T H G 2 : C h a p t e r F o r t y - O n e

1.4K 41 4
                                    

X y l e a n

          "I'm sorry about Blake, we're not together anymore." Walang emosyon kong paliwanag kay Nathan nang makasalubong ko ito sa hallway. Ngumiti naman siya.

          "Ganoon ba?" Tumango ako. "Mabuti naman." Bulong niya pa. Napakunot-noo naman ako.

          "Ha?" Tanong ko. Nagulat naman siya at nanlaki ang mga mata niya.

          "I-I mean, I think, you're better without him." Agad niyang sagot. Napaiwas naman ako ng tingin.

           "Maybe." Malamig kong sagot.


           Halos isang buwan narin ang lumipas nang makasama ko ang bata, dalawang linggo rin siyang nagstay sa'kin bago ko ibinalik kay Blake. Nakausap ko narin sila Kris at napilitan akong ipaliwanag ang sarili ko sa kanila, maliban kay Blake.

          "Xy, nakapagimpake kana ba?" Tanong bigla ni Tiff habang kumakain. Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Nathan.

          "Where to?" Takhang tanong nito kay Tiff. Napangiti naman ai Tiff ng malaki kay Nathan, tila may binabalak.

          "Sa Camp Site next week, magbo-bonding kami magtrotropa. Tagal din kasing nawala ni Xylean." Sagot ni Tiff sa'kanya. "Sama ka?" Taas babang kilay na yaya ni Tiff kay Nathan. Napatigil naman ako sa pagnguya ng kinakain ko.

          "Nako, I'm not part of your group baka makaistorbo lang ako sa inyo." Agad na tanggi ni Nathan kay Tiff. Tinuloy ko na lamang ang pagkain ko. Malapit narin matapos ang lunch time.

          "No, it's fine, really. Right, Xy?" Lumingon si Tiff sa gawi ko. Napakunot-noo naman ako. Wala sa sariling napatango naman ako at inubos nalang iyong pagkain ko. "See?"

          "Seryoso? Okay lang sa inyo? Okay lang sa'yo Xylean?" Nahihiyang tanong pa ni Nathan at bumaling sa'kin. Napilitan naman akong napalingon sa'kanya. Walang emosyon ko siyang tinignan.

          "Yeah." Malamig kong sagot.


          Inaayos kona lahat ng gagamitin ko. Nang nalagay kona lahat ng kakailanganin ko ay isinuot kona ito. Kina Tiff ang kitaan namin. Magta-taxi na lamang ako papunta roon. Pagkalabas ko ng apartment ko ay dumiretso na'ko sa kalsada at nagsimulang magabang.

          Ilang minuto na'kong nakatayo rito at nangangalay na sa bigat ng bag ko pero wala paring nakukuhang taxi. Maya-maya lang ay may biglang huminto na sasakyan sa tapat ko. Ibinaba nito ang bintana at bumungad ang mukha ni Nathan. Nakangiti itong kumamay.

          "Hey! I think, mahihirapan kang makakuha ng taxi dito. Sumabay ka nalang sa'kin." Pangaayaya niya.

          Muli pa akong napalingon sa kalsada at puro may laman ang mga dumadaang taxi kaya naman pumayag na lamang ako. Bumaba ito ng sasakyan niya at kinuha ang bag ko para ilagay sa likod ng sasakyan niya tsaka ako nito pinagbuksan ng pinto sa passenger seat.

          "Salamat." Tipid kong sabi. Ngumiti lang siya at muling pinaandar ang sasakyan.

          Kinuha ko ang telepono kong panay ang pag-vibrate sa sunod-sunod na messages galing sa kanila.

Children of God

8:49 AM


Tiffany added Xylean Xin Lee to the group.

Tiffany:

Saan kana, Xy?

Kristela:

Why so late, bitch?

Me:

Sorry, woke up late.

Asiya:

Oh God! This is freaking cool! She said sorry! I'm gonna screenshot this!

Tiffany:

Hey, you guys stop. Where's the others.

Are you with Nathan, Xy?

Me:

Yeah.

Ethan:

Who's Nathan?

Henry:

Yeah! Who is he?

He's not even part of the group.

Blake:

What is happening here?

          Napatigil ako nang biglang sumali si Blake. Na-seen ko na lamang.

          "Who's you're talking to?" Biglang tanong ni Nathan. Agad naman akong napalingon.

          "Sila Tiff, nagtatanong kung nasaan na tayo." Sagot ko. Nahihiya naman itong lumingon sa'kin.

          "I'm sorry, it's really traffic in my place. I should've go early but if I did, I won't see you and will not pick you up. So, I don't mind." Nahihiya niyang sabi.

           "Okay lang, don't worry." Walang emosyon kong sabi.

          Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating kina Tiff. Nandoon na silang lahat at mukhang kami na lamang ang hinihintay. Namataan ko si Blake na masama ang pagkakatitig sa'ming dalawa ni Nathan. Parang tumatagos ang titig nito kahit nasa loob parin kami.

          "I think, someone's jealous here?" Takang tanong niya nang maiparada ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada.



t o  b e  c o n t i n u e d . . .

v o t e  a n d  c o m m e n t < 3

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now