[34] Rehearsal

51 3 0
                                        

Kinabukasan. Nandito ko sa dorm ngayon at naghahanda para sa first day namen

Tuwing weekend lang naman ang rehearsal namen kaya hindi ako mahihirapan mag adjust

"Ate daphne mauna na ko sayo ah. You know naman mas maaga ang time namen. Kung bakit kase hindi pa tayo pinag sabay eh"

"Hahaha okay lang yan. Sige na pumasok ka na ako nang maglolock ng pinto... may susi ka naman eh tawagan mo lang ako pag nag kaproblema"

"Sigee babye see you later ate daph"

Lumabas na siya ng kwarto kaya nagbukas muna ako ng bago kong facebook account at si juna lang ang may alam neto hahaha

Tinawagan ko si juna para mangamusta

<calling juna>

"Oy junaaa!!!" Sigaw ko ng makita siya sa screen. Naka uniform siya at mukang nasa school

[OMG daphneeennggg kamusta ka na ba jan??? Marami bang papables dyan?]

"Sira! Okay lang naman ako dito... and you know what?? Nakapasa ko sa audition ng mld entertainment!!!"

***

Juna's POV

Haayy namimiss ko na si daphne...

Nakakainggit naman siya, buti pa siya natanggap sa pinapangarap kong entertainment eh ako? Eto nag aaral pa den kahit nahihirapan na

So back to reality tayo, nandito ko sa garden ng WU breaktime kase namen eh, katatapos lang tumawag ni daphne saken

Si jorette? Di ko alam kung nasan eh. Matibay parin ang relationship namen at masaya pa rin kame

Gustuhin ko man sumunod kay daphne at mag audition den pero hindi ko naman maiwan si mommy dito. Pangarap kase namen ni daphne na magdebut ng sabay pero siya lang yung nag audition : (

"Earth to juna?"

"Ay kalabaw!!!" Napasigaw ako dahil sa gulat.

"Xyrieve naman bakit ka naman nang gugulat?" Tanong ko "breaktime niyo den?"

"Oo, ay nga pala juna samahan mo ko mamaya ah" sabi niya

"San nanaman yan?" Tanong ko

"Bibili ako ng regalo para kay ace mag bibirthday na siya diba?"

"Oo nga pala noh, sige tara bili tayo mamaya" sagot ko "by the way, kailan pa kayo naging magclose ni ace?"

"H-ha? nung umalis si daphne..." sabi niya at namula, I smell something fishy "ay juna, narinig mo na ba yung tungkol kay kyle?" Tanong niya

"Alen? Yung nagpapatakbo na siya ng company?, grabe siya noh buti pa siya may experience na"

"Hindi yun ano ka ba, nabalitaan ko kase na lagi na siyang nakikipag away at lagi din siyang sinusundo nila ace sa bar tuwing gabi na lasing na lasing"

Oo napansin ko nga yan, simula nung umalis si daphne nagkaganyan na siya, madalang na din siyang pumasok sa klase niya. Sigurado akong may nararamdaman pa din siya kay daphne hanggang ngayon at naniniwala din ako na may dahilan kung bakit hindi siya nagpakita kay daphne ng isang buwan

Magiging maayos pa din kaya ang lahat? Sa tingin ko hindi na nila maibabalik pa yung dati, lalo na ngayong kasama ni daphne si lui at baka mahulog na siya ng tuluyan sakanya.

Wala na talaga siguro silang pag asa, sa palagay ko kailangan nalang makakita ni kyle ng babaeng babago ulet sakanya kagaya ng pagbago ni daphne sa kung anong ugali ang meron siya dati

"Junaa!!!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat

"Ano ba yan xyrieve kanina ka pa nanggugulat" inis na sabi ko

"Hello?? Kanina pa kita tinatawag noh, bakit ba ang lutang mo ngayon ano ba yung iniisip mo ha?" Tanong niya

"Wala noh! Sige mauna na ko xy kakain lang ako" sabi ko at tumayo na ng biglang magvibrate ang phone ko

<jorette mine >

I'm here at the cafeteria, I'll wait for you

Napangiti ako sa text niya sakin, grabe pala talaga kapag inlove ka noh nakakabaliw dahil konting text niya lang napapangiti ka na

***

Juna.

Nakauwi na ko ng bahay at maghahanda na rin ako para sa pupuntahan namin ni xyrieve, remember bibili kami ng regalo

Wala talaga akong idea kung anong bibilin ko para kay ace, nitong mga nakaraang araw lang naman kase kami naging mag close eh

Hihintayin ko lang si xyrieve dito at aalis na kami. Nako talaga pag hindi ako nilibre ng bruhang yon.

Nakakagutom parang gusto ko ng ice cream kasama si daphne : (

Maya maya lang dumating na din si xyrieve kaya inayos ko na yung sarili ko at umalis na din kami




_______________


Pa follow po hehe

facebook: Patricia Laurrinne Cruz

Instagram: Patrice_21

Twitter: @patriceee_21

If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon