Michelle na pinsan ko sa nakaraan at papaano ko siya naging kapatid sa kasalukuyan.
"Maaaring nagtataka ka Lian kung bakit siya nandiyan nang mga araw kasi nang mamatay kayo ni Mr. Time traveler dahil sa sinakripisyo mo ang buhay mo. Simula nang maikulong siya nagsisi siya sa ginawa niya sa inyo nang kuya miko mo kaya hindi niya matanggap na patay na si miko. Nabaliw siya at ng nagkaroon nang rambol sa selda nila nadamay siya at namatay, doon din niya pinagsisisihan lahat nang nagawa niya sa inyo ni Miko." Paliwanag ni Mang indoy.
Binati niya si Chealsy nang "Happy birthday."Nagpasalamat naman dito kay michelle na si mian sa kasalukuyang henerasyon.
Masaya ang takbo nang buhay ni Chealsy at mahal na mahal naman siya nang kapatid niyang si Mian.
Alam ko namang mabuti ang ugali ni Michelle subalit dala lang lahat ng iyon nang kaniyang paninibugho sa pinsan niya. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sa kasalukuyan nagbago ang lahat at hindi ko pinagsisisihang nabago ko ang nakaraan.
"Lian, tayo na ayan na ang lagusan." Tugon ni Mang Indoy habang nakangiti.
Ngumiti na rin ako sa wakas kahit hindi ko man nakamit ang kaligayahan bilang isang tao. Maligaya parin ako sa taong nagmahal at nag-aruga sakin.
"Lian, teka! Hindi pa magtatapos ang lahat ng ito pumasok kana sa lagusan naiyan at diyan mo makikita ang iyong tunay na kaligayahan. Marahil hindi para sayo ang mundo subalit naghihintay naman sa iyo ang paraiso." Nakangiti niyang tugon.
Kinakabahan naman ako sa sinabi ni Mang Indoy kung ano man ang naghihintay sakin sa loob niyan malugod kung tatanggapin at agad akong tumungo sa Lagusan na bigla nalang bumukas.
"Hangad ko ang iyong kaligayahan!"nakangiti niyang tugon ulit.
Bago ako pumasok sa loob ng lagusan. Binasa ko muna ang sulat na ibinigay ng lalaking nurse na galing Kay Marissa.
Tayo'y muling magkikita sa tagpuan kung mangyayari ang pangakong walang hanggan.
Ipinikit ko muna ang mga mata ko.
Maya-maya...
Nang dahan dahan kung idilat ang aking mga mata ay nakita ko na...
Nakita ko ang liwanag na nagmumula sa kabilang dulo ng kuweba.Kaya binaybay ko ang pinagmumulan nito.
Napakarami ng tao at parang nasa tuktuk kami ng bundok.
Bakas sa kanilang mga mukha ang kaligayahan.
Nakita ko rin na may mga flowers girls at parang may kasal na magaganap.
Hindi naman ako imbitado dito, bakit ako narito?
Hindi ko pala namalayan na nakasuot ako ng puting bistida.
Nakita ko sa pinakadulo ang lalaking nakasuot nang itim na damit at mukhang pamilyar siya sakin.
Dahan dahan siyang lumingon at nakita ko na si...
Para akong hihimatayin sa nakita ko.
Siya ay walang iba kundi ang taong minahal ko. Ang taong nagpapatibok nang puso ko ang taong habang buhay kung mamahalin.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
"Ito ang paraiso kung saan muli tayong magsisimula nang ating panghabang buhay na pagmamahalan." Nakangiti niyang tugon.
"Suot mo parin ba ang singsing?" tugon niya sakin.
"Oo nasasaakin pa." at ipinakita ko sa kaniya ang singsing na nasa kamay ko at suot ko ngayon.
Agad Anyang hinawakan ang beywang ko at hinatak ako papalapit sa kaniya.
"Mahal na mahal kita." at hinalikan niya ako sa noo bilang tanda ng respeto.
"ako parin di ba ang laman niyan?" tugon ko sa kaniya.
"Ikaw parin ang laman nito kahit ilang henerasyon pa ang dumaan at kung mabubuhay man muli tayo patuloy ka parin mamahalin nito." Nakangiti niyang tugon sabay turo sa kinalalagyan ng kaniyang puso.
Iyak ako nang iyak at galak na galak ang puso ko sa tuwa.
Dahil kahit hindi man para samin ang nakaraan, kasalukuyan, o hinaharap para samin parin ang kabilang buhay at pagmamahalan na wagas.
"Tagpuan"
by: Moira Dela TorreDi, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakitBakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin koAt hindi di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalanginPano nasagot lahat ng bakit?
Di makapaniwala sa nangyari
Pano mo naitama ang tadhana?Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
At hindi ka lumayo
Nung ako yung sumusuko
At nagbago ang mundo
Nung ako'y pinaglaban mo
At tumigil ang mundo
Nung ako'y pinili mo
Siya ang panalangin ko~Wakas~
BINABASA MO ANG
The Time Travelers [COMPLETED]
Fantasykung gusto mong balikan ang nakaraan kaylangan mo lang hanapin ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang may hawak ng sarili mong tadhana at nasa iyo ang sagot sa lahat ng iyong gagawing hakbang. Samahan niyo si Lian upang balikan niya ang kanyang pan...