X i e r r a
Napataas ang isang kilay kong tinignan si Mamang Blake at Ate Xylean. Tsk! Wala ba silang planong magaminan? Hay buhay.Pinagmasdan ko lang silang dalawa na pinaggigitnaan ako sa kinauupuan namin sa Bus. Si Ate Xylean ang nasa katabi ng bintana habang diretso ang paningin at nakahawak ng mahigpit sa tungkod. Sa kabila ko naman ay si Mamang Blake na mukhang hindi komportable at ang kalahating pwet lamang nito ang nakaupo habang mahigpit ang pagkakahawak sa sandalan ng upuan sa harap namin. Pinagmasda ko ang hirap na hirap niyang mukha.
Hinila ko ang manggas ng coat niya kaya naman napalingon ito sa'kin, "Yeah?" Hirap na hirap niyang sabi at muntikan pa siyang mahulog sa kinauupuan nang biglang prumeno ang Bus na sinasakyan namin. Bigla naman kaming natawa ni Ate Xylean.
Nagsalubong agad ang dalawang kilay nito at nagsisimula nang tumingin ng masama sa'min ni Ate. Tinignan ko lang siya ng blangko habang nakataas ang dalawang kilay ko.
"You 'kay?" Cool ko pang sabi sa'kanya. Agad naman niya akong nginusuan at napatingin kay Ate na tawang tawa din. Hindi man niya nakita ngunit paniguradong nahulaan niya ang nangyari.
"Shut up, Kid. Not funny. You too, Mrs. Evans." Masungit na sabi nito sa'min ni Ate.
Agad naman akong napalingon sa gawi ni Ate at hinintay ang isasagot niya kay Mamang Blake.
"Drop the formality, hindi bagay." Natatawang sabi pa ni Ate habang napapatingin kay Mamang Blake pero asa ibang direksyon nga alng ang paningin niya.
Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya gamit ang maliliit kong kamay at marahan itong iniharap kung nasaan talaga si Mamang Blake.
"Thanks, Leigh. Ikaw talaga ang mata ko kapag nandito ka sa tabi ko." Natutuwa niyang sabi at napayakap pa sa'kin dahil sa panggigil kaya hindi na'ko nagulat nang kuritin niya bigla ang mga pisngi ko.
Bigla naman akong napacrossed-arms at ngumuso. Tsk! Ang sakit sakit! Mamaya mamula mga pisngi ko! Pero ngumiti lang siya sa'kin at niyakap akong muli.
"If I would have a daughter, I want someone like you." Napapangiti paring tugon niya.
Mabilis namasa ang mga mata ko at ang paghapdi ng ilong ko dahil pinipilit kong wag maluha. Lumunok ako nang ilang beses at hindi na napigilang mapayakap din sa'kanya.
"Hey, can I join?" Biglang singit ni Mamang Blake.
Nakalimutan kong andito pala siya. Tsk! Panira talaga 'tong Mamang 'to lagi!
Bago pa ako sumagot o ni Ate Xylean ay bigla naring yumakap si Mamang Blake sa'min kaya mukha kaming tanga sa loob ng Bus. Pero meroon sa pusong bata na tulad ko ang saya. Pakiramdam ko, buo kami. Isa kaming buong pamilya. Mula noong mangulila ako ay wala na'kong hiniling kundi ang maramdaman muling may Pamilya. Bigla akong napangiti.
"Hey, Xylean.. Can we adopt this kid?" Napaangat naman ang paningin ko kay Mamang Blake na ngayo'y nakangisi na habang nakatingin kay Ate. May palaman laman pa siyang taas baba ng kilay.
"Kaya nagagalit asawa ko, e. Tigilan mo kasi pangangasar Blake." Matalim ang tinging tinignan niya si Kuya Blake kaya naman napahiwalay agad ito at napasimangot.
Matapos ang pagsasagutan nilang pareho ay bigla ng nanahimk kaya buong byahe ay naging tahimik kaming pare-pareho hanggang sa makababa ng Bus at makarating pupuntahan namin.
"Woah!" Hindi ko mapigilang mamangha nang makita ko ang kabuuan ng Amusement Park!
Napapangiting napalingon ako kina Ate Xylean at Manong Blake na nasa magkabilang side ko. Mukhang namangha rin si Ate Xylean habang si Manong Blake naman ay blanko lamang ang ekspresyon.