Daphne's POV
Kinabukasan. nagising ako dahil sa sikat ng araw sa muka ko, nakalimutan ko palang isara ang bintana ko.
Nagtungo ako sa cr at saka naligo at Lumabas na rin ng kwarto ko. Nakita kong palabas din si lui at sa kabila si jorette. Nagtinginan muna silang dalawa at saka sabay na tumingin sakin
"oh! bat kayo nakatingin?!" takang tanong ko sa kanila. Mabilis naman nilang iniwas ang tingin nila
"Tara kain muna tayo!" pag aaya ko at saka nauna nang bumaba
Aish! bat ba kase pinag day off si tessie ehh, ayoko magluto ngayon :<
well, hindi ba nga pala ako nag kakanin sa umaga hahahaKumuha ako ng cereal at fresh milk sa ref at tumingin sa dalawang kabababa lang.
"Hoy! Wala si Tessie kaya bili nalang kayo pag kain hehe"
"Pano ka?" tanong ni jorette
"cereals lang ako sa umaga"
"eh?"
"Hindi makapaniwala ghorl?"
"oh edi si Lui pabilin mo"
Napatingin ako kay lui na nag kibit balikat lang at umakyat muli sa kwarto. Maya maya lang ay bumaba na din s'ya dala yung susi niya at nagjacket lang
"gusto mo bang sumama ko?" tanong ko habang kumakain ng cereals
"No need mine, saglit lang naman ako"
"okii, ingat ka ah"
"Para sayo" sabi niya sabay kindat pa, natawa nalang ako.
"Ganyan ba talaga kayo mag usap? ang eme" napalingon ako kay jorette ng magsalita sya nung makalabas si lui
"Kaysa naman sainyo, BhooNie??" napakamot siya sa ulo niya
Hinintay lang namin si Lui para makakain na 'tong bakulaw na 'to. Hindi na din ako sumalo sa kanila dahil busog na din ako sa cereals.
Tumawag din si eunha kanina. Isa siya sa mga kabatch ko na nakapasok at bukod sa pag punta ko sa korean agency, Siya din yung tumulong sa'kin sa iba't ibang bagay. Half american siya at fluent sa english kaya hindi naman ganon kahirap. So yun nga tumawag siya. Naurong daw yung survival show dahil sa company problem kaya I'm gonna stay here for 3 months. Nandito din ako sa birthday ko.
8:00 am na nang mapag pasyahan kong pumunta ng school para magpractice. Well, wala kasing dance studio dito sa bahay at kung magbabalak akong mag dance lessons, hindi ako makakafocus. May bayad pa jud.
Si Jorette di ko alam kung papasok. kaya iniwan ko nalang siya sa bahay. Baka mamaya yon pumasok.
Nagsuot ako ng black adidas leggings, white fitted top at pinarisan ko ng white rubber shoes. Nagdala din ako ng pamalit kung sakali.
Nagdala nalang ako ng kotse since wala si kuya mario. Kasama niya kase sila mommy sa France. Kita niyo na, buti pa si kuya mario pa france france nalang.
Sobrang traffic kaya natagalan ako. Sa kalagitnaan, biglang tumunong ang phone ko. Naka connect yung sa kotse kaya madali.
"Hello dad!!! I'm surprised you call!!" halata sa boses ko ang saya
[We're coming home] nanlaki ang mata ko sinabi niya.
"Are you being serous right now dad?!"
[yes princess, oh i'll hung up na ha. We're here in the airport right now. By the way princess, wag mo na kaming sunduin, kasama namin si Mario]
"okay dad! take care, bye!"
toottoot
Halos mangawit ang bibig ko kakangiti tuwing may tumatawag sa'kin habang papasok ako sa school
"Ate daph!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Pwede po mag papicture? Fan niyo po kase ako. Nung nakita ko po yung teaser ng survival show at nandon kayo sinabi ko na po na isusupport kita!."
"a-ah talaga? hahaha" ang akward neto guys. "Sige tara.."
At yun nga pagtapos ng photoshoot.. Char. Naka punta na din ako dito sa dance studio. Buti nalang at walang schedule ang dance troupe ngayon kaya ako ang ang nandito. Nang hiram pa ko ng susi dahil nasa leader ng dance troupe yung susi neto.
Kinonect ko sa speaker ang phone ko dahil kpop ang sasayawin ko. Wala naman sila dito.
***
12:05 na nang matapos akong mag rehearse. Pumunta muna ako sa Cr para makapag retouch at makapag ayos ng sarili.
Nagulat ako nang may pumasok na dalawang babae. Kung titignan, mga nasa 2nd year sila.
"Hi ate daph!" bati nung isa tapos yung isa ngumiti at pumasok sa isang cubicle. "Naurong po yung survival show diba? nakita ko po kase kanina sa article."
"Ah oo daw eh.." nakangiti lang siya sa'kin
"Ex niyo po si kuya Kyle diba?" napaubo ako dahil don. "ah hehe sorry ate, crush ko yun eh ang gwapo kase, ang swerte mo naman teh, natikman mo" hindi na niya nahintay ang sasabihin ko dahil lumabas na yung kasama niya at nagpaalam na sa'kin.
Sasabihin ko pa naman sana yung totoo, hindi naman kase talaga naging kami eh. Pero baka magmukha lang akong bitter 'pag sinabi ko pa. Haish bakit ba nakaabot yung balita dito. College na kami pero fresh pa din yung fake news.
Well malapit lang din naman dito yung school na pinapasukan nila ace. Lunch break pa nila ngayon.
Lumabas na ko at naglakad sa hallway para sana bumili ng makakain sa cafeteria ng biglang may sumabay sa paglalakad ko. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mata.
"Kyle?? anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Naka uniform siya kaya siguradong cutting to.
"Pangit sa Cafeteria namin eh, mas masarap pagkain dito."
"Cutting ka nanaman.. Amoy yosi ka pa!" sininghot singhot ko pa kunyari
"Nangamoy pala?.."
"Ay hindi.. Guni guni ko lang yon.."
"Hindi ako nagcutting.. Lunch break namin."
Oo nga naman noh. Si ace kaya? bakit hindi niya kasama? Ahh baka naglunch kasama si xyrieve >.<
"Una na 'ko.." sa labas nalang ako bibili ng pagkain.
"Samahan mo ko.."
"Ha?"
"Halaman.." napapikit ako dahil sa asar. "Samahan mo muna ko.."
"Sa'n nga?!"
"Sa pagtanda.."
__________________________
Author's note
Thank you for reading if cupid hits you! so shookt ang imong lola HAHAHA.
Pa follow po hehe
facebook: Patricia Laurrinne Cruz
Instagram: Patrice_21
Twitter: @patriceee_21
Youtube account: Patricia Cruz
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanfictionIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...