Grabe ang ganda ng bahay nila Hannah ng makarating ako sa kanila Sadyang napaka yaman nga nila.
"Jannaaaa I miss you!" sabay yakap sa'kin.
"Maka I miss you ka kala mo antagal nating 'di nag kita eh ilang oras lang naman 'yon, mag kasama lang tayo kanina ija."
"Nag dinner ka na ba? tara dinner muna tayo." Kasabay ng pag kain naming ay ay ang pag kwento ko sa mga nangyari sa'kin kanina hanggang sa pag tawag niya sa akin sa kalagitnaan ng date namin ni John. Anaot totally date.
"Tapos ano pang nangyari?" tanong niya pa. "'Yon lang gaga ka kase tumawag ka bigla no'ng sasabihin niya na sa'kin kung bakit niya ako niyayang lumabas."
"Ahh ganon ba? sorry talaga ah diko alam eh," naka busangot niyang sabi.
"Ano kaba, 'wag ka ngang bumusangot diyan, okay lang naman 'yon tsaka wala naman akong pake sa kanya 'no." sabi ko sa kanya.
"Thank you talaga ah, hayaan mo pag may kailangan ka 'wag kang mahiyang lumapit sa'kin lalo na pag financial." Aniya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpa tulong na siyang gumawa ng homework namin na hindi niya daw maintindihan. "Ano ba ang hindi mo maintindihan?"
"Ito oh," inabot niya sa akin 'yung instruction na nakalagay sa papel na binigay ng guro namin kanina sa Reading and Writing. "Ahh essay."
"Anong ilalagay ko diyan?" tanong niya. Actually naalala ko ito nga yung binigay na homework ng isa naming teacher, hindi ko naman pino-problema 'to dahil madali lang naman para sa akin mag isip ng mga bagay-bagay at kung hindi nila naitatanong nag susulat din ako ng mga poems pag walang magawa o kaya ay free time ako bilang libangan. Tinuruan ko siya ng tamang pag sulat ng essay hanggang sa matuto siya at nang natapos na kami ay umuwi na ako agad dahil malapit na mag hating gabi. Dumaan muna ako sa palengke at tinulungan ko pang mag ligpit si Inay ng mga panindang gulay sa palengke siya nalang kase ang bumubuhay sa'ming dalawang mag kapatid matapos ma-maalan ni itay na sumakabilang buhay na.
"Nay mano po."
"Oh! anak bakit ngayon ka lang? halika't tulungan mo akong mag ligpit at mag sasara na tayo."
"Ahh may tinapos lang po kami ng kaibigan ko 'nay." Ika ko.
"Oh siya mag aral kang mabuti anak wag muna mag aasawa."
"Ano kabanaman nay wala pa sa isip ko 'yan marami pa akong pangarap sa buhay."
"Mabuti 'yan anak ipag patuloy mo 'yan."
Kinabukasan ay halos ma late na akong pumasok buti nalang ay wala pa ang aming prof.
"'Yan ba 'yon?"
"Siya ata 'yon oh".
"Dadaan siya." Nagtataka ako sa mga bulong-bulungan ng bawat estudyanteng nadaraanan ko at kung makatingin ay para na akong kakainin. Nang pag pasok ko sa room ay hinigit agad ako ni Hannah. "Woi dahan-dahan naman," saway ko sa kanya.
"Ambilis kumalat ng balita." Bungad niya sa'kin. "Anong balita?"
"Na mag kasama kayo ni John kagabi may nakakita sa inyo".
"Eh ano naman?"
"Gaga ka anlaking issue 'yon sa buong campus," aniya.
Alam ko namang malaking issue 'yon sa buong campus na ang isang John Scott na gwapo at mayaman ay makikipag date sa isang tulad kong mahirap lamang. "Wala akong pakialam Hannah ni hindi nga ako interesado sa kanya at isa pa kanila na si John wala akong pake do'n." Ika ko. "Ok, bahala ka."
"AT KAYO MGA CLASSMATES!" Sigaw ko para umiksena sa harap.
"OO TOTOO 'YANG PINAG UUSAPAN N'YO NGAYON ABOUT SA'KIN AT KAY JOHN NA LUMABAS KAMI KAGABI DAHIL NANANAHIMIK AKO AY BIGLA NIYA NALANG AKONG YAYAYAIN LUMABAS AT ISA PA WALA AKONG PAKIALAM DO'N."
"Kung wala kang pakealam eh bakit ka pumayag lumabas?" Tanong ng isa kong classmate na babae.
"KAYA LANG NAMAN AKONG PUMAYAG DAHIL AYOKO NAMANG TUMANGGI SA KANYA, SIGE NGA KUNG IKAW YAYAYAIN NG ISANG JOHN SCOTT MAKAKA TANGGI KABA? WALA AKONG PAKE SA KUNG ANO MANG PAGKA-KAHULUGAN NINYO SA PANGYAYARING 'YON, INYONG INYO NA SIYA 'DI KO SIYA KAILANGAN PARA MAPASA MGA UNITS KO!"
Pagkatapos kong mag speech sa harap ay nag hiyawan ang mga lalaki kong kaklase maging ang ibang babae rin ay naki hiyaw, maging si Hannah ay di maka paniwala na nasabi ko 'yun sa harap ng buong klase. Hanggang sa dumating na nga ang aming prof at nag simula na kaming mag klase.
Nagulat kami ng nagkakagulo sa labas sinilip ito ng prof. namin kung anong mayroon at naki isyoso rin ang mga classmates kong chismosa't chismoso syempre kasama roon si Hannah habang ako ay nag babasa ng last na ni-lesson namin sa susunod na subject at dahil may pa-long quiz daw. Nagulat ako sa tilian ang mga classmates ko at napatingin ako sa gawi nila at nagulat ako nang makita ko si...
"John Scott."
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019