Z a c h
Nasa daan na'ko pauwi nang may bigla na lamang may tumawid at hindi inaasahang mabubundol ng aking sinasakyan."Sir! Nakabangga po tayo!" Agad na pagpapaalam na tauhan kong si Brandon ang siyang nagmamaneho ng aking sasakyan.
Natataranta pa rin itong nakatingin sa'kin at hinihintay ang go signal ko kung bababaan niya nga ba ito o hindi. Tinanguan ko ito at inutusan ipasok ang nasabing nabangga.
Napatingin naman ako bumukas na pinto sa kabilang gilid ko at bumungad si Brandon na may buhat buhat nang isang dalaga. Itinabi niya ito sa'kin kaya't nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan ito. Dinig ko ang pagsarado ng pinto at muling pagbukas ng pinto ng Driver seat ang pagpasok ni Brandon upang magsimulang magmaneho papuntang hospital.
Muli akong napatitig sa babaeng katabi ko na walang malay. Natatakpan ng mahabang buhok nito ang kanyang mukha at Napansin kong duguan ito at marumi at halatang may mahirap na pinagdaan kaya't humantong ito sa ganitong sitwasyon kaya agad kong tinignan kung saan nanggagaling ang sugat nito at nagulat ako nang malamang mayroon itong tama ng baril mula sa likod dahil sa pagkapa ko sa likod nito at nakitang may dugo.
"Bilisan mo Brandon. May tama ito ng baril." Agad kong pagpapaalam rito upang bilisan ang pagmamaneho.
"B-Bla-Blake.. S-sorry.." Gulat akong napatinging muli sa katabi ko at itinabi sa gilid ng tainga niya ang nakaharang buhok nito sa mukha. At mas lalong nanlaki ang mga mata kong tinignan ito nang makita ang kabuuang mukha nito. Nanghihina ito at pilit idinidilat ang mga mata. Hinawakan ko ito sa pisngi.
"Xylean! Asawa ko! Nagbalik ka!" Agad ko itong niyakap. Hindi ko mapigilang maging emosyal rito. Dala ng pangungulila sa yumao kong asawa ay nabuhos ko rito ang pagkamiss.
"B-Blake.. M-Mahal k-kita.." Halos mag-agaw buhay ito nang muli itong magsalita. Niyakap ko na lamang ito at hindi inalintana ang mga pinagsasabi sapagkat inuutasan itong wag na lamang magsalita at bigla na lamang nawalan muli ng malay kaya't muli akong nataranta.
"Matagal pa ba! Bilisan mo! Hindi kita binabayaran para sa wala!" Galit nang sigaw ko kay Brandon dala ng emosyon at kabang nararamdaman ko para sa dalagang nag-aagaw buhay parin.
Kamukha niya ang asawa ko. Maaaring siya ang asawa ko. Kung hindi man ay wala na akong pakialam. Ililigtas ko siya at gagawin ang lahat upang mapasa'kin siya.
"Pasensya na po, Narito na po tayo sa Lee Xin Hospital." Natatarantang ipinarada ito sa harap ng Emergency Room at mabilis na lumabas ng sasakyan upang humingi ng tulong mula sa loob.
Bago pa man mqkalabas ang mga hiningang tulong ay agad na'kong kumilos upang lumabas at buhatin ang kamukha ng asawa kong si Xylean.
Saktong dumating ang mga doktor, nurses at may nakahanda ng stretcher. Agad kong inihiga ang katawan nito rito. Itinakbo naman ito papasok habang nakasunod pa'rin ako.
"Anong lagay?" Dinig kong tanong ng isang doktor sa isang nurse.
"Kritikal ho dok!" Agad na sagot nito kaya't mabilis na gumapang ang kaba sa sistema ko at parang nanumbalik sa'king isipan ang nangyari sa asawa ko.
"Bilisan n'yo at ihanda ang Operating Room!"
Bago pa man maipasok ito sa nasabing k'wartong pagdadalhan rito ay nahila kona ang isa sa mga doktor na nagtanong mula sa mga kasamahan kanina at nakwelyuhan dala ng tenayon.