Daphne's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ng cellphone ko. 4:00 am na pala.
Pumunta na ko sa cr para ayusin yung sarili ko. I need to lose weight diba nga. So mag jojogging tayo ngayon
Nag leggings lang ako at white tshirt para komportable gumalaw.
Pagkatapos non ay bumaba na ko. At pumunta sa kusina Nakita ko naman si tessie na parang kagigising lang din.
"A-ah Maam Daphne, aalis ka na ba? Sandali lang at maghahanda lang ako ng makakain"
"Tessie, Daphne nalang, mag kasing edad lang tayo oh. Para naman akong matanda niyan." Sabi ko at umupo sa lamesa "cereals lang para hindi mabigat sa tiyan"
"Sige saglit lang" sabi niya at nagbasta na
"Gusto mo bang sumama magjogging?" Napatingin lang sya saken "I mean, ikaw lang kasi yung maiiwan dito hindi ka ba nabobored?"
"Hindi naman, masaya nga ko kase nakakuha ako ng trabaho at nagpapasalamat ako dahil dito ko napunta" binigay na niya saken yung cereal
5:00 am na kaya binilisan ko na yung pagkain ko. At lumabas na.
Nagulat ako ng makita si lui sa labas ng bahay
"Mine? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
"I knew it. Alam ko na kaseng magjojogging ka kaya pumunta ko para samahan ka" sabi niya
"Sweet mo naman" sabi ko sabay ngiti "tara na nga!"
***
Umikot lang kami sa buong subdivision hanggang sa makarating kami sa park.
7:30 palang naman at 9:00 ako susunduin ni kyle.
Umupo kame sa ilalim ng puno para magpahinga.
Bigla naman akong inabutan ni lui ng carton milk. Waw ah laging ready hahaha, kaya mahal ko to eh.
"Mamaya ka na lilipat sa bahay diba?" Tanong ko
"Hindi ako lilipat, magbabakasyon lang" sabi niya
"Aish! Ganun din yun noh" sabi ko sabay irap sa kanya
"Mine..." tawag ko
"Hmm??"
"Sa tingin mo makakapasa ko sa survival show?" Tanong ko "well.. 2 years din akong nag train at hindi ako nakuha sa debut team, sa tingin mo kaya makakapag debut na ko ngayon?"
"Believe in your self, no matter what happen, you are still my one and only Mine"
"Thank you mine... Love you"
"Love you too, and always remember you are always be mine" sabi niya at ngumiti
***
8:00 na kami nakabalik at kailangan ko ng mag basta dahil baka sunduin na ko ni kyle maya maya lang
Nag shower na ko at ginawa lahat ng kailangang gawin sa loob ng cr. Pagkatapos ay bumaba na ko
Nakita ko si tessie na nagliligpit sa sala kaya naman lumapit ako
"Nag almusal ka naba tessie?" Tanong ko
"Ah mamaya nalang tatapusin ko muna to" tugon niya
"Kumain ka muna at ako na ang magtutuloy niyan" kinuha ko yung basahan sa kanya kaya naman hindi na siya nakatanggi
"Salamat daphne" sagot niya
Hindi ko na siya nasagot ng biglang may magdoorbell. Siguro si kyle na yun
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanfictionIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...