X y l e a n
"Zach, pakawalan mo'ko dito!" Galit kong sigaw habang panay parin ang paglilikot likot sa upuang kinauupuan ko at pilit tinatanggal ang mahigpit at makapal na taling nakapulupot sa pulsuhan ko mula sa likod ng upuan."Hindi, papakawalan lamang kita kapag nakuha kona ang dalawang Mafia." Madiing sagot niya. Agad namang napasalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Tangina, Zach! Huwag mong idadamay ang pamilya ko dito! Subukan mo lang kantiin sila Blake." Galit na galit na sabi ko. Narinig ko naman siyang natawa."Mahal mo talaga siya eh, 'no?" May pait sa boses na sabi niya, hindi ko siya pinansin at muli na namang naglikot-likot sa kinauupuan.
"Pakawalan mo sabi ako!"
"Bakit siya parin? Akala ko ba ako na mahal mo? Bakit? Hindi ba masaya naman na tayo?" Muli na naman siyang nagsalita. Pigil-hiningang napatingin ako sa direksyon niya.
"Tigilan mona, Zach. Matagal ko nang nasagot ang bagay na'yan." Malamig kong tugon.
"Hindi pa ba sapat na mahal ka namin ng anak mo? Hindi pa ba--" Agad ko na siyang pinutol.
"Hindi ko siya anak! Niloko mo'ko, Zach! Ikaw na pinagkatiwalaan ko sa lahat. Bakit Zach? Kung hindi mo lang sana ginawa 'yon? Baka ikaw na sana ang mahal ko ngayon." Giit ko.
Napansin kong mukhang natigilan siya. Narinig ko nalang ang malakas na kalabog sa paligid ko.
"Natutuwa akong marinig 'yan. Ngunit wala na'kong magagawa pa para tumigil dahil nasimulan kona rin lang at alam kong mawawala ka rin sa'kin." Naramdaman ko na lamang bigla ang hininga niyang humahaplos sa balat ko. Sinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko at napahikbi. "I love you so damn much, please don't take my sunshine away."
"Nabago na ang lahat, wala nang patutunguhan ang merong tayo." Mahinang sabi ko.
"Sana sinabi mo na may tayo pa sa huli, dahil kaya ko naman bitawan ang lahat ng meron ako makasama ka lang namin ni Zachery." Pinigilan ko ang nanggigilid na luha sa mga mata ko. "Sana sinabi mo nang hindi na'ko umasang may tayo pa sa huli."
"Patawad, Zach." Iyon na lamang ang lumabas na sa bibig ko.
"Sa susunod na buhay, sana magtagpo muli ang landas natin. Hihintayin ko hanggang sa magising akong nariyan kana at pabalik sa'kin." Muli na'kong napaiyak at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya at sunod-sunod na napatango-tango.
"Pero ngayon, mukhang magkalaban na muna tayo." Narinig ko siyang tumawa habang pasinghot singhot pa.
"Oo, magkalaban muna tayo. Kaya kapag nakawala ako dito walang samaan ng loob dahil kikitilan talaga kita ng buhay." Parehas naman kaming natawa.
"Sige, sa susunod na magkita tayo paunahan nalang ah?" Biro niya, "Pero kapag kailangan, gawin mo. Huwag na huwag kang maaawa sa isang tulad ko." Biglang seryosong sabi niya at kumalas sa pagkakayakap sa'kin.
"Huwag mo ring hahayaan na maunahan kita." Giit ko. "Paalam, Zach."
"Goodbye, darling." Narinig ko na lamang ang mga mabibigat na yabag at pagsarado ng pinto.
And dilim sa paningin ko ay halos lalong naging madilim pa. Wala na bang ikadidilim ang kwento ng buhay ko? Masyado nang masakit, napapagod na'kong lagi nalang may pinaglalaban.
