XYLEAN
"Blake, gumising kana." Niyugyog ko ang batugan kong asawang mahimbing parin ang tulog.
"Hmm?" Halos pabulong niyang sagot habang nakapikit parin.
"It's nearly Christmas, and here you are sleeping like an idiot." Inis kong sabi at halos sigawan na ito. Gumising na ito ng tuluyan at hinarap ako na may mapupungay na mga mata.
"Babe, do you have any idea how many dumbass that we've killed last night? I'm tired." Malumanay niyang paliwanag. Napabuntong hininga naman ako.
"But it's Christmas, we should celebrate it with kids." Nakangusong sabi ko pa. Napangisi naman siya.
"You can't really celebrate it without me?" Natutuwang tanong niya. Lalo akong napabusangot at ngumuso bago tumango bilang sagot. Nadinig ko pa siya humalakhak. "You're being emotionally this past few days, are you pregnant?" Mas lalo pang lumaki ang ngisi niya habang yakap-yakap ang tagiliran ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"No, I'm not." Inis kong sagot. Napabalikwas kami sa biglaan pagsalita ng di namin inaasahang tao.
"Pa, Ma, may balak pa po ba kayong sumama sa pagcelebrate ng christmas?" Parehas kaming napalingon sa boses sarkastiko na bata. Nakatayo ito habang nakasandal sa bukas ng pinto at nakataas pa ang isang kilay.
"Alright, we're coming!" Agad na sagot ni Blake at napalingon sa'kin. "Remind me about giving you a pregnancy test later."
"Tch." Napasinghal ako nang maalala ko ang madaming nakatambak parin na pregnancy test na nasa cabinet ng comfort room namin dito sa kuwarto. Noong pinagbubuntis ko kasi sila Nix at Phoebe ng hindi ko pa alam ay agad ko itong pinaalam kay Blake dahilan para agad itong sumugod sa Convenience store para bumili ng pregnancy test ngunit sa gulat ko ay napakarami nito, ang sagot lamang niya ay para masigurado at baka raw magkulang.
"Papa!"
"Mama!"
Biglang sumulpot ang kambal naming maliliit pa lamang, nagsitakbuhan ito palapit sa kama namin at umakyat hanggang makapunta sa'kin. Agad kaming napangiti pareho nang isa-isa kaming niyakap ng mga 'to.
"Giiifhss.." Napakunot ang noo ko nang biglang magsalita si Nix.
"Ano raw?" Salubong na kilay na tanong ni Blake sa'kin.
"Gifts daw, Pa. Tsk! Tsk!" Iling-iling na sabat ni Ash nang makalapit ito sa pwesto namin.
"Pleasssshhhh!" Napalingon naman ako kay Phoebe. Agad akong natawa at pinanggigilan ang matatabang pisngi nito.
"Giffhss!" Sabay na sabi ng kambal dahilan para mapahagikgik ako sa kakyutan nila.
"Alright, alright champs. We'll open your gifts there." Natatawang sagot ng ama nila habang dinadaganan ng kambal at kinukulit itong buksan ang mga gifts nila.
Napalingon naman ako kay Ash nang mapansin ko ang pananahimik nito. Nakatungo ito at pinaglalaruan ang mga daliri.
"Ash?" Pagtawag ko sa bagong palayaw nito. Agad napaangat ang ulo nito at diretsong napatingin sa'kin. Magkahalong inggit at lungkot ang nakikita ko sa mga mata nito dahilan para makaramdam ako ng guilt sa sarili. Hindi ko namalayang masyado kaming nagbigay ng atensyon sa kambal at napapabayaan na namin ang unang naging baby namin.
"Yes, Ma?" Takhang tanong nito ngunit bakas ang pagkapormal at tatag sa boses nito. Agad akong napangiti. She have no idea kung gaano ako ka-proud sa'kanya. I'm so lucky to be her mother.
"Come here." Sabi ko dahilan para mapakunot ang noo niya ngunit agad din namang sumunod. Nagulat na lamang siya nang bigla ko itong niyakap.
"I'm sorry, baby. I love you and Merry Christmas." Bati ko rito at niyakap pa lalo ng mahigpit. Nakita ko ang biglang pagngiti niya at yumakap din pabalik.
"I'm so sorry sweetheart,you know We love you so much." Biglang sabi ni Blake at niyakap narin kami kasama ang kambal. Kaunting katahimikan ang sumakop sa'min dahil sa pagiging sobrang emosyonal ngayong gabi.
"Pappha? Can wii opensh the giifhs?" Biglang singit ni Nix ngunit sa inosentemg paraan dahilan para pare-parehas kaming matawa.
"We will, buddy." Sagot ni Blake at isa-isa kaming hinalikan ni Blake sa noo. "I love you guys so much." Madramang sabi ni Blake kaya natawa ako bigla.
"But we don't unless we're going to unwrap our gifts now, can we?" Nakabusangot na sabay ni Ash dahilan para mabatukan siya ng ama niya.
"Shut up, champ. We're having a moment here. Do not cut." Sarkastikong sabi ng ama nito kay Ash dahilan para matahimik ito. Mabilis ko ring binatukan si Blake. "Aw!"
"Huwag mong binabatukan anak ko, ah." Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Tss."
Napangiti na lamang siya maya-maya at inanyayahan kaming lumabas para pagsaluhan ang mga pagkaing hinanda ko para sa pagsapit ng pasko. Masasabi man ng iba na para kaming abnormal na magulang o ang pamilya namin ngunit wala namang matutumbasan ang kaligayan na binibigay ng mga ito sa'kin.
Sa kalagitnaan ng pagbubukas ng gifts nila ay binigay ko ang maliit na bagay na nakabalot gift rapper kay Blake dahilan para mapakunot ang noo nito sa pagtataka kung ano ang laman nito. Ngumiti ako sa'kanya at tinanguan siya. Pinanliitan naman niya ako ng mga mata habang binubuksan ang binigay ko sa'kanyang regalo.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita niya ang isang pregnancy test na may dalawang guhit bilang resulta. Agad itong napatayo at halos maiyak ito sa tuwa nang bigla akong yakapin pabuhat. Napatili ako ng wala sa oras sa gulat.
"Blake naman eh! Baka maipit 'yung bata!" Singhal ko sa'kanya habang buhat-buhat parin ako. Dahan-dahan naman niya akong binaba habang ngiting-ngiti na hinarap ako at hinalikan naman ng mariin.
"Blake!!"
"Alright! I'm sorry, okay?" Natatawang sabi ni Blake habang si Ash ay bakas ang tuwa sa mukha habang ang kambal naman ay clueless sa mga pinanggagawa namin.
"Merry Christmas, babe." Nakangiting bulong ko nang magkusa akong yakapin ito.
"You don't know how much you made me happy this freaking midnight! You're the best! God knows how I love this beautiful lady who's hugging me right now. Merry Christmas, babe." Mahabang lintanya niya habang hindi parin mapakali sa tuwa. Agad naman akong natawa at maging ako at hindi mapaglagyan ang saya.
"I love you too, babe." Abot taingang ngiting sagot ko sa'kanya.
End of Special Chapter #3
Vote and Comment
Note:
Thank you for this wonderful year, guys! Merry Christmas and Godbless you and your family! And last 2 special chapters btw! Lovelots!
-yeoja_ileumIB