Kyle's POV
"Alam mo namang ayoko sa mga away away diba at alam mo din naman na ayokong nakakakita ng dugo!! Bak--------" di nya na natuloy ang sinasabi nya ng magsalita ako
"Ano ba!!! Ayos lang naman ako eh tumigil ka na sa pagbubunganga sakin hindi naman kita nanay eh at lalong hindi kita girlfriend"
Hindi ko alam ang sinabi ko
Napatingin nalang ako kay daphne na halatang nagulat sa sinabi ko
Haiisshhh ang bobo ko!!!
Nagulat ako ng tawagan nya si lui
"Hello lui?? Binabago ko ang isip ko pumapayag na kong ligawan mo" sabi nya at inend agad ang tawag
I'm just tired of what happened a few hours ago
Hinarap ako ni daphne na parang nasaktan sa sinabi ko
"Sorry kyle ah, hindi ko kase mapigilang mag alala sa taong nakikita kong may sugat at sorry den kase napagsalitaan kita na parang nanay mo at parang girlfriend mo" sabi nya
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko
"I'm sorry..." yan nalang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko
"Okay lang yun totoo naman yung sinabi mo eh sige mauna na ko ah aalis pa kase ako eh at oo nga pala wag mo na ko samahan sa ospital mamaya magpapasama nalang ako kay lui" sabi nya
Nagdidilim na yung paningin ko sa lalaking yun ah
Lumakad na sya palayo sakin
Gusto ko syang habulin at humingi ng tawad pero hindi ko magawa
Siguro kailangan nya munang makapag isip
Daphne's POV
Phone Ringing
Hayy nakakarindi na yung tunog ng phone ko
"Hello?" Inis na sabi ko
[Ahhh I just want to say sorry fo what happened earlier] sabi nya
"Ah okay lang yun" sabi ko
Alam ko namang pagod sya dahil sa nangyari at ang akin lang sana mag ingat sya palagi
[Baba ka naman oh]
Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya kaya napatingin ako sa bintana
Nagulat ako ng makita sya na nakatayo sa tabi ng kotse nya at nakatingin sakin
"A-anong ginagawa mo dyan??" Tanong ko
[Hinihingi yung patawad mo] sabi nya
Ano ba naman tong ginagawa nito dito
Bumaba ako para puntahan sya sa labas
"Anong ginagawa mo dito??" Tanong ko
"I'm sorry" sabi nya at may inabot na bulaklak
"Salamat dito ah" sabi ko
Naiintidihan ko na sya at ayoko nang pahabain to
"Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko
Hindi nya ko sinagot kaya hinila ko nalang sya
Nanlaki yung mata ko sa naalala ko
Pumayag pala ako kay lui na ligawan ako
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanfictionIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...