Kyle's POV
"Laka!! Wala kayong kaalam alam?? Diba nga one month lang si daphne dito at babalik din siyang Korea?!" Sabi ni juna. Aalis nanaman siya?
"Aalis ka nanaman??!!!" Sigaw ni jorette "eh kailan ka babalik?"
"Hmm.. kapag nakapag debut ako I'll stay there for good.. makakapunta nalang siguro ako dito kapag may Concert, pero matatagalan pa yun" sh*t. Dun na siya titira? Eh pano kame? I mean pano ko makakapag sorry?
Napa tingin sila lahat sakin maliban kay daphne.
"Yosi lang ako ah.." mahina kong sabi at pumunta sa tapat ng bahay nila. Nasa garden kase kame diba
Sumandal ako sa kotse ni jorette. Di ko kase dala kotse ko. Sisindihan ko na dapat yung yosi ng biglang may umagaw sa kamay ko
"Bakit ka lumabas? Mainit dito oh" sabi ko kay daphne
"Nagpapahangin lang, nagiinom sila dun eh" sabi niya at ngumiti "kala ko ba hindi ka na nag yoyosi"
Ngumiti ako at tumingin sa langit.
"Kamusta ka na?" Tanong ko
"Okay lang naman, ganun pa din hahaha" namiss ko yung tawa niyang yun "eh ikaw? May girlfriend ka na?" Tanong niya
"Wala pa den.. may hinihintay ako eh" sabi ko at yumuko. Napatingin naman siya sakin
"Hmm? Ibig mong sabihin may nililigawan ka? Nako ahh dapat kilala ko yan para malaman ko kung mas maganda ba siya hahahah" napatingin ako sa kanya. Kung alam mo lang na ikaw yung tinutukoy ko "Why?? Nagbibiro lang ako noh!" Sabi niya
"Galit ka pa rin ba?" Hindi ko alam kung bakit yan lumabas sa bibig ko
"Hmm? Kanino? Sayo? Bakit naman ako magagalit, tsaka matagal na yun noh"
"Sorry.."
"Para san?" Tanong niya
"Sa lahat.."
"Ano ka ba wala na yun noh" sabi niya at ngumiti
"Can't we bring back the past?"
2 years ko siyang hinintay. Nagulat ako sa sinabi ko pero mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman ko. Napatihimik siya sa sinabi ko. Kahit ako hindi rin alam ang sasabihin
"You don't need to answer"
"No we can't"
Parang napako ang katawan ko sa sinabi niya.
"Hindi yun ganun kadali kyle, naka move on na ko so please stop" sabi niya at naglakad na palayo sakin
"KYLE GISING!!!!?" napamulat ako dahil sa sigaw ni Juna.
Nakatulog pala ako. Hayyss. Ibig sabihin isang MASAMANG panaginip lang lahat ng yun?
"Bigla ka nalang nadulas nung tumayo ka, lasing ka na ba?" Tanong ni Juna
Napatingin ako kay Daphne na nakatingin din pala saken. Dahan dahan akong tumayo at hinimas ang ulo ko
***
Daphne's POV
Nagliligpit na kami ngayon nung trio. Yung tungkol kay kyle? Okay na naman daw siya kaya wag na kayo mag alala.
Sabi ni xyrieve kailangan nya na daw umalis dahil yung nanay niya sinumpong nanaman daw ng sakit. Si Juna naman pinauwi na din ng mama niya, magpapatulong daw sa company nila. Kaya kaming dalawa nalang ni lui dito
"Okay ka lang ba mag isa dito insan? Tanong ni jorette
"Hmm? Kasama ko naman si Lui dito eh kaya don't worry"
"Lui? You mean your ex-fiancé?" Tanong ni ace
"Bingo!" Sabi ko sabay tawa "dito muna kasi siya magbabakasyon, di na kasi ako sanay ng walang kasama sa bahay simula nung tumira kami sa korea kaya niyaya ko siya na dito muna matulog.."
"Di ka ba naiilang na may kasama kang lalaki sa bahay? Like duh!" Sabi ni jorette. Parang bakla shutek hahaha
"Like duhh den! Dito nga kayo tumira dati noh! Nailang ba ko!" Sabi ko. Nagkatinginan naman silang tatlo.
"Iba naman yun noh!" Biglang paramdam ni kyle
"Pano naging iba eh hindi ko naman kayo kaano ano nung tumira kayo dun!" Sabi ko at kinuha yung mga case nung bote. "Uy Ace mauna ka na, sundan mo na si Xyrieve kami ng bahala dito" nakita ko kasing nag wawalis pa siya.
"Sige Daphne mauna na ko ahh, salamat!" Yun nga, umalis na siya.
"Kayo ding dalawa pwede na kayong umalis, diba walang dalang kotse yun" sabi ko kila jorette. Nagtinginan muna yung dalawa at tumingin sakin.
"Dito muna pala ako matutulog insan, wala akong kasama sa bahay eh" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Hoy!! Ano nanamang paandar yan, paglalakadin mo si ace? Tsaka ayoko nga!" Sigaw ko
"Ako lang naman eh, si kyle na maghahatid kay ace, Dali na Kyle habulin mo na si Ace" sabi ni jorette at nag peace sign kay Kyle. Napakamot lang ng ulo si Kyle at umalis din dala dala yung susi ni Jorette.
"Uy Jorette seryoso ka dito ka talaga matutulog?" Tanong ko
"Muka ba kong nagbibiro ha daphneng!" tinuloy niya yung winawalis ni ace kanina at tumingin sakin. "bakit naman si lui pa yung pinili mong kasama dito sa bahay? pwede namang kami nila kyle" muka na siyang seryoso.
"eh nakakahiya naman kasi kung iistorbuhin ko pa kayo, alam ko kasing busy din kayo sa pag aaral." sabi ko at tumungo.
"pero naisip mo bang baka maistorbo mo yung tao" teka nga, bakit ba parang ang big deal sakanya nito.
"eh hindi naman siya maaabala kase wala din naman siyang kasama sa condo niya eh" pagpapaliwanag ko
"kahit na, edi dapat tinawagan mo si juna o kaya si xyrieve"
"eh nakita mo naman kung anong nangyari diba, kahit sabihin nilang magi-stay sila dito, aalis at aalis pa rin sila." mahinahong sabi ko
"hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sayo kung kumalat na may kasama ka sa bahay"
"Weyt nga lang insan, bakit ba parang ang big deal sayong tumira dito si lui?" Tanong ko
"A-ah aish!! Never mind, basta dito muna ako titira."
__________________________
Author's note
Thank you for reading if cupid hits you! so shookt ang imong lola HAHAHA.
Pa follow po hehe
facebook: Patricia Laurrinne Cruz
Instagram: Patrice_21
Twitter: @patriceee_21
Youtube account: Patricia Cruz
BINABASA MO ANG
If Cupid Hits You
FanficIsang babaeng tinatago ang katauhan ng isiwalat ni Kyle Valencia ang kanyang totoong pagkatao at nag bago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga napapaligiran. Paano kaya nila malalampasan ang kasinungalingang bumabalot sa kanilang pagkatao. Magig...