"Congrats daphne!! 18 ka na!!" Inabot sa'kin ni Juna yung gift na dinala niya habang nagreretouch ako dito sa loob ng dressing room. Gusto niya daw siya ang unang magbibigay ng gift sa'kin."Ngumiti ka naman! Baka late lang yun!"
"Oo nga insan baka late lang, birthday mo tapos naka simbakol yang muka mo. Ngumiti ka na magsisimula na yung event hinihintay nalang yung host"
"Oo na ngingiti na 'ko. Lumabas na kayo at baka magsimula na nga, baka gusto niyong sumama sa grand entrance?" Natawa nalang ako nang mapakamot ng ulo si jorette.
Kanina ko pa talaga iniisip kung okay lang ba si kyle, kung nakalimutan niya bang birthday ko ngayon. Asan na ba kasi siya?
By the way, nakasuot ako ngayon ng pink cocktail gown at black heels. Naka semi curl naman ang buhok ko at nakatali.
Napatingin ako ng bumukas ang pinto at pumasok yung isa sa mga nag oorganize ng event.
"Ms. Daphne ready na po sa venue. lalakad po kayo sa red carpet kasama yung daddy niyo pagtapos kayong tawagin ng host, then yung speech niyo po" nginitian ko lang siya at sumunod na sa labas ng dressing room para pumunta sa pinaka venue.
Nakita ko agad si daddy na naghihintay na sa'kin. Narinig ko naman agad ang pag introduce sa 'kin kaya kabado kong naglakad sa red carpet habang hawak ang braso ni daddy para maescort ako.
Agad namang tumayo ang mga bisita at nagpalakpakan. Ngumiti din ako ng simple para kabog diba. Habang naglalakad naman ako ay sobrang saya nalang ang naramdaman ko. Nakita ko ang mga kaibigan kong walang sawang sumuporta sa'kin. Halos hindi ko naman nakilala yung iba dahil company workers siguro. Marami ding camera ang nakatutok sa'kin habang naglalakad kami. Naalala ko yung sinabi ni mommy na ibobroadcast daw. I insist naman. Napaka gastos, sakit sa bulsa. So I suggested na Mag live nalang sa different social media accounts ko.
Nandon din sila maam madhi at ang ibang naging classmate ko nung highschool. Lui is here too and he's with michelle
"Xyrieve Alcantara.." Isa isa nang binabanggit ang 18 gifts. Katatapos lang kase nung 18 candles at karamihan ay puro bata.
"Hi daph! You are my first ever best friend alam yan diba.. Thankful ako kase naging totoo ka sa'kin. Hindi mo ko tinuring na iba sa mga totoong kaibigan mo. Kahit na hindi naman ako ganon kayaman at scholar lang ang dahilan kung bakit ako nakapag aral sa dream school ko, tinuring mo pa din ako bilang tunay mong kaibigan." Kinagat ko ang loob ng labi ko para pigilang maluha. Sobrang honest niya naman dito. "Kaya tanggapin mo 'tong gift ko sa'yo.. Hindi man to kasing mahal kagaya ng regalo ng iba, hindi naman mapapantayan ng pera ang effort at pagmamahal na binuhos ko dito. Be happy"
I smiled at her when she handed her gift to me and gave me a tight hug.
"Lee eunha.."
"Happy birthday daphne.. I just want to give this very special gift that symbolizes our friendship. I'm so thankful that I've met you. I hope we can debut together and be successful someday. Love you." She gave me a hug before going back to her sit again.
Hinintay ko pang natawag si Juna dahil hinuli siya. Siya daw kasi ang pinaka close ko so sinuggest niya na ihuli siya. 17 gifts na ang natatawag at patuloy pa rin ako sa paglingon sa paligid kung nandito na ba si kyle pero hindi ko pa rin siya makita.
![](https://img.wattpad.com/cover/156168894-288-k45202.jpg)
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
Hayran KurguIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...