Ilang oras na ang lumipas at nakatulala lamang ako. Ilang sandali pa ay naisipan kong lumaban parin hanggang dulo. Wala man ang anak namin, nandyan pa si Blake. Mahal parin ako ni Blake. Kailangan kong magpatuloy para sa'kanya. Babalik na'ko at hindi na muli siya iiwan.
Sa sobrang likot ay bigla na lamang bumagsak ang kinauupuan ko kasabay ko. Napaungol ako sa sakit at pilit paring tinatanggal ang mahigpit at makapal na taling nakapulupot sa pulsuhan ko. Mahapdi na'to marahil ay nagsugat na kakapilit kong matanggal ito. Ang hirap nang walang makita. Malakas ang senses ko pero hindi sapat 'yon para makaramdam ako kung nasaan ang mga pwedeng magamit pangtanggal na bwiset na taling 'to.
Natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan at nakarinig ng mga yabag papunta sa gawi ko.
"Kamusta ka, dear? Mukhang nagiging matigas na naman ang ulo mo ah?" Narinig ko siyang tumawa. "Magkamukha talaga tayo ano? Pero mas maganda nga lang ako."
"Tch." Napayukom ang mga kamao ko, tila gustong dumapo ng mga ito sa mukha niya. "Mas bata nga lang ako." Patol ko sa'kanya at nginisihan siya. Oh well, Xylean's back.
"How dare you!" Sa inis niya sinipa niya ako sa tyan na agad namang bumaon ang matulis na takong ng stilletos niya. Tangina nito, ang sakit.
"Simulan mo nang magpakalayo-layo
dahil hindi ko sasantuhin 'yang pagmumukha mo. Ang ayoko sa lahat ay 'yung nagpapanggap bilang ako sa harap ng mga taong mahal ko." Madiin ngunit malamig kong sabi, natahimik muna siya ng ilang segundo bago tumawa ng peke."Nagmamahal pala ang taong tulad mo?" Lalo pa siyang napahalakhak at naramdaman kong umupo siya para mas magkalapit kami sa isa't-isa.
"Oo, at kapag kinanti niyo sila baka manghiram kayo ng mukha sa demonyo dahil hindi ko kayo titigilan hanggat hindi ko kayo nauubos. Tandaan mo 'yan." Halos magdilim na ang ekspresyon ng mukha ko para lamang mabantaan siya at matakot na kantiin ang pamilya at mga kaibigan ko.
"Talaga? Eh kaso lang ako ang nakilala nila bilang ikaw? Paano ba 'yan? Edi sa'kin sila maniniwala at kakampi." Natawa naman ako ng sarkastiko at napangisi.
"Sigurado ka bang pinaniniwalaan ka nilang ikaw ay ako? O nananaginip ka na naman ng gising katulad ng pagaasa mong mamahalin ka pa muli ng asawa at anak mo? Paano ba 'yan? Ako ang mahal at kinilalang asawa at ina?" Nakangising bawi ko sa'kanya.
"Bitch! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo!" Sigaw niya pa sabay hila ng marahas sa buhok ko. Napaigting bagang na lamang ako sa hapdi at hirap ng sitwasyon ko. Nakahiga parin kasi ang bakong kinauupuan ko habang nakatali parin ang mga kamay ko. Tangina, dehadong dehado ako dito. Nasaan na ba kasi sila? "Huwag kang magyabang dahil wala kana ngayong kakampi! At malayang malaya na'kong patayin ka dahil wala nang pakialam sayo si Zach maging ang mga kaibigan mo at si Blake!" Patuloy niya paring hinihila ang buhok ko kaya't sa pikon hinead bang ko siya ng malakas dahilan para mapalayo ito sa'kin.
"Walang kakampi? Eh ano ang tawag mo sa kanila?" Nakangising tanong ko sa'kanya.
Magtatanong pa sana siya nang bigla kaming nakarinig ng malalakas na putok ng baril sa baba. Biglang bumukas ang pinto.
"Madam! Nandito ang Leerial Empire!" Tila humahangos na sabi ng isag lalaki.
t o b e c o n t i n u e d . . .
v o t e a n d c o m m e n t <3