T H G 2 : C h a p t e r T h i r t y - S e v e n

1.4K 34 3
                                    



X y l e a n


          Napakunot ang noo ko nang makarating ako sa Opisina ko. Nanginginig ang mga kamay kong lumapit sa office desk ko at basta na lamang ikinalat ang mga naroon, umaasang maiibsan ang sa sakit na nararamdaman ko. 


         Naramdaman ko na lamang na tinatraydor na ako ng mga mata kong ngayo'y nakakakita na. Mga matang siya ang unang gustong makita, pagmasdan, at titigan. Kunot noo akong napatulala at napapikit na lamang.


          "I'd rather to see nothing, I wanna see nothing." Halos pabulong kong sinabi sa sarili habang sinusuntok ang sarili sa bigat ng nararamdaman. 


          'Maybe, we're just not meant to be.'


          Tangina, ang sakit. Inaakala kong happy ending ang dadatnan ko rito pagdating ngunit hindi ko inaasahang magbibitaw lamang siya ng mga katagang wawasak muli sa pagkatao ko. Ayoko siyang sukuan. Hindi ko pa napaparamdam sa'kanya kung gaano ko siya kamahal pero anong magagawa ko kung ayaw niya na? Dapat na ba talaga akong tumigil kahit wala pang nasisimulan?


          Napaupo ako sa sahig at wala sa sariling napahawak sa isang pirasong bubog na galing sa basag na picture frame. Muli kong naalala ang naging paguusap namin kanina. Sinabi niyang tigilan kona siya at hayaan na siyang maging masaya. Bigla kong naalala si Casey, manganganak na ito, magkakaanak na sila. 


         Napadiin ang pagkakahawak ko sa bubog na hawak ko. May iba na siya. Dapat ko pa ba siyang ipaglaban katulad ng hindi niya pagsuko sa'kin noon hawak pa 'ko ni Zach? Pero paano? kung ang pinaglalaban ko ay matagal ng sumuko at masaya na sa piling ng iba? 


         Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng kirot at sakit dala ng nararamdaman ngayon. Nagsimula na akong mahirapang huminga kaya naman agad kong nabitawan ang bubog na may mantsa na ng dugo ko. Mabilis kong kinuha ang gamot ko mula sa bulsa at agad kumuha ng ilang tableta tsaka ito ininom. Nabitawan ko ang boteng naglalaman ng tabletang iniinom ko. Sinuntok-suntok ko pa muli ang dibdib ko, nagbabakasaling maalis ang sakit na nadarama. Napapikit ako at kasabay noon ang biglang pagbukas ng pinto.


         "Oh my God, Xylean!" Narinig ko ang mga mabibigat niyang yabag at dumiretso ito sa harapan ko. Lumebel ito at nakita kong kinuha niya ang boteng nabitawan ko at agad napakunot ang noo niya. "Why are you taking meds for chest pain?" Tanong niya at hinawakan ang dalawang kamay ko para pigilan ulit na saktan ang sarili.


          "My psychiatrist told me so," Halos pabulong kong sagot. "Umalis kana, Tiffany. Iwan niyo na'ko." Malamig kong sabi sa'kanya. 


          "No, I'm not leaving you. Explain your side." Madiin at may otoridad niyang pag-uutos sa'kin. Napatingin naman ako sa'kanya.


          "I left because that's what I need. I was broken, Tiff. I wasn't ready, I'm not okay and I know Blake's deserved much better, someone's whole and can love him fully so that's what I did. I went to America for him, for all of you." Mahinang sabi ko at napaiwas ng tingin sa'kanya. Natulala ako sa isang direksyon nang simulan kong alalahanin ang mga nangyari sa'kin ng dalawang taon na nakalipas. "Pinagamot ko ang mga mata ko dahil sabik na muli akong makita siya, maging ang anak namin na si Xierra. Tumagal ako dahil hindi lamang mga mata ang may deperensiya sa'kin kundi 'tong pinagdaanan ko, hindi na kinakaya ng utak at puso ang mga nangyari sa'kin. I've suffered a lot, Tiff. Maybe in that area, you can all understand me." Napatingin ako sa'kanya. Lumuluha itong yumakap sa'kin ng mahigpit.

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now