*Daphne's POV*
Paalis na kami dito sa batanes para umuwi sa manila
Si juna nandito sa kwarto inaayos ang damit. Si jorette naman ganun den, si kyle nasa cr at si ace nasa labas
"jorette wag mong sasaktan si juna ah"
Napatingin sila sa sinabi ko
"pa'no mo nalaman? " tanong ni jorette
"hindi na mahalaga kung paano, gawin mo nalang ang sinabi ko" sagot ko. Ngumiti lang siya at tumango kaya nagsalita ako ulit."oh dun muna ako sa labas ahh, hintayin ko nalang kayo dun. Mag hahanap din ako ng souvenirs para satin"
Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil lumabas na 'ko at nakasalubong ko naman si ace
"oh ace san ka pumunta?" tanong ko
"nag pahangin lang" natataranta niyang sagot
Bakit kaya??
"ayos ka lang? "
"O-oo, sige una na 'ko" sagot niya sabay alis
Pumunta na 'ko sa tabing dagat at inikot ang mata ko para sa souvenir at nakita ko naman ang isang maliit na boot na nag titinda ng mga keychain
"Magkano po ito?" Tanong ko sa manong na nagtitinda ng Sofia the first na keychain
"50 lang yan hija" sagot nya
"Pabili nga po ng dalawa"
Inabot ko sakanya ang 100 at inabot naman niya sakin ang keychain
"Kuya yung isa po? Magkano?" Tinuro ko nmaman yung ibang keychain. May Initial yon ng name. From A to Z. Gusto ko kasing bilhan sila Ace.
"Singkwenta lang din yan hija.." Bumili ako ng lima. Para sa'min. May D, J, B, A at K. 'B' nalang ang binili ko para kay Jorette dahil baka magkapareha lang yung dalawa.
Umalis na ko dun pagkatapos kong bumili at pumunta ulit sa kwarto. Pagpasok ko naman dun ay wala silang lahat kaya lumabas ulit ako
Nakita ko sila malapit sa van na mukyang ako nalang ang hinihintay.
Tumakbo ko palapit sakanila at nakita ko ang bag ko na nasa loob na
"Sorryhh nag hanap kasi ako ng souvenir eh"
Pumasok na ko sa van at ganun pa din ang pwesto namin
Inabot ko sakanila isa-isa ang mga keychain kaya napatingin sila sakin.
"Ano 'to?" Tanong ni Kyle.
"Baka Cellphone yan te.." inirapan ko siya. Magtatanong pa halatang halata naman. "Naisip ko lang bilhan kayo lahat. Hindi kasi kayo bumili manlang. Paano na ang memories here diba?!"
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanficIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...