Sa isang malaking Mansion ng mga Evans, sa mismong personal na opisina nito ay may naguusap na dalawang may mabibigat na pangalan sa mundo ng negosyo lalo na sa mundo ng Mapya. Mahina lamang ang kanilang boses, marahil nagi-ingat na baka may makarinig sa kanila.
"Zero, ano ng plano?" panimula ng kausap nitong babae habang nakaupo sa harap nitong upuan.
Tahimik namang nakapangalum-baba si Mr. Evans, tila nagiisip. Ano nga ba ang plano nila?
"How is she?" did she already take her meds?" Sa halip na magpahayag ng plano ay kinamusta nito ang pinapabantayan na babae.Napaikot naman ang mga mata ng kausap nitong babae at sumama ang tingin sa kausap. "Pwede ba Zero? Umayos ka?"
Tumalim naman ang tingin ng tinatawag niyang Zero at napatiim bagang sa naramadamang inis sa kausap.
"You can't tell me what to do."
Bahagyang nagulat ang kausap nitong babae at napatungo na lamang. Sandaling nanahimik ang kanilang paligid nang muling magsalita ang babae.
"Ikaw lang naman inaalala ko Zero."
"You don't need too. I can manage." Panunupalpal nito sa kausap. Napapahiya namang napaiwas ng tingin ang kausap na babae.
"Just tell me what to do, Zero. You know, I'm always here for you. I'll never leave you behind. Don't forget that." Mahinang lintanya nito sa kausap, pinapahayag ang nararamdaman.
"I know, just continue of what you're doing and I'll tell you the next plans onwards." Pagpuputol nito sa kausap at tumayo na ito kaya't napatayo na rin ang kausap.
"And wait," Biglang sabi nito sa kausap na babae. "Use the back door. I don't want my son to see you here."
Otomatikong bumalatay ang sakit na naramdaman nito dahil sa sinabi ng lalaki. Pilit itong ngumiti at nagpanggap na hindi ito naapektuhan sa sinabi nito sa kanya.
"Basta ikaw, Zero."
Lumabas na ang lalaki sa nasabing silid at habang naglalakad ito ay nakasalubong niya ang kanyang anak na tumatakbo papalapit sa kanya habang may ngiti sa mukha at may hawak ng i-ilan na papel sa kamay nito.
Nakangiti rin niyang sinalubong ang anak at napaluhod para salubungin ang ang anak na si Zachery. Yumakap ang anak niya sa'kanya sandali at muli siyang inaharap ng anak para masabi na ang masayang balita nito sa ama.
"Dad! You won't believe this! I got the perfect score in all subjects!" Masayang balita nito habang tinataas ang hawak na i-ilang test papers, pinapakita ang mga bawat na naging iskor sa bawat paksa.
Hindi na napigilang mas mapalawak ang ngiti sa anak at siya na mismo ang kumuha sa hawak nitong test papers at personal na tinignan.
"Wow, you've got a great brain! Hindi ka lang nagmana sa'kin, maging sa mommy mo rin. I'm sure, she'll be happy." Tuwang-tuwa na sabi nito ngunit sa kahulihang sinabi ay naramdaman niya ang sariling pait.
"Yeah! And I'm going to see her! I know, she'll be the most happy mother on earth! Right, Dad?"
"Right, son." Natatawang sabi ng kanyang ama rito.