T H G 2 : C h a p t e r F o u r t e e n

1.5K 34 0
                                    


B l a k e


      Galit na humangos akong bumalik nang Z's Barcode. Bumungad sa'kin ang mukha ng kaibigan kong nagtataka na ngayon dahil ako lang magisang bumalik.

      "Nasaan si Xylean? bakit mo siya iniwan doon?!" Dinig kong naiinis na sabi ni Tiffany sa'kin.

      Hindi ko ito pinansin at basta na lamang umupo sa pahabang itim na couch. Tinignan ko sila ng blangkong mukha.

      "Jerk, Talk to us." Nagtitimping saad ni kristela sa'kin. Ngumisi lang ako.

      "What's the results of your observations at her?" Imbis na sagutin ang mga tanong nila ay ako ang nagtanong sa mga ito.

      "Ha? Pinagsasabi mo?" Singit ni Henry. Tinignan ko lang 'to ng masama.

   
      "Obviously, aside from being blind..  She has the face of Xylean-bitch and doesn't know us." Pagpuputol ni Kristela sa'min ni Henry. Napalingon ako dito at siya naman ay sinamaan ng tingin.

      "Watch your mouth." Masungit kong sabi dito habang may masamang mukha.

      "Honey, I think, hindi iyon nabulag sa isang aksidente." Matapos ang malalim na pagiisip ni Tiffany ay bumaling ito sa asawa.

      "What do you mean?" Kunot noong pagsisingit ko sa dalawang magasawang nagtitigan.

       "Blake, I think something's wrong. Parang may mali. Walang bakas na sugat o anuman sa gilid o sa mata niya. Hindi aksidente ang dahilan ng pagkabulag niya. Tingin ko sinadya ang pagkakabulag niya." Kunot-noong napatingin ako dito dahil sa sinabi niya.

      'S-Sinadya?'

      "Alamin niyo ang lahat ng impormasyon sa Blacque Mafia. Kung siya nga si Xylean, Nasa Blacque Mafia siya. Wag tayong pasiguro, Hindi pa natin alam kung kalaban ba siya o hindi. Baka ginaya lang talaga niya ang mukha nito."

      "Why don't we just go to their hideout and kill them all? Including that Mr. Evans." Napalingon kaming lahat kay Ethan na prenteng prente lang sa pagkakaupo na akala mo napakatalino ng naging suhestyon niya.

      "What?" Agad na tanong nito nang mapansing lahat kami ay masama ang pagkakatitig sa'kanya.

      "You're really a jerk and bitch at all times, Babe." Madilim ang mukhang sabi ni Kristela dito.

      "Super totoo!" Tuwang tuwang pagkomento ni Janina sa sinabi ni Kristela. Agad naman kaming napatingin dito. Sumama ang mukha ni Ethan.

      "Haay. Mga wala na kayong pagasa." Dinig naming sabi ni Asiya at talagang napabuntong hininga pa 'to.

      "Oo nga, Bakit ko nga pala kayo kaibigan?" Singit din ni Henry at pasimpleng umakbay kay Asiya. Siniko naman siya nito ng malakas.

      "Aray! Etong babaeng 'to!"

      "Ano?! Sige ituloy mo, Buenavista! Maghihiwalay talaga tayo!"

      "Joke lang hehe! Isang b'wan nalang oh, kasal na natin. Ngayon ka pa ba uurong?" Naglalambing na sambit ni Henry at niyayakap ang kasintahan sa tagiliran.

      "Ano ba! Bitaw nga!" Pagsusungit ni Asiya. Napalunok naman ako at binalik ang tingin kina Spade na sa'kin ang paningin.

      "I have to go, kailangan kong pumunta sa Lee GC bukas." Paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nila at lumabas na ng VIP Room.

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now