[10] Province

99 12 0
                                        

***

***




***



tatlong araw na ang lumipas simula nang mangyari yung nangyari. Ha?. At dalawang araw naman ang lumipas simula nung mapatayo ako sa school grabe nakakahiya yun ahh, pero buti nalang hindi nalaman nila jorette yun







sabado ngayon at syempre chill chill lang dapat. Pupunta kasi kami sa batanes which is our province






Dito pa din natutulog ang tatlong ugok, pero si juna nandon sa bahay nila. Mamaya pupunta siya dito dala ang gamit niya, sasama daw kasi siya eh. Hindi ko lang alam kung pinayagan siya ni tita candy





Lumabas muna ako sa kwarto ko para manood ng TV sa sala. Para 'pag dumating si Juna, ako agad makita niya.






Umupo na 'ko sa sofa at kinuha ang remote. Nilipat ko agad sa disney channel pagkabukas non.







Habang nanonood ako ay biglang may nag doorbell kaya naman tumayo ako at lumabas para pagbuksan kung sino man yun.






nakita ko si juna na may dalang gamit syempre nagulat ako pero alam na... kasama siyaaa!!








"juna!! handa ka na ahhh!! Buti pinayagan ka?!!!"






kinuha ko ang iba niyang gamit pero may humawak sa kamay ko. Napalingon naman ako at nakita si jorette





"insan aalis kayo?" tanong niya saka kumindat. Mukhang may pinaplano.







Tumango lang ako at pinabuhat sakanya ang gamit ni juna 






"sama 'ko!! mag babasta na ko ahhh!!" sigaw nya






"bahala ka basta ikaw mamroblema sa sasakyan mo ha!" Sabi ko nalang








Mukhang may binabalak ang gunggong ah? Feeling ko nagpaalam na 'to kay daddy.








"sige ba! kasama ko naman yung dalawa ehh" 








Inirapan ko lang siya at pinapasok na si juna. Pinaupo ko siya sa sofa at niyaya nalang muna manood.









Maya maya pa ay biglang tumabi si jorette kay juna kaya naman napa usod ako.







"juna sasama ka?" tanong ni jorette kay juna. Obvious ba?!








"kaya nga nag dala ng gamit diba?"









napa hagikgik ako sa sinabi ni juna kay jorette pero nawala ang pagtawa ko ng biglang dumating si ace









Nakita kong may nginunguya si ace kaya naman tinanong ko siya








"ano kinakain mo?"









"shawarma" sagot nya 









nagningning ang mata ko sa sinabi nya that's my favorite!!!








Ngumiti ako sakanya ng napaka lawak at tila nagsasabi ang mata kong bigyan niya 'ko non.



"Here.."






"Yiee!! Thank you!!"






Binalik ko ulit ang paningin ko sa TV habang ngumunguya ng shawarma.







If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon