[30] Meet the family

52 2 0
                                    

"You have a good taste kyle huh.."

Napangiti ako sa sinabi ng daddy niya. Hindi kaya galit? Siguro nga hindi, pero ang mommy niya kaya? Haist kasi naman eh dapat hindi ko na sinabi sakanya dati yun eh..

Nakita ko ang muka ni kyle na namula. WHAT?? Si kyle nag bublush? HAHAHAAH

Lumakad yung daddy papunta sa dining table at umupo. Kainisss eto nanaman yung puso koo

Pinaupo ako ni kyle sa isang upuan at umupo naman ako. Nakita ko ding tumabi siya sa akin

Ngayon ay nasa harap na naming dalawa ni kyle ang daddy niya. Nakatingin lang siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"What's your name ija?" Tanong nito sa kin

"A-ah err.. Daphne po" haiisshh nabubulol ako kinakabahan kasi eh

"Don't be shy nor scared ija I won't bite you" tapos tumawa pa "well.. My child is lucky to have a girlfriend like you.." Napaubo ako sa sinabi niya kaya binigyan ako ni kyle ng tubig

GIRLFRIEND??

"Ah hin-------"

"She's luckier to have me din dad.."

Napatingin ako kay kyle na ang lapad ng ngiti.. Aba loko to ah. Tumingin ako sa muka nung daddy nya na nakangiti din pero nawala ang ngiting yun at tumingin sa likod namin

"Oh! Nandito ka na pala!" Bati ng daddy niya.. Uh-oh eto na po

Napatingin ako sa likod ko at nakita yung mommy ni kyle. Yung nakausap ko sa starbucks. Haiishh mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakita kong sumunod din yung ate ni kyle na kanina ay inirapan ako

Tumingin siya saglit sakin at binalik ang tingin niya kay kyle. Umupo siya sa tabi ng asawa niya at si ate mariel naman ay sa tabi ng mommy niya.

Bago pa magsalita ang mommy niya ay biglang dumating ang  dalawang maid at may nilagay sa table. As expected food nga..

"How are you and bella kyle?"

Napatingin ako ng magsalita ang ate niya.. Hello?? Ako yung nandito??

Hinigpitan ni kyle ang hawak niya sa kamay ko.. Bakit ba hindi ako makapagsalita??

"Wala na kami.. Ate!" Sagot ni kyle "by the way, I'm here para ipakilala sa inyo si daphne.."  tumingin siya sakin at ibinalik ang tingin niya sa mommy niya

"She's my girlfriend.."

NGEEKK!!!! Girlfriend???? Duuhh???

Tumingin ako sa ekspresyon ng muka ng mommy niya pero parang ang cold pa din

Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate..

"Ahh excuse lang po.." Pagpapaalam ko at tumayo na

Pumunta ko sa sala nila para hindi marinig.. Wala naman masyadong tao dito..yung mga maids lang

[Hello baby?]

Si dad pala..

"Oh dad.. Napatawag ka?"

[Where are you?]

"I'm with kyle.."

[Go home now, we have a family dinner..]

"A-ah now na po?" Tanong ko

[Yes baby girl, kyle can join us if you want]

"Yes dad I'm coming.. I'll be there in 30 minutes"

Toot

Babalik na sana ko ng makasalubong ko si ate mariel

"A-ah ate nandyan ka pala.."

Hindi siya sumagot at tinignan ako from head to toe.

"Do you know that bella is better than you." Sarcastic na sabi niya na nagpainit ng muka ko

Hindi ako sumagot sa sinabi niya.. Parang may tumusok sa puso ko ng marinig yun galing sakanya

"Ahh pano mo nga pala malalaman eh hindi naman kayo magkakilala" ngumiti siya ng mapait "she's kyles girlfriend, so stay away from him"

"Let me correct your word ate mariel.. EX-GIRLFRIEND" diniinan ko talaga yung sa ex-girlfriend eh

Nakita kong ngumiti siya ng mapait habang nakatingin sakin, tapos biglang umirap, wow ah kanina pa yang irap na yan

"At sa tingin mo seseryosohin ka ni kyle? In your dreams, laruan ka lang niya pansamantala noh!"

Parang may tumusok sa puso ko ng sabihin niya yun. Nahihiya na ko sa mga maids nila dahil nakatingin samin

Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin mula sa likod ko

"I'm serious ate.."

Syempre si kyle yan!!

Hindi sila nag salita ng ilang segundo ng bigla akong hatakin ni kyle palabas

***
 

Nandito na kami sa bahay namin para sa dinner, kasama ko din si kyle, naiilang nga ako sa kanya dahil sa nangyari kanina eh

"How's your study kyle?" Tanong ni mommy

"A-ah it's good"

Tinignan ko yung muka niya na parang kinakabahan simula nung makapasok kami dito kanina

"Ah dad, are you going to watch us tommorow?" Tanong ko

"Of course baby, that's a special day of our daughter so we'll be there"

Napangiti ako sa sinabi ni dad sakin, syempre madalang kaming mag kasama nila mommy kaya sobra kong sabik sakanila

***

Kinabukasan. Grabe nandito ko ngayon sa kwarto ko kasama yung mga make up artist na kinuha nila mom at dad, di ko nga alam kung ano ng nangyayari kay kyle eh

Si juna naman nauna na sa school para sa booth namen, si xyrieve naman wala din akong balita

So ayun na nga inaayusan na ko dito and malapit ng matapos dahil lips stick nalang ang nilalagay sakin

Grabe sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko parang sasabog na dahil sa kaba

Pagkatapos akong make up-an ay nagbihis na ko ng pang sports dahil yun ang unang theme

Kasabay kong mag punta sa school sila mommy at daddy. Hindi ko pa din nakikita si kyle at wala pa siyang text sakin. Nu na kayang nangyari dun

***

Nandito na ko sa school ngayon kasama si juna at xyrieve, hindi pa namanmag uumpisa at hindi ko pa din nakikita si kyle ngayon kaya naisipan kong tawagan nalang siya

<calling kyle>

"Hello kyle?? Nasan ka na ba?"

[...]

Luh anong nangyayari dito parang sira naman toh. Nakakainis na siya ah kanina pa

"Kyle?? Nandyan ka ba?"

[...]

Kinakabahan na ko ah, bakit ba ganito yung nararamdaman ko?

"Huy kyle ano ba??! Nakakainis ka na ah!"

[Hello??..]

Napatigil ako sa boses ng babae sa kabilang linya, ate niya kaya to?

"A-ah sino to?" / [who's this?]

Ayyiisshh kainis naman sabay pa kame

"Ah it's kyle's girlfriend, and you?" sabi ko

Pakapalan na ng muka!!!

[I'm bella and I'm with him now, why do you call?] Napatikom ako sa sinabi niya, bella? Bakit nandyan siya?

"A-ah anong ginagawa niya?" Tanong ko

[We're on a date now]

"Date??.."

[Yes it's a date... Oh nandito na siya sige I'll hung up na]

Toot toot

Date? Kasama si bella?

If Cupid Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon