T H G 2 : C h a p t e r F o r t y - F o u r

1.6K 46 2
                                    

Okay! Plug! Plug muna! Guys! Basahin niyo rin 'yung new story kona When He Love Her ang title! Just click on my profile to see it! Hope you can vote and comment there also! Lovelots<3

PS. Sorry kung late UD, nakatulog ako! Hahahahha:<

+++

X y l e a n


        Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa, maiinis o mapipikon ako sa ginawa niya. Sigurado akong napakapula na ng mukha ko at hindi na 'to kayang humarap pa sa'kanya.

          Bakit kasi napakatanga mo, Xylean! Bakit ba naman kasi nakalimutan ko sa loob ng tent ko 'yung damit na susuotin ko matapos maligo kaya lang ayaw naman bumukas ng tent ko. Mataas man ang pride pero hindi na'ko nagdalawang-isip pang tanggapin nang i-offer niya ang tent niyang katabi lang nung akin. Pero hindi ko inaasahang ngayon, sa loob ng tent niya naroon kami at nakapatong siya sa ibabaw ko habang nakasubsob sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya at sobrang kahihiyan na ang nararamdaman ko ngayon kapag hindi pa siya kusang umalis ngunit hindi ko maitatangging napakabilis ng tibok ng puso ko. Nagaalala akong baka maramdaman at marinig niya iyon sa sobrang lakas.

          "S-Shit, s-sorry." Agad siyang tumayo habang hindi makatingin sa mga mata ko.

          Tinulungan niya akong makaupo at agad naman napahigpit ang kapit ko sa tuwalyang tumatakip sa katawan ko. Pumunta ito sa camping backpack niya at siya na mismong kumuha ng hinihiram kong damit. Inabot niya ito nang hindi tumitingin at nahihiya ko naman itong kinuha habang pigil ang emosyong baka maipakita. Nang maabot niya ang mga ito ay mabilis itong lumabas ng tent habang hindi parin makatingin sa'kin ng maayos.

          "Tch." Singhal ko at napabuntong hininga ng wala sa oras. Pakiramdam ko ay para akong mababaliw sa biglang naramdaman ko.

          Bago pa may mangyari muling aksidente agad na'kong nagbihis at lumabas para mas mapadali ang pagtuyo ng buhok ko lalo pa't malakas ang hangin dito ngunit sariwa at masarap naman sa pakiramdam.

          Nang makalabas ako ay naabutan ko si Blake na nakaupo muli sa tapat ng bonfire ngunit nakatulala ito habang ang iniihaw niyang marshmallows ay natusta na at natunaw. Lumapit ako at umupo malapit sa'kanya. Mas nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Namumula parin ito at malikot ang mga mata nito, tila ba hindi mapakali at malalim ang iniisip nang bigla itong tumingin sa direksyon ko. Halos napatalon ito sa gulat at mas lalo pang naging balisa. Agad niyang iniwas ang paningin niya. Napakunot-noo naman ako.

          "Hoy, ayos lang. Huwag mo ng isipin." Sabi ko. Napatingin naman siya sa'kin gamit ang gilid ng mata niya ngunit sobrang singket nito at paniguradong hirap ito. "Oy." Sinundot ko siya gamit ang hintuturo kong daliri.
  

          Mabilis itong napatayo at inabot ang sunog at tutunaw-tunaw na marshmallows na nasa stick. Lalo namang kumunot ang noo ko sa inaasta niya.

         "Nakadrugs ka ba?" Salubong na kilay na tanong ko sa'kanya. Napakunot naman ang noo niya.

          "H-Ha? Why?" Nakatangang tanong niya.

          Napabuntong hininga nalang ako at itinuro iyong inaabot niyang marshmallow na tunaw na. Nagulat naman siya at napapahiyang napatingin.

          "Damn." Bulong niya pa matapos inilapag sa lalagyanan iyong tunaw at kumuha ng panibago para iabot sa'kin. Agad ko namang kinuha at umupo ito sa tabi ko ngunit may distansya ng kaunti. "Sorry about earlier, hindi ko sinasadya."

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now