Daphne's POV
Nakapag paalam na si kyle kay mommy at pumayag naman si mommy basta alagaan daw ako. Korny ah.
Nagkaayos na kami ni mommy. Hindi niya na daw itutuloy ang kasal dahil ayaw niya daw akong pilitin lalo na't si kyle ay nanliligaw na.
Papunta na kaming airport ngayon at buo na din ang desisyon ko. Kasama ko si juna, si mommy at si kyle dito sa loob ng kotse at si kyle ang nag da-drive
"Sigurado ka na ba?" Tanong sakin ni kyle
"Oo... nakapagdesisyon na ko" sagot ko
***
Ilang oras din kameng bumyahe at ngayon nandito na kami sa airport. 7:30 na kase eh kaya malapit na. susulitin ko na ang mga oras
"Daphne buo na ba ang loob mong hindi sumama?" Tanong ni mommy
"Opo mommy" sagot ko
"Kung magbago ang isip mo sumunod ka agad sa US ha"
"Opo wag ka nang mag alala mi ayos lang akong mag isa"
Lumapit si mommy kay kyle at may ibinulong. Naglakad na si mommy papasok sa loob kaya lumabas na din kami
"Ah daphne mauna na kayo susunduin ako ni jorette eh. May date kami." sabi niya kaya nauna na kami
Habang naglalakad kami ay biglang nagsalita si kyle
"Ayos ka lang ba talagang mag isa?" Tanong niya
"oo naman lagi kaya silang wala sa bahay kaya sanay na ko"
Napahawak ako sa tyan ko pagtapos mag salita
Nagugutom ako..
"Tara kain tayo!" Pag aaya ni kyle
"Saglit lang kyle..." Tawag ko "Ano bang ginagawa mo sakin?" Tanong ko
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko
"Ano na bang status naten?" Tanong ko ulit
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nagsalita
"Nililigawan kita para malaman mo kung gano kita kagusto at para mapatunayan ko ang sarili ko sayo"
***
Dito lang kami kumain sa mcdo dahil ayoko sa mamahalin pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami
Nandito kami sa loob ng mall at sabi niya manood daw muna kami ng movie para marelax kami
Habang naglalakad kami ay nagulat ako dahil bigla naming nakasalubong si danica
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanfictionIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...