[42]

31 5 1
                                    

Umaga na ngayon, naghahanda na kami ni jorette papunta sa mall para magshopping, lubusin na natin hindi naman tayo gagastos eh HAHAHA


Naligo muna ako at nag lagay ng kung ano ano sa mukha, nag suot din ako ng high waisted black ripped jeans at white off shoulder na cropped top. Tinali ko din ako buhok ko sa bun at nag suot ng shades. Ang init kaya


Nang makalabas, akala ko ako na yung kabog pero nakita ko si jorette na kala mo aatend na ng debut ko jusko.


"San punta naten?" tanong ko habang bumababa

"Formal attire to!" Natawa naman ako at ibinato ang susi sa kanya.



"Ikaw magdrive.. Sila mommy?" tanong ko


"Sa dining area, kain daw muna tayo, tara!" sumunod ako sa kanya sa dining area at nakita nga sila mommy na nakaupo



"Good morning dad, mom!" humalik ako sa pisngi nila.

"Ready-ng ready na kayo ah!" si mommy


"Of course! mahaba habang araw 'to"


"I invited your friends, let's wait for them" napakunot ang noo ko


"Sila Juna??"


"Yup, pati sila Ace" si daddy yan, oh diba close sila


"yey! thanks dad!"

Mga ilang minuto lang ay dumating na din sila Ace, Juna, xyrieve, pati si kyle

Bwisit talaga!! nakakailang tuloy si kyle. Icaption ba naman yon? 'My Girl'? ugh! andami tuloy nag dm sakin, comeback daw letse

Alam ko naman biro biro lang pero dapat diba permission muna. Haish! yaan mo na nga wala na eh

May dalang kotse si Ace, kasabay niya si Xyrieve. Si jorette naman kasabay si Juna. Ako? Syempre nagdala ko ng kotse ko diba. Alangan namang sumabay ako sa isa diba.

Nauna na silang umalis at ako dumaan muna sa isang cake shop para bumili. Nag order na ako at umalis.

Naipit ako sa traffic kaya natagalan. Bored na sila nung dumating ako. Sabi ko dapat kumain muna sila kaso sabi ni jorette, kinakabahan siya sa bill. Si daddy magbabayad eh HAHAHAA

"San tayo?!" excited na tanong ni juna

"Kain muna tayo!" Syempre su Jorette yan. ANG MAGJOWA okii sanaols

Ayun na nga, pumunta kami ULET sa isang korean resto at ako ulit ang pinag order nila, kesyo ako daw ang may alam. Eh lagi naman kaming nandito dati

"Oh laro tayo!!!" biglang sigaw ni juna, napatingin tuloy kami sa paligid. Nakakahiya tong babaeng to

"Anong laro?!" tanong ko

"truth or dare!" si xyrieve

"Game! lahat kasali ah, sampingutin ko hindi sasale!" si juna

Si Ace parang glue lang na nakadikit kay xyrieve, si kyle naman parang kulangot na mabaho. Charot

Nagpaikot ng bote si Juna sa gitna at tumapat yon kay Ace.

"Truth or dare?!" tanong ni xyrieve

"Truth.."

"Ako magtatanong!!" ang wild ni Juna bwisit "Kayo na ba ni xy?!!!" ang sama ng tingin niya kay ace kala mo mangangain eh "Bawal mag sinungaling malilintikan saken!"

"Yeah.. Yesterday.." parang nahihiya pa si Ace, ang kyut!! go ex-crush

Nag asaran pa kami at nang makahinga, pinag patuloy na namin. Si ace ang nag paikot ng bote at tumapat yun sa'kin

If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon