[46]

29 2 1
                                    

Isang buwan na ang nakalipas nang pumunta kami sa hotel at makilala si dexter.




Sa isang buwan na yon ay mas naging busy kami ni kyle. Siya dahil sa pag aaral, ako naman sa darating na party at pag t-training para sa survival show. Madalang kaming makapag kita pero kapag may time, nagkikita naman kami.




Nilabas na din yung pangalawang teaser ng survival show. Mas matagal nga ang ngayon dahil pinakilala na talaga kami. Nung isang araw, lumipad ako sa korea para icheck kung nakaregister talaga ko.




Si dexter? uh, may girl friend pala tapos manliligaw daw? big yuck lang ha. Nakipag break pa siya sa girlfriend niya sa harap ko. Yung girl tuloy grabe sama makatingin



Kailangan ko nang umalis pagtapos ng birthday ko. Kinabukasan agad yung flight ko nun dahil 1 week preparation na.




Nandito ako sa kwarto ko gamit ang laptop habang nag s-scroll sa IG account ko. Mas dumami ang followers ko ngayon dahil sa teaser.





Marami din ang nag D-DM sakin. Hindi ko naman sila narereplyan lahat dahil nakakangawit sa kamay.





Nagpagawa si daddy ng studio dito sa bahay. Actually lalabas ka pa ng garden para makapunta. Hindi ko nga alam na matatapos ng 3 weeks yun eh.




Nag ayos ako at nag suot ng leggings at cropped top bago lumabas at pumunta sa practice room ko.




Nirehearse ko muna yung vocal ko pagkatapos ay ang dance skills. Nagbawas pa ko ng timbang para madaling mabuhat ang katawan ko. 42 kg nalang ang timbang ko ngayon. Konting lose pa ng weight.





Nang matapos naman ay nagpahinga lang ako saglit bago magshower. At umupo sa kama.




Inopen ko ulit ang IG story para makita kung may message ba si kyle. Pero wala pa. Nasa klase pa ata sya eh. Business kase ang kinuha niya kaya medyo busy




Nag take ulit ako ng picture habang nakaupo sa kama ko. Pinost ko agad story ko yun. Madami naman agad ang naka view. Hindi pa na v-view ni kyle kaya pinatay ko muna.



Bumaba ako at nakita sila mommy sa sala. May kausap na babae. Lumapit ako sa kanila at nakita yung mga gown. Naka suot sa mga mannequin




"Ano yan mom?" napatanong ako kay mommy.




"uh, nandyan ka na pala, pupuntahan na sana kita sa kwarto mo eh. By the way, mamili ka na ng gusto mo, pang after party mo yan. Bukas dadating naman yung pang event talaga."



Tumingin ako sa mga gown at namili. Sobrang hirap dahil lahat, maganda yung designs.




"Para sa'yo mom, anong bagay sa'kin?"




"That Light pink one, pink ang motif kaya mas babagay yan."




"Yun nalang po" ngumiti ako sa kanya




Naisip ko na namang mag gala ngayon. Nkakabagot kayang humiga sa kama at mag cellphone magdamag.



Hindi pa 'ko nag lulunch kaya nisipan kong sumabay nalang kay kyle. Hindi niya alam na dadating ako kaya sana masurprise naman.

Nagpalit lang ako ng cowboy jeans, white cropped top at nagdala ng black shoulder bag. At saka umalis

Nakarating ako sa school kung saan nag aaral sila Juna.





If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon