[25] Tomorrow

63 6 1
                                    

Charott...

Bahala ka dyan kahit ako pa mauna sayo eh

Grabe naniwala agad

Parang sira talaga yun

Pumunta na kami sa kabilang side para bumili ng sapatos

Bakit wala si Kyle dito?? Nasan na yun?

"Ah xyrieve sige pumili ka muna" sabi ko at lumabas para tawagan si kyle

<calling kyle>

"Hello kyle??" Pagsisimula ko

[Hmm?]

Mas lalo lang akong natatawa dahil sa inaasta nito

"Nasan ka??" Tanong ko

[Pauwi na] sabi nya kaya nagulat ako

Bakit nya naman ako iniwan

"Ha? Diba bibili tayo ng damit" sabi ko

[For what] tanong nya

"For the school intramurals"

[No need, I'm not going] sabi nya

Aba nagtatampo

"You need to" sabi ko

[Why??] Tanong nya

"Pano ko pag wala ka??" Tanong ko

Ay parang mali yung salita ko ah

[Hindi naman ako mawawala sayo eh]

Natawa ko sa sinabi nya

"Maeme ka bumalik ka na nga dito!" Sabi ko at pinatay yung phone ko

Tapos ng mamili si xyrieve kaya binayaran ko na

Hinihintay nalang naming makarating si kyle para makabili na rin kami

"Xyrieve, pwede ka ng umuwi maghanda ka din para sa test natin tomorrow" sabi ko at ngumiti

"Sige mauna na ko Daphne maraming salamat talaga" sabi nya at naglakad na palayo

Maya maya lang dumating na si kyle

4:00 na ng tanghali ng dumating si kyle kaya medyo maaga pa

"Ang arte mo eh noh" sabi ko at inirapan sya

Napakamot nalang sya ng ulo at nagsimula na rin kaming maglakad

Napahinto ko ng may maalala

Sapatos nalang kaya ang una kong bilhin??

"Bili muna tayo sapatos" sabi ko

Sayang kase diba mapapagod pa kami

Hindi sya sumagot sa halip ay naglakad nalang

Nung makapasok kami sa loob ay nagulat ako dahil mas nauna sakin si kyle

Pumunta sya sa heels section at namili

Bakit sya ang gumagawa nyan

"A-ah kyle ako na dyan" sabi ko at hinila sya patayo

"Kailangan mag bagay tayo sa araw na yun" sabi nya

Hindi naman ako naka imik dahil dun

Hinintay ko lang na makapili na sya

"Eto!" Sabi nya sabay turo

"Alin??" Tanong ko

Tinawag nya yung salesman na nakatayo kanina sa tabi ng counter at pinakuha yung sapatos

If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon