Juna's POV
Naka upo ako sa kama nang biglang may kumatok, siguro si daphne na yun
"Pasok" sigaw ko
Nanlaki ang mata ko nang makita si jorette
"Juna?" Salitang lumabas sa bibig nya
"Oh anong ginagawa mo dito?"
"I'm sorry hindi ko naman alam ang nangyari eh, kung alam ko lang eh di sana pumunta na ko ng mabilis" pagpapaliwanag niya
"Nako! Okay lang hindi naman ako nasaktan eh sige makakaalis ka na" *sarcastic*
"Ju--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya kasi nagsalita ulit ako
"Ano? Babawi ka nanaman?" Tanong ko
"I'm sorry juna hayaan mo 'kong magpaliwanag"
"Pwede ba wag muna ngayon? Masakit pa ulo ko eh wag mo ng dagdagan"
***
Daphne's POV
nandito 'ko sa kitchen ngayon hinihintay ko kasing lumabas si jorette eh
Binuksan ko yung ref para kumuha ng pagkain nang biglang may mag doorbell
Tumayo ako para buksan yun at nakita ko si kyle na parang inip na inip
"Ang tagal naman" salubong nya
"Ay wow ang kapal. Pwede ka namang pumasok mag isa hinintay mo pang may magbukas sayo? tapos sasabihin mo matagal akong magbukas?" Sagot ko
"Whatever" nilagpasan lang niya 'ko at nag pa unang maglakad.
Aba talaga naman etong lalaking to oh! Kapag talaga bumalik na si daddy papaalisin ko na talaga sila.
Bumalik na 'ko sa kitchen at binuksan ko ulit yung ref
Nakita kong pumunta din si kyle dito sa kitchen kaya napa simangot ako
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Bawal kumain?"
"'pag sinabi ko bang bawal, hindi ka kakain? At saka hindi ka pa ba kumain kasama nung babae mo kanina?"
"Bakit nag seselos ka?"
Bigla ba namang lumapit sakin at parang may sakit sa mata dahil kindat ng kindat
Kaya naman tinulak ko siya at nagsalita
"Sana ayos ka lang, tinanong ko lang kung hindi ka pa kumakain dami mo ng alam. At bakit naman ako magseselos? as if naman may gusto ko sayo diba?" sagot ko sabay kuha ng cake sa ref at inabot sa kanya
"Oh ayan masaya ka na?"

BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanfictionIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...