Kabanata 19

53 3 3
                                    


Nakatulog na pala ako. Tiningnan ko yung oras OMG 3PM na pala. 

Bumaba na ako para tawagan siya. 

Ano nga pala yung landline nila Jerome. 3.....3..... 

naalala ko na 337-456-8. Nagring na. 

"Hello sino to?" Tugon nung babae. 

"Ah si diane po ito kaibigan ni Jerome." sagot ko sa kanya.

"Manang sino po yung kausap niyo?" Tugon nung lalaki. 

"Si Diane daw po kaibigan niyo." Tugon nung babae sa kausap niya. 

Binigay nung babae sa kanya ang telepono. 

"Hello Diane papunta na ako diyan." Tugon ni Mr. Time Traveler. 

"Ok hihintayin kita." Tugon ko sa kanya at nahung-up ko na yung telepono. 

Akala ko late na ako. Thanks god hindi pa pala ano ba kasi ang higlip ko nauwi sa tulog. Umupo muna ako sa sofa para hintayin siya 3:10 na pero wala pa siya. Maya-maya may tumawag sa labas ng bahay. 

"Diane si Jerome to." Tugon niya. 

"Sandali lang lalabas na ako." Tugon ko sa kanya. 

Nakita ko siyang bihis na bihis mukhang may pupuntahan siyang prom sa porma niya ngayon. Naka tuxedo siya at white long sleeve sa loob kita ang hubog at kurba ng pangangatawan niya. Sh*t ang hot niya. 

"Sa sementeryo lang tayo pupunta pero bakit bihis na bihis ka ngayon?" Tanong ko sa kanya. 

"Si Jerome kasi may pinuntahang Debut ng former classmate niya kung kaya Heto nakadamit ako ngayon ng ganito." Tugon pa niya. 

"So it means hindi kana pala nagbihis?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi na late na kasi siyang umuwi kung kaya hindi na ako nagbihis kasi ayaw kung pahintayin ka pa." tugon niya sakin. 

"Ok alis na tayo." Nakangiti kung tugon sa kanya at nagtatawanan kami ngayon. 

Pinakita na naman niya sakin ang mga ngiti niyang pa fall. Mabuti nalang at may taxi na napadaan. In fairness mukha siyang business Entrepreneur sa pananamit niya ngayon.Binuksan niya ang pintuan nung taxi. 

"May I." tugon ni Mr. Time Traveler. At nilahad niya ang palad niya sa harapan ko. 

Nilagay ko rin yung kamay ko sa kamay niya gosh para akong nanalo sa Ms. Universe dahil nasa akin na ang korona. Ang haba talaga ng hair ko. Nginitian na naman niya ulit ako at pumasok na ako sa loob ng taxi. Marami na kaming memories sa mga taxi. 

Malapit na kami ngayon sa sementeryo ng san narsiso. 

"Ma'am and Sir hanggang dito nalang po ako hindi po tayo makakapasok doon kasi one way lang po at hindi na maka U turn." Tugon nung driver na lalaki. 

"Sige po mama ito ang bayad lalakarin nalang po namin." Tugon ni mr. time traveler. 

Nauna siyang bumaba at pinabuksan niya ako ng pinto. Bumaba na ako at sinira na niya ang pinto ng taxi. Lumakad na kami papasok sa sementeryo papunta sa puntod nila mykco at micaella. 

Nang malapit na kami parang malungkot ang mukha ni Mr. Time Traveler dahil siguro siya si Mykco. 

"Ok kalang ba?" Tanong ko sa kaniya. 

Tumango nalang siya at parang hindi kumikibo.

Andito na kami ngayon nakatayo sa harapan ng lapida nila mykco at micaella may namumuong luha sa kaniyang mga mata ngunit hindi niya ito ipinapakita na malungkot siya. Dahil ang mga lalaki naman talaga ay walang emosyon kapag may kasama sila ngunit kung sila lamang mag-isa binubuhos nila sa iyak ang lahat ng puot at hinanakit nila. 

The Time Travelers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon