Nasa isang mamahaling restaurant kami, as usual isang Scott ba naman ang makikipag date sa'yo eh. "So ano na? titi-tigan mo lang ako?" aniya .
"So ano ba dapat kong gawin? Gumawa ng eksenang hinding-hindi mo malilimutan? Gusto mo ba? madali akong kausap," sarkastiko kong tugon.
"Easy lang miss, galit na galit ka ata sa akin? Bakit? anong problema? May nagawa ba ako?" Like what the hell? Ako pa talaga tinanong niya.
"Ako ba dapat sumagot n'yan? Bakit hindi mo tanongin sarili mo?" I rolled my eyes.
"Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama eh, ikaw lang naman 'tong umiiwas sa tuwing magkaka-salubong tayo sa hindi ko malamang dahilan," pagsusumamo nito.
"May I ask some question first Mr. John Scott?" tanong ko.
"Then go, ask me a questions."
"Anong mayroon tayo at this moment?"
"'Di pa ba malinaw sayo 'yon? Ito ako isang prinsepe na nangangarap na makuha ang kanyang prinsesa. I'm the one and only John Scott na gustong makuha ang itinitibok ng puso ko na walang iba kung 'di si Miss Janna Darangal... Ikaw."
"Bakit?" My voice was trembling, hindi ko maikubli ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko ang bilis kong masaktan.
"Why are you asking me that question? Syempre mahal kita." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga salitang sinasambit ni John. Imbis na matuwa at kiligin ako sa mga sinasabi nito ay lalo pa akong nasasaktan.
"Why are you crying miss?" Ika pa nito.
"Bakit mo ba 'to ginagawa eh hindi nga tayo magkakilala una palang, we're coming from the same school. Halos parehas tayo ng inaapakan noong nasa Junior high tayo at senior high mag pa sa hanggang ngayon nga rin eh pareho tayo ng tinatapakan. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit mo ginugulo ang tahimik kong buhay ngayon."
"Hindi kita ginugulo."
"So ano itong ginagawa mo? Hindi ba't panggugulo ang tawag pag ginambala mo ang taong nanahimik na una palang wala ng pakialam sa'yo at lalong lalo na niloloko mo ito?"
"Ilang beses kong bang sasabihin sa'yo na hindi kita ginugulo? At lalong-lalo na hindi kita niloloko. Janna, anong nangyayari sa'yo bakit ka nagkaka ganyan?" Hindi parin tumitigil ang mga luha ko sa pag patak. Tila hindi pa niya nakukuha ang kasagutan kung bakit ako nagkaka ganto.
"Narinig ko kasi.."
"Narinig mo ang ano?"
"Narinig ko na magkausap kayo ni Denver nang bigla akong napadaan at narinig ko ang pinaguusapan n'yo," napako ito sa kinauupuuan "'Yon ba ang dahilan ng lahat? Let me explain." Tanging naisagot nito.
"Then go! I'll give you a shot." I said.
"It's just for fun," he said after me.
"Just for fun? Parang pinag laruan mo lang din ako niyan."
"I'm so sorry miss. Pinagsisihan ko na nasabi ko 'yon sa 'yo, nasabi ko sa kanya na niloloko lang kita. I'M SORRY."
John's POV
Katatapos lang namin sa P.E subject, basketball 'yong nilaro namin ngayon kaya dumiretso kami ni Denvier sa locker para mag palit ng ng damit. "Kumusta na kayo ni Jerylyn?" Tanong ko habang sinusuot ko ang pamalit kong damit.
"Ahh 'yon? wala na 'yon may bago na ako ngayon. Alam mo ang mga babae pampasarap lang ng buhay mo 'yan pampalipas oras at pampa init sa gabing malamig."
Natawa ako sa mga sinabi niya pero hindi ako sumasang ayon sa layunin nito. Kilala ko si Denvier sadyang babaero 'tong hayop na 'to. halos linggo-linggo nga ata nag papalit to ng girlfriend, pagkatapos pagsawaan o matikman ang isa mag hahanap naman ng bago at hindi naman mahirap sa kanyang mag hanap ng ibag babae dahil gaya ko marami ring babae ang nag kakandarapa sa kanya.
"Sira ulo ka talaga".
"Ikaw kumusta 'yong babaeng matagal mo nang gusto na lagi mong kinukwento sa akin?"
"Sinisimulan ko na s'yang makuha."
"Tingin mo bro ma papasagot mo 'yon?"
"Oo naman ako pa ba?"
"Paano pag napasagot mo si Janna? Ano nang gagawin mo?"
"Syempre makikipag break na ako at sasabihin ko sa kanya na pinag lalaruan ko lang siya".
"Yown ang gusto ko HAHA"
"Syempre biro lang 'yon, hinding-hindi ko magagawa sa isang babae na manloko at pag laruan ang feelings nila lalong lalo na sa prinsesa ko"
"Nakss naman sige bro, good luck!"
Janna's POV
Nahiya ako sa katangahang ginawa ko ngayong gabi sa harap mismo ni John, umiyak at nag drama pa ako sa harap niya dahil lang sa isang misunderstanding.
"You're not lying?".
"Yes, I'm not and never be a lier specially to my prinsesa".
"So what's next?".
"Are you trusting me?"
"I don't know."
"Ok, I won't force you to give your full trust to me."
"I'm sorry."
"It's okay."
"Sorry kasi hinusgahan agad kita ng hindi ko alam ang tunay na katotohanan sa lahat ng kasinungalingang alam ko."
"It's ok we're human, we are not born to be perfect."
"May mga bagay lang akong gustong linawin."
"What's that things?"
"Natatandaan mo noong una mo akong nakita na naka upo sa bench sa loob ng campus?"
"Then?"
Ito na siguro ang tamang panahon para malinawan na ako sa lahat ng bagay na bumabagabag sa aking isipan una palang. Simula noong bigla nalang siyang sumulpot sa tabi at aayain akong lumabas, hanggang ngayon na nasa isa kaming restaurant at ipinapagpatuloy ang naudlot na una naming date. Ito na rin siguro ang dahilan ng lahat upang malaman ko na ang katotohanan. Ang katotohanang bakit ako nagustuhan ng isang John Scott at paano niya ako nakilala.
"Ang sabi mo kilalang-kilala mo ako? Paano mo ako nakilala?"
"'Yan ba ang bumabagabag sa isipan mo? Simple lang ang tanong nayan dahil gusto na kita dati pa," naguguluhan ako sa sinabi niya at hindi pa nag si-sink in sa utak ko ang lahat.
"Paano?" tanging naisagot ko.
"Kilala na kita since when I was grade 7. Noong una kitang nakita naka busangot ka kaya feeling ko ang taray-taray mo noon at tila may nag udyok sa akin na sundan ka hanggang sa room n'yo para malaman ang section mo. Ang corny 'no? hindi ko na namalayan na unti-unti na akong nahuhumaling sa'yo. Lagi kang naka busangot noon, hanggang sa dumating ang punto na gusto kitang lapitan dahil lagi kang naka busangot pero dahil pinangunahan ako ng hiya hindi ko magawa, napag-alaman ko rin na isa kang scholar dahil pina check ko sa tito kong principal noon ng school natin ang records mo, nalaman ko rin ang life status mo at isa ka sa mga matatalino sa room n'yo, ikaw pa nga ata ang pinka matalino sa lahat ng classmates mo eh kaya lalo akong humanga sa 'yo." Nagulat ako sa mga sinabi niya tungkol sa akin hindi ko inaakala ang lahat ng iyon.
"Mayroon ding time na sinusundan kita pauwi sa bahay n'yo noong tumungtong tayo ng grade 8 pinapasundan pa talaga kita sa driver ko noon para lang bantayan ka hanggang sa makarating ka ng bahay n'yo." Patuloy niya pa sa pag sasalita.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019