[32] sadly no

47 5 0
                                        

"Lui??"

Anong ginagawa niya dito? Bakit sya pa ang pumunta?

Hindi ko maiwasan mag tanong sa sarili ko

Bakit ang bait nya sa sakin samantala kabaliktaran ang pinapakita ko?

Nagulat ako ng bigla silang tumigil sa pagsuntok at tumingin saken. Napatingin naman ako kay lui andaming sugat at puro dugo ang katawan

Naaawa ako sakanya. At dahil sa pangyayaring to mas lalo ko syang nakilala.

Lumapit yung isang lalaki sakin at hinawakan ng mahigpit ang buhok ko. Napapikit ako dahil sa sakit nanaramdaman ko

"WAG NIYO SIYANG HAWAKAN!!" narinig kong sigaw ni lui pero hindi ko makita ang muka niya dahil sa pagsabunot ng lalaki sakin

"Hindi ko sana sya sasaktan kung hindi ka nangialam dito..." sabi nung lalaking nakahawak sa buhok ko "hindi naman ikaw ang kailangan namin eh, pero ikaw ang pumunta, naduduwag na ba si kyle?" Dagdag pa niya

So si kyle pala ang gusto nila? Pero bakit si lui ang nandito?

Binitawan nung lalaki ang buhok ko at tumayo. Kinuha niya sa lamesa ang phone niya at tinapat ito saken.

Nagulat ako ng magflash ito kaya napapikit ako.

"Don't worry, padating na yung prince charming mo" sabi niya at ginapos din si lui sa tabi ko

Hindi ko alam pero kinabahanako sa sinabi niya. Si kyle ang kailangan nila at hindi si lui.

Naisip ko lang si kyle... alam nya kaya ang nangyari sakin? O magkasama pa din sila ni bella ngayon?

"Ayos ka lang?"

Nabalik ako sa wisyo ko ng marinig kong magsalita si lui.

Ngumiti ako sakanya at tumango. Hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko ngayon kahit marami na kong nararamdaman

"Sorry ngayon lang ako..." naramdaman ko ang lungkot sa boses niya

"Hindi mo naman kasalanan eh..." sabi ko "at isa pa pano mo nalaman na nandito ko ngayon?" Tanong ko

"TUMAHIMIK NGA KAYO JAN!!" nagulat ako nang sumigaw yung isa sa mga lalaki dito sa loob ng warehouse "naiinip na ko sa g*gong yun ah nasan na ba yon??!" dagdag pa niya

Tumayo sya at pumunta sa lamesa sa gilid at sumunod naman sa kaniya ang iba

Nakatalikod na sila samin ngayon kaya nakapag usap kami ni lui

Gusto kong umiyak dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko magawa

Naramdaman ko ang pag luwag ng tali sa kamay ko. Tinignan ko yun at nakita ang kamay ni lui, nakatalikod sya sakin para maabot ang kamay ko at nagtagumpay naman sya

"Sakin naman tanggalin mo..." bulong niya

Tinanggal ko yun ng mabilis at dahan dahang umayos ng upo. Hindi ko na alam ang gagawin namen pero gusto kona talagang makalabas dito.

"Kaya mo pa bang tumakbo?" Bulong nia

Tumango lang ako sakanya bilang sagot ko

"Pagka bilang ko ng tatlo tumakbo ka na palabas ako nang bahala sa kanila..."

"Hindi pwede, hindi kita iiwan dito"

"Isa..." pagbibilang niya

"Huy ano ka ba lui sabay dapat tayong lumabas dito..." bulong ko

"Dalawa..." kinakabahan na ko sa susunod niyang sasabihin "tatlo!" Napatayo ako sa kinauupuan ko ganun din si lui sumugod siya sa mga lalaki at ako naman hindi ko alam ang gagawin kaya tumakbo nalang ako palabas sa pinto

If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon