[45]

34 2 2
                                    

Nakaupo kami ngayon sa wooden chair sa loob nitong parang green house. Basta parang garden eh.



Naalala ko na 'to.. Dito ko dinala ni kyle dati.. Yung araw na nakilala ko si xyrieve.




Kumakain ako ng non-fat gummy worms nang magsalita si Kyle. Kanina pa 'ko kinukulit eh




"Ulitin mo na kase yung sinabi mo" nagpaawa pa siya



"Wala nga 'kong sinabi" pagpipilit ko




"Yung tinawag mo saken!!"




"Kyle nga yon!" sumusubo pa din ako ng gummy worms



"Hindi naman eh! sayang dapat nirecord ko na" sumimangot siya




Nilabas ko ang phone ko at tinutok sa kanya. Hindi pa din siya tumitingin kaya kinuhaan ko ng picture ng nakasimangot.



"Anyway kyle, kamusta studies mo? nakapasa ka?" tanong ko




Kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at pinakita sakin. Result yun ng exam nila. May ranking na din kaya hinanap ko ang pangalan niya





Nagulat ako nang makitang pang 9th siya. Not bad. Parang dati lang..



"Pano ba yan pasado 'ko?" tanong niya habang nakangiti. Aba nakangiti na ang loko




"Anong gagawin ko?"



"Sasagutin mo na ko?"



"Wala akong sinabing sasagutin kita! sabi ko lang pag di ka pumasa di kita, sasagutin noh!



"Ang hirap naman!" reklamo niya kaya napakunot ang noo ko.



"Mahirap? edi tigil ka!"



"Sabi ko hirapan mo pa!"



Natawa ako. Kahit kailan napaka isip bata niya.



Tumayo ako at tumingin sa paligid. Napaka ganda pa din dito. Halatang inaalagaan talaga nila.



Tumingin ako sa baba at may nakitang nagtitinda ng fish ball. Matagal na 'kong hindi nakakakain non eh. Matry nga ulet




"Baba tayo kyle. Libre mo ko fish ball!" pagyayaya ko




"Luto ka nalang madumi yan!" reklamo niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Masarap din yan minsan!" nauna siya pababa



Tumusok ako ng sampung fishball at nanghingi ng baso. Aba masarap higupin ang suka noh.



Tumingin ako kay kyle nang mapansing hindi siya kumakain.



"Tikman mo na kase! masarap yan promise!" tinaas ko yung kanang kamay ko




"Madami nang gumagamit nung sauce niyan oh! baka sikmurain ako" alam mo napaka arte neto



"Ako sisikmura sayo!" kumuha siya ng stick at nagtuhog na ng mabilis.


















Bumalik kami sa taas nang matapos kami kumain.



Nagulat ako ng lumapit si kyle sakin at tinanggal ang kwintas niya.



"Palit tayo.." Walang pasabing tinanggal niya yung kwintas ko at sinuot sa kanya.



If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon