Daphne's POV
Napalingon ako nang makitang wala na ang pinsan ko.
Ilang saglit lang ay may dalawang kotseng tumigil sa harap namin
Si ace pala at aba si jorette nandito na. So kami nalang pala ang hinihintay
Dahan dahan akong ibinaba ni kyle at pumasok sa loob. Sa tabi ko. Si jorette naman nasa harap, at si ace naman ang nag dadrive.
Tinignan ko ang nakasakay sa kabilang kotse at ang mga pulis pala
"Ayos ka lang ba Daphne?" Nagulat ako sa biglaang pagtanong ni ace
"Hmm? Oo naman masakit lang ang ulo ko" sagot ko at napahawak sa dugo sa ulo ko
"Kailangan ka ng madala sa hospital" nag aalalang sabi nya
"Yun nga ang pinunta mo dito diba?" Inis na sabi ni kyle
Hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog na ko dahil siguro sa pagod at sakit ng katawan. Nagising nalang akong nakahiga sa kama.
Sa hospital..
Tumingin ako sa paligid at nakita ko si juna na nakaupo sa tabi ko habang kapiling ang cp nya
"Juna.." Tawag ko. Napalingon naman siya kaagad.
"Oh? Gising ka na pala, ayos ka na ba?" Tanong nya
"Ansakit ng ulo ko.. By the way, nasan na pala sila jorette?"
"Nasa kabilang kwarto, ginagamot na kasi ang mga sugat nila." Napatango nalang ako at saka nilibot ang paningin ko sa kwarto.
"Kailan daw ako makakalabas?" Tanong ko ulit
"Hindi ko lang sure te, bumili kasi ako ng pagkain kanina. Baka sila Kyle alam. Bago kasi sila magpagamot, hinintay muna nila."
Napakagat ako sa labi nang malaman yun. Ilang Segundo lang tumunog ang phone ni juna kaya agad niya naman itong sinagot
"Hello?..Opo...si Daphne po?...po? Dito po??. Sige po sasabihin ko.."
Kumunot ang noo ko sa pinag sasabi ng babaeng toh
"Nandito ang daddy mo..."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. kala ko ba may trabaho sya?!
"What?! Where?! When?!" Sunod sunod Kong tanong
"Calm down Daphne"
Huminga ko ng malalim dahil sa sakit na naramdaman ko sa ulo ko at dahan dahang umupo. Nagulat naman ako sa pagpasok ni jorette, kyle at ace sa kwarto kung nasan ako
Napasimangot ako at hinawakan ang ulo ko
"Huuyy!!! Ayos ka lang ba Daphne?!! Okay lang yan, sis. Wag ka na mag paka stress d'yan at baka mapaano ka pa." Si juna.

BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanfictionIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...