea sa mga memories ni Diane. Bumaba na si miko at inalalayan niya din si Ms. Cruz. Bumaba nadin ako. Sumunod ako sa likuran nila habang naglalakad papalapit na kami sa isang puno at mayroong dalawang lapida nakatapat dito para tuloy nanghina yung mga tuhod ko at kumirot bigla ang puso ko para bang naghihinagpis sa kalungkutan. Hindi maaari isa lamang itong panaginip at hindi ito totoo. Ito rin kasi yung scene sa panaginip ko.
Dahan-Dahan akong lumapit sa kinatatayuan nila Ms. Cruz at nanlaki ang mga mata ko bigla sa mga nakita ko hindi ito maaari hindi dapat mangyari to bakit nag-iba ang mangyayari hindi pala siya kundi sino. Nalinlang ako ng tadhana, talagang mapaglinlang siya naniwala ako sa panaginip na walang katuturan.
Mabuti nalang hindi siya ang taong iyon pero bakit magkaparehas sila ng pangalan. Nakasulat sa isang lapida ay Micaella Cruz Born April 25,1986 Died April 25, 2001. So it means 15 years of existence lang siya sa mundong ito hindi ko mapigilang umiyak ang mga mata ko at parang kusa lang tumutulo yung mga luha ko. Parang feeling ko malapit tuloy ang taong ito sa puso ko. Sino ba itong taong ito at bakit ko siya iniiyakan ng tudo ng hindi ko man lang siya kilala kung sino siya. Hinawakan ako sa likuran ni Ms. Cruz kagaya ng nasa panaginip ko. Lumingon ako sa kanya at niyakap niya ako. Kasabay ng pagbagsak ng mga namamatay na dahon sa sementeryo ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Kumalas na ako sa pagkayakap kay Ms. Cruz at humarap muli sa lapida at nakita ko yung dahong nakatakip doon kaya naman pala akala ko 2004 yung taong nakasulat dahil natakpan ito ng dahon at parang 4 yung hugis at pagkasulat sa 1 kaya akala ko si Ms. Cruz yung mamamatay sa taong 2004 dahil sa napanaginipan ko talagang hindi buo ang mensahe ng mga panaginip maaaring may mababago o lahat ay mangyayari sa katutuhanan. Nakita ko rin sa katabi niya ang isa pang lapida na nilagyan ng bulaklak din ni Milko at sinindihan niya nang kandila, Subalit isa lamang ang naroon sa panaginip ko bakit isa lang yung pinakita sakin.
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
Fantasíakung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...