Special Chapter #4

1.4K 30 2
                                    


XYLEAN


"Are you sure? You don't want to go to the hospital?" Dinig kong mahinang pagtatanong ni Blake ngunit umiling lamang ako bilang sagot.

"Ma, you okay?" Ngumiti akong pilit kay Ash at tinguan ito.

Nasa kalagitnaan kami ng daan, kasama rin namin ang barkada ngunit nasa kanya-kanyang sasakyan ang mga ito kasama ang mga anak. Kasalukuyang nangunguna ang sasakyan namin na agad sinundan ng sasakyan nila Ethan.

Napahawak ako sa noo ko at hinilot ito ng bahagya. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko ngunit tiniis ko na lamang para makasama at makabonding ang mga kaibigan namin ngayong bagong taon.

Nilingon ko ang mga bata sa likod habang napapahimas sa tyan kong malaki na. Bigla akong napangiti nang maisip kong malapit na namin ito masilayan.

"Huwag masyadong maglaro sa gadgets, baka lumabo ang mga mata niyo Nix at Phoebe." Sita ko sa kambal na panay ang pagpipindot sa kanya-kanyang hawak na ipad.

"Yes po, Mama!" Sabay nilang sagot habang ang paningin ay naroon parin sa nilalaro. Si Ash naman ay tahimik lamang na nakaupo habang nakatingin sa bintana, seryoso ang mukha nito tila pinagaaralan ang bawat daan na tinatahak namin. Napailing na lamang ako, masyado niyang namamana ugali ko.

Malalim narin ang gabi at malapit nang magbagong taon kaya naman ngayon palang dinig na dinig na namin ang mga paputok sa kalangitan. Tch, hindi ba sila makapaghintay? Mamaya makaaksidente pa sila ng mga batang nasa daan.

Nagkwentuhan lamang kami ni Blake habang nagdri-drive ito. Wala paring pinagbago si Blake, lalo pa itong kumikisig habang lumilipas ang panahon at hindi mapagkakailang namana ito ng anak naming si Nix. Bata pa lamang ngunit makikita na agad ang kakisigan ng bata ngunit ang ugali ay mukhang namana kina Henry, kung ano-ano kasing itinuturo kaya't napakamaloko nito.

"Babe, as I was saying, why don't we expand the Leerial Empire? It's been years already and its gaining more power from time to time." Napapailing niyang suhestyon habang may ngisi sa labi. Natawa naman ako sa kayabangan niya.

"Do what makes you feel at ease." Nakangiting sabi ko dahilan para matuwa ito at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"You'll not regret it, babe. Para sa future nila ito," Napatingin pa ito sa rear mirror bago tumingin at himasin ang tiyan ko. "At sa magiging baby pa natin." Napangiti kami ng matamis sa isa't-isa nang biglang may nagpasabog sa likuran ng sasakyan namin dahilan para tumaob ang sinasakyan namin. The next thing I knew, sunod-sunod ang pagputok ng mga baril sa sasakyan namin.

Nangilid ang mga luha sa mga mata sa pag-aalala sa mga bata at kay Blake. Nanghihina man ngunit pinilit kong lingunin si Blake. Wala na itong malay, duguan. Halos manigas ang buong katawan ko nang makita ko rin ang kambal at si Ash na hindi nalalayo sa sitwasyon ng ama nila.

Napasinghap ako nang makaramdam ako ng hapdi mula sa tyan. Ang baling  parte sa loob ng sasakyan ay bahagyang nakatusok sa aking tiyan, kung nasaan ang baby naming isisilang ko pa lamang. Bigla kong naalala na kapag naglimang buwan na ito ay hindi namin aalamin ang kasarian dahil gusto namin masurpresa sa pagdating niya.

Pinilit kong tanggaling ang pagkakatusok sa tiyan ko non ngunit hirap na hirap ako lalo pa't nakabaligtad ang katawan ko mula sa nakataob naming sasakyan.

"T-Tulong.. t-tulong.." nahihirapang sabi ko. Buong pwersa kong tinanggal ang pagkakatusok dahilan para umagos ang dugo mula sa tiyan ko. Mabilis kong hinawakan ito para mapigilan ang paglabas ng dugo. Kailangan kong matanggal iyon dahil nakakabit parin 'yon sa sasakyan. Sinubukan kong tanggalin ang seatbelt ko at nang matanggal iyon ay agad akong nahulog dahil nakaangat ang katawan ko kanina. Naging mas lalong masakit dahil puro basag na salamin na ang pinagbagsakan ko.

"B-Blake.. g-gumising ka.." Hindi ko mapigilan maging emosyonal nang simula ko itong yugyugin at abutin mula sa kinauupuan niya.

Buong lakas kong inabot ang seatbelt niya at nang maabot ko ang pindutan nito ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt niya.

Gigisingin ko na sana ito muli nang may biglang humila sa paa ko palabas ng sasakyan. Pinilit kong magpumiglas ngunit sa sitwasyon na ito ay mas malakas ang mga ito.

Nakapurong itim ang mga ito kaya naman hindi ko masilayan ang mga mukha nilang balak kong patayin. Gusto kong magalit, gusto kong magwala ngunit lamang ang nanghihina kong katawan na ayaw makisama. Nagsisimula naring manlabo ang mga mata ko ngunit bago pa man ay nakita ko silang nilalabas sina Blake, ang kambal at si Ash na wala paring malay. Patuloy lamang sa panggigilid ng mga luha ko habang nakaluhod sa kalsada. Maging ang mga kaibigan namin ni Blake ay hindi nalalayo sa sitwasyon namin.

Dinig na dinig ko ang malakas na tunog ng takong. Tumigil lamang ito nang huminto ito sa harapan ko. Hindi ko makita ang mukha niya ngunit masisiguro kong kilala ko ang presensya niya. Lalong napayukom ang mga kamao ko sa galit at panggigigil.

"Happy new year, dear. Miss me?" Mas lalo pa akong kinilabutan nang muli itong magsalita. Buhay siya, at nasisiguro kong nandito siya para maghiganti.

"M-Mayroon nga b-bang makakamiss sa isang t-tulad mo?" Pangangasar ko habang nginingisian siya. Napasinghap ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko papalapit sa mukha niya.

"Sinusubukan mo ba talaga ako, Xylean?" Sabi niya na may panggigigil sa tono ng boses niya. Agad naman akong napahalakhak at tumigil para titigan siya ng mariin.

"You've just met your killer, bitch." Malamig kong sabi bago tapusin ang mga bawat humihingang nanakit sa pamilya at mga kaibigan ko.


End of Special Chapter #4

Vote and Comment

Note:

HAPPY NEW YEAR BROS! LAST ONE! MAG-INGAY KAYO PLEASE! HAHAHAHA <3

-yeoja_ileumIB

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now