[50]

23 4 1
                                    






"Grabe pre!! Lahat ng balita sila daphne laman!" Binigyan ako ni jorette ng isang canned beer habang nakatutok ako sa laptop at pinapanood ang live nila daphne.






4 years na ang lumipas simula nang maging Idol si Daphne sa South Korea. Sobrang fluent niya na din magsalita ng language don. Nabuo yung group nila ng may 5 members. At si Daphne ang center.






"Asan na daw si Ace?" Tanong ko kay jorette na ngayon ay nakikipag text na. Sino pa bang kausap nito maliban kay Juna.






"Naipit daw sa traffic eh.. Nandito na yon mga 30 minutes."






"30 minutes?! Kapag tayo naubusan ng ticket sinasabi ko sa inyo, 'di ko kayo mapapatawad"







"Luh grabe ka na talaga kyle.. Purkit may bebe kang sikat. Saka ang aga aga pa.. 'Di pa nga ata bukas yung mall para bumili ng concert ticket eh.."







"Sunduin mo na yung girlfriend mo kung ako sayo.. Traffic nga diba? Tapos nandito ka pa?"








Kung nalilito kayo kung anong pinag uusapan namin, tungkol yun sa magaganap na concert ng SMILE. Which is yung group nila daphne. Sobrang tunog na ng pangalan nila worldwide.








"Otw na siya noh! Mas mauuna pa nga yun kaysa kay Ace eh."







Tumingin ulit ako sa laptop ko. Hindi pa tapos yung live nila. Iniinterview kasi sila. English yon kaya maraming nakakaintindi.






"Let's ask Daph.. Many people were curious about your relationship status.. Do you have a boyfriend right now?"





"Well.. As a busy person, I don't really have a boyfriend.." Tumawa siya. Hindi naman masakit.






Yes, secret ang relationship namin. Dahil baka masira ang image niya. Napag usapan na din namin to. Ako ang nagpumilit na wag ipaalam sa public ang kung ano ang meron samin. Dahil nga sa sikat na siya.




"Oh really?.. I think many fanboys are happy to hear that.."






"Nhie!!" Napalingon ako nang nakita si Juna na nakabihis na. Sinalubong naman agad siya ni Jorette. "Hi Kyle!" Ngumiti lang ako.






Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating si Ace kasama si Xyrieve saka kami pumunta sa mall para bumili ng ticket. Pwede naman kaming magpa reserve online kaso bibili pa kami ng phone at camera.







Pagpunta namin sa shop ay parang gumuho ang mundo ko. Char








"Mahaba pa sa highway yung pila mga sir" si Juna.









"Guys, may bibilhin lang kami ni Xyrieve don.. Bilhan niyo nalang ako. VIP seat gusto ko ha.."







"Ay kami rin pala ni Juna may bibilhin. Ikaw nalang pumila Kyle, alis na kami.. Bawal ka mag reklamo. Bebe mo nakasalalay jan." Di ko sila pinansin at pumila nalang. Tama nga naman si Jorette. Ako ang mag kailangan kaya dapat ako ang gumawa.










Habang nakapila ko ay napansin ko agad yung dalawang babae sa harap ko. Ako ba yung tinitignan nila o yung nasa likod ko? -_-










"Hi Kuya.. Fanboy ka?" Yeah ako nga yung tinitignan -_-








"Ahm no.. Boyfriend ako ni Daph.." Napatigil ako. Bakit ko sinabi yun? Baka mapahamak si Daphne.








If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon