X y l e a n
Napatingin ako sa traffic lights nang mag green ito at muli ko nang pinaandar ang motorsiklo ko. Napangisi ako at binilisan pang muli ang takbo nito.
Mahigit ilang minuto rin akong nakipagpatintero sa mga sasakyan bago makarating sa'king destinasyon.
Pinark ko ang motorsiklo ko at binitbit ang helmet. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid habang papuntang elavator. Pinindot ko ang taas. Nang bumukas ito ay agad na'kong pumasok sa loob at pinindot ang nais kong palapag na puntahan.
Ilang minuto pa'y bumukas narin ang Elevator kaya't lumabas na'ko at naglakad sa bumungad na hallway ng Hospital.
"Hi dok!"
"Welcome back, dok!"
Abot kamay ko na ang opisina kong nasa dulo nang may biglang nagsalita.
"Nakabalik kana pala, Xylean." Natigilan ako at nilingon ang nagsalita, si Tiffany. Lumapit ito sa'kin ngunit parang hindi ito natutuwang makita ako.
"Hmm." Tanging tugon ko, wala paring emosyon. Tinitigan lang niya ako na para bang gustong namnamin ang bawat sandaling pagkikita namin.
"Bakit ka pa bumalik?" Napakurap ako nang dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako bigla ng kurot sa dibdib ko.
Napansin kong kami na lamang ang natirang tao sa tahimik na hallway ng Hospital.
"Bumalik ako para sa'kanya, sa kanila." Halos pabulong na sagot ko at napatingin ng bahagya sa baba.
"Blake and Xierra doesn't need you anymore." Agad na panunupalpal niya. Napayukom naman ang kamao ko sa naramdamang inis.
Dumilim ang ekspresyon ko at napakunot ang noo ko. Hindi ko inaasahang sa'kanya pa manggaling ang mga iyon, sa tinuring na bestfriend ko pa. Sinalubong ko ang mapanghusga niyang mga mata.
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo, Doctor Cruz." Madiin na giit ko pa. Mukhang nagulat naman siya at nasaktan sa sinabi ko ngunit hindi kona iyon binawi pa. "So, if you'll excuse me, marami pang pasyenteng naghihintay sa'kin." Malamig kong sabi at iniwan na siya roon.
Halos magtagis ang bagang kong dumiretso sa opisina ko. Ibignagsak ko ang itim na helmet sa mini cabinet rito at dumiretso sa swivel chair ko at naupo roon. Inikot ko ito para makita ang buong syudad.
Isa, dalawa, dalawang taon akong nawala at inaasahan ko nang hindi na nila ako kakailanganin kapag bumalik pa 'ko. Alam kong nagalit sila sa walang pasabi kong paglisan pero hindi nila ako masisisi. Kailangan ko ng oras, oras para sa sarili ko. Tao rin ako, parang yelo kadalasan ngunit hindi nila maipagkakailang marunong din akong masaktan, madurog. Kailangan kong magisip-isip dahil hindi naging biro ang pinagdaanan ko. Hindi matiis ng konsensya ko ang mga nangyari. Namatay si Zach dahil sa'kin, kung tutuusin ay minahal lang naman niya ako at naghangad lamang siya ng buong pamilya para kay Zachery dahil iniwan ito ng asawa niya noon. Balita kong napunta pa sa Mental Facility ang totoong asawa nito dahil hindi kinayanan ang pagkamatay ni Zach ngunit si Zachery ay napunta naman sa bahay ampunan kung saan nanggaling si Xierra na anak ko pala.
Wala akong pinagsabihan na aalis ako bukod sa pamilya ko at kay Jack, ngunit hindi ko sinabi kung saan dahil alam kong susunod at susunod si Blake sa'kin para sunduin ako. Pero kung mahal niya talaga ako ay hahayaan niyang maayos at mahanap muna ang sarili ko. Siya ang dapat umintindi sa'kin ngunit hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa ginawa ko.