Daphne's POV
Nasa labas na kami ng mall. Hinihintay kasi namin si kuya mario kinuha niya kasi yung kotse sa parking lot.
"Juna ano na nga palang update sa love story niyo ni jorette?"
Napatingin siya sakin at sumimangot
"Yun na nga eh"
"Ano nga?"
"Kasi kanina hinintay ko siya ng dalawang oras sa school tapos pagkatapos ng dalawang oras na paghihintay ko nag text siya na hindi siya makakapunta"
"Haisst kahit kailan talaga yung lalaking yun. Alam mo kung ako sayo bubustedin ko na yun kasi first rime nun manligaw eh"
"Haha buti sana kung ikaw ako diba"
Ilang saglit lang dumating na si kuya mario kaya naman sumakay na kami
Habang nag dadrive si kuya mario nadaanan namin ang isang park na sa tabi ay sari-sari store
"Kuya Mario! Pwede po bang bumaba muna saglit?"
"Oh sige hija itatabi ko lang sandali"
Tumango lang ako at hinintay maitabi ang kotse
Pagkababa ko agad akong pumunta sa sari-sari store
"Ate magkano po 'tong pastillas?" Tanong ko nang makita ang isang balot ng pastillas
"10 ang isang balot neng" sagot nito
"Pabili ng po ng dalawa"
Napatingin ako sa loob nila at nakita ko ang ice cream freezer kaya nagtanong ulit ako
"Ate yung ice cream po magkano?"
"299 ang isa"
"Dalawa din po, chocolate flavor po. magkano po lahat?"
"618 lahat neng."
"Heto po.." inabot ko ang bayad ko at hinintay maibalot yung mga binili ko.
Balak ko sanang ibigay yung ice cream kina jorette at ace kaya yung isa sakin mapupunta
Napalingon ako nang makitang hindi sumunod si juna at nag cecellphone lang sa loob ng kotse
"Eto na hija" inabot niya sa'kin yung plastic at saka bumalik na sa kotse
"Tara na po kuya mario" aya ko sakanya
"Anong binili mo daphne?" Tanong ni juna
"Something sweet" sagot ko
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanficIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...